You are on page 1of 24

Magandang

Buhay!
Talasalitaan:

1. BATLAG
Sa pangungusap:

Dahil sa kasipagan ni Kurt, nakabili siya ng batlag


na may halagang tatlong milyon.
Talasalitaan:

1. SAPANTAHA
Sa pangungusap:

Marami ang nagsapantaha na may kinalaman si


Mike sa krimen.
Talasalitaan:

3. KAPNAYAN
Sa pangungusap:

Bumagsak si Jane sa asignaturang kapnayan dahil


sa mababang marking nakuha sa pagsusulit
Tanong:

1. Ano ang pahayag ng iyong kapareha?

2. Ano-ano ang susing salitang iyong ginamit sa


iyong pahayag?

3. Sa pamamagitan ng iyong nabuong pahayag,


paano mo ito maiuugnay sa kahulugang
tinalakay kaugnay ng akademikong pagsulat?
Ang pagsulat ay kasanayan na naglalahad ng
kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit
ang pinakaangkop na mga salita upang epektibong
makapaghatid ng mensahe.
Layunin:

1. natutukoy ang kahulugan at katangian ng sintesis bilang isang


akademikong sulatin; at
2. nailalahad ang mga layunin at gamit ng sintesis bilang isang
akademikong sulatin.
3. nakasusulat ng isang sintesis ng iba’t ibang teksto.
Ano-ano ang kahulugan at katangian ng sintesis?

Sa kabuuan, nangangahulugan ang sintesis na sama-samang ilagay.

Kaugnay naman ng larangan ng pagsulat, ang sintesis ay isang anyo ng pag-


uulat ng impormasyon sa pinaikling paraan upang mapagsama-sama at mapag-
isa ang magkakaugnay na datos mula sa iba’t ibang sanggunian gaya ng tao,
libro, o pananaliksik
tungo sa isang malinaw na kabuuan o identidad.
Gayundin, nangangahulugan ang sintesis bilang isang uri ng
akademikong sulatin na:

● pagsasama ng dalawa o higit pang buod;


● paggawa ng koneksiyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o
sulatin; at
● pagsasama ng iba’t ibang akda upang makabuo ng isang akdang may
malinaw naugnayan ng mga ideya.
Isa itong pamamaraan kung saan ang isang manunulat, akda, at/o
tagapagsalita ay inilalahad ang mga orihinal na teksto sa mas maikli
ngunit kompleto at detalyadong pagpapaliwanag.
Ang pagsulat ng isang sintesis ay hindi lamang pagpuputol-putol ng
mga pangyayari o hindi lamang basta-bastang pagbabanghay.
Kinakailangang pag-aralang mabuti kung alin ang mga
pinakaimportanteng bahagi na dapat pagsamahin. Matagumpay na
naipahahayag at naipapasa ang mga impormasyon at detalye sa
sintesis kahit hindi ito kasinghaba ng orihinal na teksto.
Ano-ano ang layunin at gamit ng sintesis?

1. Paglalahad ng wasto o angkop na impormasyon mula sa mga


pinaghanguan o sanggunian.
2. Organisadong mailahad ang kabuuang nilalaman ng akda ayon sa
maayos na pagkakasunod-sunod nito.
3. Mapagtibay ang nilalaman ng akda o teksto at mapalalim ang
pang-unawa ng mga mambabasa kaugnay nito.
1. Paano naiiba ang pagsulat ng sintesis sa pagsulat ng
isang buod?

2. Bakit mahalagang ilahad sa sariling pamamaraan


ang sintesis at hindi lamang pagsama-samahin ang
mga ideya mula sa iba’t ibang sanggunian?

3. Paano makatutulong ang pagsulat ng sintesis sa


pagpapaunlad ng kritikal na pag-iisip
o pagpapahayag?
Gawain 1:

Panuto: Pumili ng alinman sa dalawang paksa. Magbasa ng


mga teksto o artikulo tungkol dito. Pag-aralan ang
mga ito at subukang sumulat ng sintesis.

a. Epekto ng pagpapalaganap ng fake news sa social media


b. Pagdedeklara ng World Health Organization (WHO) na nasa
kalagayang pandemic ang buong mundo dahil sa COVID-19
Pamantayan:

Nilalaman – 20
Wika – 10
Mekaniks – 10
Pagiging maagap - 10
Kabuoan - 50 puntos
Panuto: Basahin nang mabuti ang mga
katanungan sa bawat bilang. Isulat ang
titik ng sagot na tumutugon sa inyong
sagot.
1. Nangangahulugan ito na sama-samang ilagay.
A. Buod
B. Abstrak
C. Sintesis
D. Kongklusyon
2. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng layunin sa pagsulat ng
sintesis?
A. pagpapatibay ng nilalaman ng akda o teksto at pagpapalalim ng pang-
unawa ng mga mambabasa
B. pagpapakilala ng sariling kaalaman
C. paglalahad ng wasto o angkop na impormasyon mula sa mga
pinaghanguan o sanggunian
D. paglalahad muli sa organisadong pamamaraan ng nilalaman ng akda
3. Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan kung bakit kinakailangang
may organisasyon ang mga ideyang inilalahad sa pagsulat ng sintesis?
A. dahil nanggagaling ang mga ideya sa iba’t ibang batis ng kaalaman
B. dahil naglalahad ito ng buhay ng isang tao
C. dahil ito ay isang uri ng sulatin na siyentipiko at teknikal
D. dahil ang pag-aaral nito ay ginagamit sa mga disertasyon o tesis
4. Paano ang estruktura ng pagsulat ng sintesis?
A. Mas mahaba kaysa sa orihinal na akda
B. Nakasulat sa paraang patula
C. Isang pangungusap lamang
D. Mas maikli kaysa sa orihinal na akda
5. Alin sa mga sumusunod ang dapat tandaan sa pagsulat ng sintesis?

A. Orihinal na salita ang gamit


B. Kopyahin ang kabuoan ng teksto
C. Pahabain ang nilalaman ng sulatin
D. Gumamit ng matalinghagang salita
Tanong?

You might also like