You are on page 1of 1

Napaka-gandang maglakbay sa iba’t-ibang lugar dahil nakakakuha tayo ng iba’t ibang kaalaaman tungkol

sa partikular na lugar na iyon. Kung ako ay tatanungin kung ano ang isusulat kong pinakamasayang
pinuntahan ko na ay ang Baguio City. Ang lugar kung saan naganap ang magagandang araw ng buhay ko.

Isang bus o van lang ay makakarating ka na doon ng mahigit kumulang dalawang oras. Napakagandang
pumunta doon dahil sa napakagadang klima, mga pagkaing masasarap na naroroon tulad ng strawberry
at ube jam at ang mga paboritong pasyalan ng mga tao tulad ng Camp John Hay, Burnham Park at Mines
View Park.

Madalas kaming pumunta ng aking pamilya sa Baguio tuwing bakasyon dahil sa sobrang init. Natataon
naman ang aking kaarawan sa bakasyon kaya naman masaya akong naghahanda doon. Nandoon kaming
lahat at napakarami pa ng aming pinupuntahang pasyalan. Paborito ko ang Camp John Hay dahil doon
kami nakakapag-piknik at doon kami naglalaro. Doon ko rin naranasang makakita ng mga magagandang
damit sa mga ukay-ukay. Napakaraming ukay-ukay doon kung saan napakarami ring magagandang damit
na pagpipilian. Sa Session Road din ay napakaraming maaaring puntahang kainan at pamilihan kaya
naman palagi kaming pumupunta doon. Sa SM Baguio naman ay puno ng mga dayo nating Koreano.
Madalas mapuno ang loob ng SM dahil sa dami nga naman ng maaaring bilihan at pagpilian doon.

Napakarami pa ng mga lugar na maaaring puntahan sa Baguio at mahirap ding isa-isahin sa dam nga
nito. Basta’t isa itong napakagandang lugar na dayuhin. Hindi lang dahil sa klima, sa mga produkto
ngunit dahil sa ma lugar ditto.

You might also like