Professional Documents
Culture Documents
SA
MAY-AKDA O BIONOTE
ANO ANG TALA SA MAY- AKDA?
Ito ay pinaikling buod ng mga
tagumpay, kakayahan, edukasyong
natamo, publikasyon, at mga
pagsasanay na taglay ng isang may-
akda.
Karaniwan itong nakasulat sa
ikatlong panauhan.
MGA GAMIT
Pagpapasa ng artikulo o
pananaliksik sa dyornal o
antolohiya
Pagpapasa ng aplikasyon sa
palihan o workshop
Pagpapakilala ng sarili sa website
o sa isang blog
MGA GAMIT
Panimulang pagpapakilala ng
aplikante sa isang posisyon o
scholarship
Tala ng emcee upang
ipakilalaang isang tagapagsalita
o panauhing pandangal
MGA GAMIT
Pagpapakilala ng may-akda,
editor, o iskolarna ilalathala sa
huling bahagi ng kaniyang aklat
o anumang publikasyon.
Bilang maikling impormasyon
upang magsilbing gabay sa mga
mananaliksik.
MGA DAPAT TANDAAN SA
PAGGAWA NG BIONOTE
Piliin ng may-akda ang
pinakamahalagang bahagi mula sa
kaniyang biodata o curriculum
vitae.
Kinakailangan ding may kaugnayan
ang mga impormasyon sa bionote
sa paksaing taglay ng isang
publikasyon
MGA DAPAT TANDAAN SA
PAGGAWA NG BIONOTE
Hindi na mahalagang tukuyin ang mga
impormasyon kung saan nag-aral ng
preschool hanggang hayskul ang isang
manunulat
Hindi rin mahalagang sabihin na
nakakuha siya ng Loyalty Awardo kaya
ay Best in Poster Making Contest
noong nasa ikalawang taon ng mataas
na paaralan.
DALAWANG URI NG TALA
SA MAY-AKDA
1. MAIKLING TALA PARA SA MGA
DYORNAL AT ANTOLOHIYA
Dapat ay maikli ito ngunit siksik
sa impormasyon. Hindi na kailangan
banggitin ng may-akda ang mga tala
na walang kaugnayan sa tema at
paksain ng dyornal o antolohiya.
Si Carla M. Pacis ay manunuat ng mga
aklat pambata at mga kuwentong
pangkabataan na ang ilang akda ay
nagwagi sa National Book Award, Carlos
Palanca Memorial Award for Literature,
at sa PBBY Salangan Prize. Siya rin ay full
time na propesor sa Departamento ng
Panitikan sa De La Salle University-
Manila, at tagapagtatag ng Kwentista ng
mga Tsikiting (KUTING), at council
member ng National Council for
Children’s Television.
GABAY SA PAGSULAT NG
MAIKLING TALA
Pangalan
Pangunahing Trabaho ng may-akda
Edukasyong natanggap ng may-akda (antas
batsilyer hanggang antas gradwado)
Mga akademikong karangalan gaya ng Latin
honors (cum laude hanggang summa cum
laude), Best Thesis, o scholarship na
natamo bilang mag-aaral (hindi kasama ang
diskwentong natamo dahil sa pinansyal na
kalagayan)
GABAY SA PAGSULAT NG
MAIKLING TALA
Mga premyo o gantimpalang natamo
na may kinalaman sa paksain ng
dyornal o antolohiya.
Dagdag na trabaho ng isang may-akda
bukod sa kaniyang pangunahing
posisyon (kailangang tukuyin ang
posisyon at institusyong
kinabibilangan)
Organisasyong kinabibilangan
GABAY SA PAGSULAT NG
MAIKLING TALA
Mga tungkulin sa
pamahalaan o komunidad
Kasalukuyang proyekto
Mga detalye sa
pakikipagugnayan gaya ng e-
mail address
2. PANGALAWANG URI NG TALA SA MAY-
AKDA AY ANG MAHABANG URI
Kadalasang isinusulat ito bilang prosang
bersiyon ng isang curriculum vitae.
Mahahabang bionote upang may
sangguniang mapagkukunan ang mga
iskolar at mananaliksik kaugnay sa
kaniyang buhay at tagumpay
Binubuo ng dalawa hanggang walong
pahina at doble espasyo.
GAMIT NG MAHABANG URI
Entri sa ensiklopedia
Entri sa aklat n g impormasyon gaya ng
Buhay ng mga Manunulat sa Pilipinas
Tala sa aklat ng pangunahing manunulat
o editor
Tala para sa mga hurado ng isang
lifetime achievement award
Tala para sa administrador ng paaralan
MGA IMPORMASYON NG
MAHABANG BIONOTE
Kasalukuyang posisyon sa
trabaho
Mga tala ukol sa kasalukuyang
trabaho
Mga pamagat ng naisulat na aklat,
artikulo, o kaugnay na akda tulad
ng mga sining biswa, pelikula,
pagtatanghal
MGA IMPORMASYON NG
MAHABANG BIONOTE
Mga listahan ng parangal na
natanggap
Tala sa pinag-aralan o edukasyon
gaya ng digring natamo at kung
saan ito natanggap
Mga natanggap na training at
nasalihang palihan
MGA IMPORMASYON NG
MAHABANG BIONOTE
Mga posisyon o karanasan sa
propesyon o trabaho
Mga kasalukuyang proyekto
Mga gawain sa pamayanan o sa
bayan
Mga gawain sa samahan o
organisasyon
PORTFOLIO #1: PAGSULAT NG
TALA SA MAY-AKDA O BIONOTE
ISULAT ANG IYONG BIONOTE SA
HINAHARAP. TAGLAY DAPAT
NITO ANG NAIS MONG
MAPAGTAGUMPAYAN SA BUHAY
PROPESYONAL. GAMITIN ANG
MAHABANG URI NG PAGGAWA
NG TALA SA MAY-AKDA.
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
RUBRIK PARA SA PAGGAWA
NG MAHUSAY NA BIONOTE
PAMANTAYAN MAHUSAY KATAMTAMA KAILANGAN
(8-10) NG HUSAY (5- PANG
7) PAGHUSAYIN
(1-4)
WIKA Pormal ang May ilang bahagng Personal ang tono
wikang ginamit. naging personal ng bionote.
Maayos ang ang tono ng Maraming
pagbaybay at bionote. kamalian sa
walang kamaliang Kailangang isaayos pagbaybay.
tipograpikal ang kamalian sa
pagbaybay.
HABA Sapat ang haba at May ilang Kulang ang
ikli ng bionote pangungusap na nilalaman ng
batay sa kailangang bionote.
pangangailangan tanggalin o
idagdag sa
bionote.
RUBRIK PARA SA PAGGAWA
NG MAHUSAY NA BIONOTE
PAMANTAYAN MAHUSAY KATAMTAMA KAILANGAN
(8-10) NG HUSAY (5- PANG
7) PAGHUSAYIN
(1-4)
ANGKOP NA Naaangkop ang May ilang bahagi Hindi angkop ang
IMPORMASYON impormasyon ng sa bionote nahindi impormasyon sa
bionote batay sa namahalagang malaking bahagi
kahingian ng ilahok. Kailangang ng bionote.
publikasyono ng tanggalin ang mga
pagkakataon. iyon.
BAGONG Lantad sa bionote Kailangang Luma na ang
NILALAMAN ang mga bagong dagdagan ng nilalaman ng
impormasyon bagong bionote at
tungkol sa may- impormasyon ang kailangang
akda. bionotr. dagdagan ng
makabuluhang
impormasyon.