You are on page 1of 3

FILIPINO SA PILING LARANG- AKADEMIK

PAGSULAT NG BIONOTE

GAWAIN NG MAG-AARAL BAGO AT PAGKATAPOS SAGUTAN ANG MGA AKTIBIDAD SA MODYUL:


1. Kinakailangang regular na umattend ng google meet kung may itinakdang araw at oras ang guro.
Maari rin namang panoorin ang mga video lesson na mismong guro ang gumawa upang mas lalo
pang lumalim ang iyong pang-unawa sa paksa kung hindi ka nakaaattend ng Google meet.
2. Sikaping bago gawin ang aktibidad ay naintidihang mabuti ang paksa, kung mayroong hindi
nauunawan maaring humingi ng tulong sa mga kasamahan sa bahay, sa guro o sa kamag-aral.
3. Sumunod sa mga hakbang na nakasulat sa bawat aktibidad.
4. Sikaping nailalagay sa tamang google drive link ang mga performance task/ written ouput na
kinakailangang isumite.
5. Sikapin na naisusumite sa tamang panahon ng pagpasa ang mga output.

Mga aktibidad na sasagutin sa WEEK 4


1. Basahin at unawain ang Katangian ng Bionote.

a. Kahulugan ng BIONOTE

- Ang Bionote (Biographical note) ay maituturing na isang lagom na ginagamit sa pagsulat ng


personal profile ng isang tao.
- Ayon kay (Duenas at Sanz 2012) ito ay isang tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod
ng kanyang ACADEMIC CAREER na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat,
abstrak ng mga sulating papel, websites at iba pa.

b. Mga karaniwang gamit ng BIONOTE

- BIO-DATA
- RESUME
- SOCIAL NETWORKING SITES
- DIGITAL COMMUNICATION SITES
- BLOG
- AKLAT
- ARTIKULO

c. Pamantayan sa wastong pagsulat ng BIONOTE

- Sikaping maiuslat ito ng maikli, kung gagamitin ang resume kailangang maisulat lamang sa loob
ng 200 salita. Kung gagamitin sa social networking sites sikaping maisulat lamang sa loob g 5-6
na pangungusap.
- Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay.
(Interes, tagumpay na nakamit, edukasyon)
- Gumamit ng Ikatlong panauhan (siya, sina, sila, kanila at kaniya) upang maging litaw na obhetibo
ang pagkakasulat nito.
- Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng payak na salita, maikli at tuwirang
pangungusap.
- Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong Bionote. Maaring ipabasa muna ito sa
iba para matiyak ang katumpakan ng wika at konteksto.

d. Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng BIONOTE

1 3

PERSONAL BACKGROUND KARANGALAN AT


KARANASAN
(Buong pangalan, Lugar at EDUCATIONAL BACKGROUND
taon ng kapanganakan) (Kondisyunal)
(Elementarya, Sekundarya,
Kolehiyo, Gradwado)

Halimbawa ng BIONOTE

EDUCATIONAL
BACKGROUND

Si Eros S. Atalia ay nagtapos sa Philippine Normal University noong 1996 sa Kursong Bachelor of
Secondary Education Major in Filipino. Nakapagtapos rin siya ng Masters of Arts in Language and
Literature major in Filipino sa DLSU noong 2008 at sa kasalukuyan kumukuha siya ng Doctoral
Degree sa Linguistics sa UP Diliman. Kinilala ng Komisyon sa Wikang Filipino ang kanyang mga
sanaysay at tula. Unang Gantimpala sa Pandaylipi Ink. sa pagsulat ng tula noong 1995, Gawad
Balagtas (PNU 1996), Unang Gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature
(2006), Gawad Soc Rodrigo (2007), Fellow sa UP-ICW Writers Workshop noong 2007. May akda
ng Taguan Pung (kalipunan ng mga akdang di pambata) at Manwal ng mga Napapagal(kopiteybol
dedbol buk) (UST 2005) at Peksman (mamatay ka man)Nagsisinungaling Ako (VPE 2007) at “Ligo
na U, Lapit na Me (VPE, 2009).Naging contributor sa mga pambansang tabloid at naging kolumnista
sa Remate. Naging Junior Researcher sa Social Research Center, dating JuniorAssociate ng Center
for Creative Writing and Studies at nagtuturo ng Filipino at Filipino Journalism sa Faculty of Arts
and Letters, UST at Creative Writing saGraduate school.
KARANASAN AT
KARANGALAN

(Ang impormasyon ay kuha mula sa https://www.goodreads.com/author/show/3337068.Eros_S_Atalia

https://www.academia.edu/37735357/
Manunulat_na_Pilipino_na_Nagwagi_ng_Carlos_Palanca_Memorial_Awards_for_Literature_Tagalog_Version
 Ang Bionote ay isang mabisang Marketing Tool. Ginagamit ito upang
itanghal ang mga pagkilalang natamo ng indibidwal at kapwa ring
itong nilalapat at ginagamit sa mundo ng akademya at empleyo.

2. Isulat ang iyong Bionote sa hinaharap. (maaring ito’y paglipas ng 10 taon). Taglay nito ang nais
mong mapagtagumpayan sa buhay propesyunal. Sundin Mabuti ang bahagi ng pagkakasulat ng tala
ng may-akda. Gawing gabay ang rubrik sa paglikha ng Bionote.

PAMANTAYAN MAHUSAY (10-8) KATAMTAMANG KAILANGAN PANG


HUSAY (7-5) PAGHUSAYAN (4-1)
Wika Pormal ang wikang May ialang bahaging Personal ang tono ng
ginamit. Maayos ang naging personal ang Bionote. Maraming
pagbabaybay at walang tono. Kailangang kamalian sa
kamaliang tipograpikal. isaayos ang kamalian sa pagbabaybay.
pagbabaybay.
Haba Sapat ang haba o ikli ng May ilang pangungusap Kulang ang nilalaman
bionote batay sa na kailangang tanggalin ng bionote.
pangangailangan. o idagdag.
Angkop Naangkop ang May ilang bahagi ng Hindi angkop ang
na impormasyon impormasyon ng bionote na hindi na impormasyon sa
bionote batay sa mahalagang ilahok. malaking bahagi ng
kahingian ng Kailangang tanggalin Bionote.
pagkakataon. ang mga iyon.
Bagong Nilalaman Lantad sa bionote ang Kailangang dagdagan ng kailangang dagdagan ng
mga bagong bagong impormasyon makabuluhang
impormasyon tungkol sa ang Bionote. impormasyon ang
may-akda. bionote.

3. Isagawa ang hinihingi batay sa nakasulat na mga sitwasyon;

 Magkakaroon ng isang workshop seminar sa inyong paaralan at naatasan ka ng iyong guro sa


Filipino na ipakilala ang panauhing pandangal.

Pangalan ng Panauhing Pandangal: Virgilio Almario

 Sa darating na Lunes ay magkakaroon ng Job Fair sa Event Center ng SM Pampanga at


kinakailangan mong makasulat ng iyong RESUME upang maisumite at maipakita mo kung
paano ka natatangi at karapat-dapat na makuha sa trabahong iyong aaplayan. Kinakailangan
maipakita mo nang wasto at angkop na pagpili ng salita tungkol sa iyong personal na detalye,
Edukasyon, nagawa at karanasan.

Inihanda ni:

Gng. Janette M. Pangan


Guro sa FPL Akademik

You might also like