You are on page 1of 14

PANGALAN:_____________________________________

11/12
BAITANG/SEKSYON:___________________________
____

FILIPINO
SA PILING LARANG
(Akademik)
Kwarter I/III – Linggo 3
Buod at Balangkas

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Filipino sa Piling Larang (Akademik) - Baitang 11/12
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter I/III – Linggo 3: Buod at Balangkas
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets
Manunulat: Jerson Q. Orbiso at Precious P. Ladica

Pangnilalamang Patnugot: Enrile O. Abrigo Jr


Editor: Carol Baron V. Baron
Tagawasto: Josie Lyn C. Estrada, Yvie Writz M. Arzaga
Tagasuri: Luis R. Mationg, Enrile O. Abrigo Jr, Angie Lyka L. Galaroza, Agnes C.
Barrera - Mendoza

Tagaguhit: Kier P. Ambrocio


Tagalapat: Naphtalie M. Andre-e

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD, ASDS
Cyril C. Serador PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR:


Ronald B. Brillantes Mary Jane D. Parcon
Ronald N. Fragata Joseph D. Aurello

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Buod at Balangkas

MELC: Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan,


at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko CS_FA11/12EP0a-c-39

Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang mga hakbang na dapat sundin sa pagsisintesis at
pagbabalangkas.
2. Natutukoy ang mga mahahalagang impormasyong nabasa upang makabuo ng
sintesis at balangkas.
3. Nakasusulat ng sariling pagbubuod at pagbabalangkas.

Subukin Natin
Panuto: Unawaing mabuti ang mga katanungan at piliin ang pinakaangkop na sagot. Isulat
ang titik ng iyong sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

________1. Ito ay ang pinasimple at pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda.


a. Bionote c. Balangkas
b. Sintesis d. Lagom

________2. Ang sintesis ay nagmula sa salitang Griyego na syntithenai na ang ibig sabihin
sa Ingles ay __________________?

a. put together o combine c. eliminate something


b. seperate each element d. in order
________3. Ito ay ang pagsasama-sama ng mga impormasyon, mahahalagang punto, at
ideya upang mabuod ang napakahabang libro, mabuo ang isang bagong
kaalaman, at maipasa ang kaalamang ito sa sandaling panahon lamang.
a. Bionote c. Sintesis
b. Abstrak d. Balangkas

________4. Ito ay tawag sa pagsusunod-sunod ng mga impormasyon at mahahalagang


detalye ayon sa pangyayari.

a. Sekwensiyal c. Prosidyural
b. Kronolohikal d. Awtomatik
________5. Ano ang tawag sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang salaysay na
ginagamitan ng mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod tulad
ng una, pangalawa, pangatlo, susunod, at iba pa?
a. Sekwensiyal c. Awtomatik
b. Prosidyural d. Kronolohikal

1
________6. Ito ay binubuo ng mga buong pangungusap na naglalaman ng pangunahing
ideya at maynor na ideya.
a. Pamaksang Balangkas c. Pangungusap na Balangkas
b. Patalatang Balangkas d. Prosidyural na Balangkas

________7. Ito ay binubuo ng mga pangungusap na naglalahad ng nilalaman ng buong mga


talata ng sulatin.

a. Pamaksang Balangkas c. Pangungusap na Balangkas


b. Patalatang Balangkas d. Prosidyural na Balangkas
________8. Alin sa mga sumusunod ang angkop na depinisyon ng “Pangungusap na
Balangkas”?

a. Ito ay binubuo ng mga pangungusap na naglalahad ng nilalaman ng buong


mga talata ng sulatin.
b. Ito ay binubuo ng mga buong pangungusap na naglalaman ng
pangunahing ideya at maynor na ideya.
c. Ito ay binubuo ng salita o parirala lamang dahil matipid ito sa pananalita
o pahayag. Madalas ginagamitan ito ng mga pangngalang-diwa
(gumagamit ng panlaping makangalan na pag)
d. Ito ay ang pagsasama-sama ng mga impormasyon, mahahalagang punto,
at ideya upang mabuod ang napakahabang libro, mabuo ang isang bagong
kaalaman, at maipasa ang kaalamang ito sa sandaling panahon lamang.
________9. Ang mga sumusunod ay mga tuntunin sa pagsulat ng balangkas maliban sa isa.
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang?
a. Gumamit ng wastong bantas.
b. Tiyakin kung anong uri ng balangkas ang angkop na gamitin sa paksa.
c. Sundin ang halimbawa ng pormat ng balangkas na nakalarawan sa
teksto.
d. Tandaan na ang balangkas ay maaaring hindi na maaaring baguhin

________10. Alin sa mga sumusunod ang MALI sa mga tuntunin sa pagsulat ng balangkas?
a. Piliin ang mga pangunahing paksa. Gamitin ang bilang Romano tulad
ng I, II, III, o IV. Ayusin ang mga bilang nang magkakapantay.
b. Isulat ang maliliit na paksa tungkol sa pangunahing paksa. Gamitin ang
maliliit na titik tulad ng a, b, c, o d. Lagyan ng tuldok ang malaking titik
at isulat nang may kaunting pasok ang maliit na paksa.
c. Para sa mga detalye ng bawat maliit na paksa, gamitin ang mga bilang
na 1,2,3,4 at iba pa.
d. Gamitin ang malaking titik sa simula ng pangunahing paksa, maliliit na
paksa at mga detalye.

2
Ating Alamin at Tuklasin

Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling


Binhi ng Kaalaman bersiyon ng isang sulatin o akda. Maraming kasanayang
nahuhubog sa mga mag- aaral habang nagsasagawa ng
Ang sintesis (synthe
pagalalagom gaya ng pagtitimbang- timbang ng mga
sis) ay nagmula sa salitang
Griyego na syntithenai na kaisipang nakapaloob sa binabasa, pagsuri ng nilalaman
ang ibig sabihin sa Ingles ay ng kanyang binasa, paghuhubog ang kasanayan ng mag-
put together o combine aaral sa pagsulat partikular ang tamang paghabi ng mga
(Harper 2016). Makikita pangungusap, at pagpapaunlad o pagpapayaman ng
ang prosesong ito sa mga bokabularyo
pagkakataong, halimbawa,
pag-uusap tungkol sa
nabasang libro kung kailan Sa pagkakaalam ko,
hindi posible ang Magkapareho lang magkaiba ang dalawa.
pagbanggit sa bawat ba ang buod at Sabay nating basahin
kabanata at nilalaman ng balangkas? ang CLAS na ito upang
mga ito upang makuha malaman natin ang
lamang ang kahulugan, kasagutan
layunin, at kongklusyon ng
libro.

Handa ka na bang pag- aralan kung paano sumulat ng sintesis at balangkas? Sa


araling ito, malalaman mo ang mga tuntunin at paraan upang mabuo ng mahusay na
sintesis at balangkas.

Pagsulat ng Sintesis/ Buod


Ang sintesis ay ang pagsasama-sama ng mga impormasyon, mahahalagang punto,
at ideya upang mabuod ang napakahabang libro, mabuo ang isang bagong kaalaman, at
maipasa ang kaalamang ito sa sandaling panahon lamang.

Paano sumulat ng sintesis?

1. Basahing mabuti ang kabuoang anyo at nilalaman ng teksto. Kung hindi pa


lubos na nauunawaan ay ulit-ulitin itong basahin.
2. Mapadadali ang pag-unawa sa teksto kung isasangkot ang lahat ng pandama
dahil maisasapuso at mailalagay nang wasto sa isipan ang rnahalagang diwa ng
teksto.
3. Isaalang-alang ang tatlong uri ng pagsusunod-sunod ng mga detalye.

3
o Sekwensiyal—pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang
salaysay na ginagamitan ng mga panandang naghuhudyat ng
pagkakasunod-sunod tulad ng una, pangalawa, pangatlo, susunod, at
iba pa.
o Kronolohikal—pagsusunod-sunod ng mga impormasyon at
mahahalagang detalye ayon sa pangyayari.
o Prosidyural—pagsusunod-sunod ng mga hakbang o proseso ng
pagsasagawa.
4. Maaari ding isaalang-alang ang mga bahagi ng teksto: ang una, gitna, at wakas.
5. Gamitin din ang proseso sa pagsulat para sa maayos na anyo ng teksto at
sistematikong pagsulat.

Halimbawa:

1. Walang sawang lumangoy at naglaro ang mag-ina sa dagat.


2. Pagkadating sa resort ay agad na nagyaya ang kanyang anak na maligo sa
dagat.
3. Bilang pagbawi sa tatlong taong hindi nila pagkikita ng kanyang anak ay
naipangako niyang dadalhin niya ito sa isang mamahaling resort, ang
Amanpulo.
4. Masayang-masaya ang mag-ina sa ganoong sitwasyon nang bigla na lamang
silang napahinto sa biglang pagdilim ng kapaligiran.
5. Maagang gumising ang ina upang mag-empake ng mga damit na dadalhin.
6. Niyakap nang mahigpit ng ina ang kanyang anak.
7. Tumingin siya sa itaas at nakita niya ang malaking ipo-ipong pababa sa
gitna ng dagat.
8. Nakikita nilang Iumalaki ang alon kaya mabilis silang umahon sa
dalampasigan.
9. Bagama’t sila ay nakaahon sa dalampasigan, biglang rurnagasa ang
higanteng alon at sila ay sinaklot at tinangay.
10. Matapos ang pangyayari, kasama sila sa mga biktima ng trahedya na laman
ng sariwang balita.

Paano nakatulong ang mga hanay ng maiikling pangyayari sa itaas upang


ipahayag ang kaisipan ng maikling kuwento?

(Pinagkunan:“ Pagsulat ng Sintesis,” Courtesy of Ecomblus,


Accessed Febuary 10, 2021,
(https://www.elcomblus.com/pagsulat-ng-sintesis)

Pagsulat ng Balangkas
Ang balangkas ay isang nakasulat na plano ng mahahalagang bahagi ng isang
sulatin na nakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito. Mahalagang bahagi lamang
ang nakapaloob dito upang magsilbing patnubay sa gagamitin ukol sa magiging nilalaman
ng isang sulatin.

Mahalaga ang paggawa ng balangkas sa paghahanda ng ulat o anumang sulatin


katulad ng pag-uulat, pananaliksik, at pagsasaayos ng mga impormasyon. Matapos
makuha ang mga impormasyong kailangan sa iyong ulat ang susunod mong iisipin ay kung
alin sa maraming impormasyon mong nakuha ang iyong isasama sa ulat.

4
Mga Uri ng Balangkas

Pamaksang Balangkas Pangungusap na Balangkas Patalatang Balangkas


(topic outline) (sentence outline) (paragraph outline)

Ito ay binubuo ng Ito ay binubuo ng mga Ito ay binubuo ng mga


salita o parirala lamang buong pangungusap na pangungusap na naglalahad
dahil matipid ito sa naglalaman ng pangunahing ng nilalaman ng buong mga
pananalita o pahayag. ideya at maynor na ideya. talata ng sulatin.
Madalas ginagamitan ito
ng mga pangngalang-
diwa (gumagamit ng
panlaping makangalan
na pag.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Paggawa ng Balangkas


• Basahin muna nang pahapyaw ang isang tekto bago magtala ng mga paksa
o detalye.
• Suriin ang pagkakaayos ng mga ideya sa binasang teksto. Ito ba ay nasa
ayos na kronolohikal, mula sa simple patungo sa kumplikadong mga
ideya, sanhi at bunga, malawak na paksa patungo sa mga tiyak na ideya,
mga tiyak na ideya patungo sa malawak na paksa o lohikal na ayos at iba
pa.
• Pag-aralan kung ano-ano ang mahahalaga o pangunahing ideya at ang mga
pantulong na ideya.
• Tiyakin kung anong uri ng balangkas ang angkop na gamitin sa paksa.
• Sundin ang halimbawa ng pormat ng balangkas na nakalarawan sa teksto.
• Gumamit ng wastong bantas.
• Tandaan na ang balangkas ay maaaring baguhin o palitan kung
kinakailangan.

Mga Tuntunin sa Pagsulat ng Balangkas

1. Piliin ang mga pangunahing paksa. Gamitin ang bilang Romano tulad ng I, II, III,
o IV. Ayusin ang mga bilang nang magkakapantay.
2. Isulat ang maliliit na paksa tungkol sa pangunahing paksa. Gamitin ang
malalaking titik tulad ng A, B, C, o D. Lagyan ng tuldok ang malaking titik at
isulat nang may kaunting pasok ang maliit na paksa.
3. Para sa mga detalye ng bawat maliit na paksa, gamitin ang mga bilang na 1,2,3,4
at iba pa.
4. Gamitin ang malaking titik sa simula ng pangunahing paksa, maliliit na paksa at
mga detalye.

(Pinagkunan: “Ang Pagbabalangkas”. Courtesy of SE, Study Everything


Accessed Febuary 10, 2021,
(https://study-everything.blogspot.com/2014/06/ang-pagbabalangkas.html)

Gaano kahalaga ang pagsulat ng sintesis at balangkas sa iyo bilang


mag- aaral?

5
Tayo’y Magsanay
Gawain 1.
Panuto: Pagtapatin ang Hanay A at Hanay B. Hanapin sa hanay B ang tinutukoy
na bahagi sa hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang sa unahan ng
bilang.

Hanay A Hanay B

_______1. Ito ay binubuo ng mga pangungusap a. Lagom


na naglalahad ng nilalaman ng buong b. Sintesis
mga talata ng sulatin.
c. Balangkas
_______2. Ito ay ng pagsasama-sama ng mga d. Pamaksang Balangkas
impormasyon, mahahalagang punto,
at ideya upang mabuod ang e. Pantalatang Balangkas
napakahabang libro, mabuo ang f. Pangungusap na
isang bagong kaalaman, at maipasa
ang kaalamang ito sa sandaling Balangkas
panahon lamang.

_______3. Ito ay binubuo ng salita o parirala


lamang dahil matipid ito sa
pananalita o pahayag. Madalas
ginagamitan ito ng mga pangngalang-
diwa.

_______4. Ito ay isang nakasulat na plano ng


mahahalagang bahagi ng isang
sulatin na nakaayos ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga ito.

_______5.Ito ay binubuo ng mga buong


pangungusap na naglalaman ng
pangunahing ideya at maynor na
ideya.

Gawain 2.
Panuto: Pagsunod- sunurin ang mga pangyayari. Lagyan ng numero 1-10 base sa
pinakaunang nangyari hanggang sa pinakahuli.

______________a. Walang sawang lumangoy at naglaro ang mag-ina sa dagat.

______________b. Masayang-masaya ang mag-ina sa ganoong sitwasyon nang bigla na


lamang silang napahinto sa biglang pagdilim ng kapaligiran.
______________c. Tumingin siya sa itaas at nakita niya ang malaking ipo-ipong pababa sa
gitna ng dagat.

______________d. Nakikita nilang Iumalaki ang alon kaya mabilis silang umahon sa
dalampasigan.

______________e. Pagkadating sa resort ay agad na nagyaya ang kanyang anak na maligo


sa dagat.

6
______________f. Bagama’t sila ay nakaahon sa dalampasigan, biglang rumagasa ang
higanteng alon at sila ay sinaklot at tinangay.
______________g. Bilang pagbawi sa tatlong taong hindi nila pagkikita ng kanyang anak ay
naipangako niyang dadalhin niya ito sa isang mamahaling resort, ang
Amanpulo.
______________h. Niyakap nang mahigpit ng ina ang kanyang anak.

______________i. Matapos ang pangyayari, kasama sila sa mga biktima ng trahedya na


laman ng sariwang balita.
______________j. Maagang gumising ang ina upang mag-empake ng mga damit na
dadalhin.

Ating Pagyamanin
Gawain 1.
Panuto: Gamit ang sekwensiyal na pagkakasunod ng mga pangyayari, ibuod ang huling
pelikula o teleseryeng iyong napanood, maaari rin ang huling aklat, kuwento o
nobelang iyong nabasa.

Unang Pangyayari

Pangalawang Pangyayari

Pangatlong Pangyayari

Ikaapat na Pangyayari

Ikalimang Pangyayari

7
Gawain 2.
Panuto: Gumawa ng balangkas tungkol sa paglalahad ng mga pangyayari sarili mong
buhay

Halimbawa: Balangkas ng Buhay ni Dr. Jose Rizal


Pamagat

I. Kapanganakan
A. Hunyo 19, 1861
B. Calamba, Laguna
II. Pamilya
A. Magulang
1. Don Francisco Mercado Rizal
2. Donya Teodora Alonzo y Quintos
B. Mga Kapatid
1-10 (Mga pangalan ng mga kapatid ni Dr. Jose Rizal.

________________________________________
Pamagat

I._______________________________________________________________________________________
A. _______________________________________________________________________________
1._________________________________________________________________________
2._________________________________________________________________________
B. _______________________________________________________________________________
1._________________________________________________________________________
2._________________________________________________________________________

II. _____________________________________________________________________________________
A._______________________________________________________________________________
1._________________________________________________________________________
2._________________________________________________________________________
B._______________________________________________________________________________
1._________________________________________________________________________
2._________________________________________________________________________

III._____________________________________________________________________________________
A._______________________________________________________________________________
1._________________________________________________________________________
2._________________________________________________________________________
B._______________________________________________________________________________
1._________________________________________________________________________
2._________________________________________________________________________
IV. _____________________________________________________________________________________
A.________________________________________________________________________________
1._________________________________________________________________________
2._________________________________________________________________________
B._______________________________________________________________________ ________
1._________________________________________________________________________
2._________________________________________________________________________

8
Ang Aking Natutuhan

Ating Tayahin
Panuto: Unawaing mabuti ang mga katanungan at piliin ang pinaka angkop na sagot.
Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
________1. Alin sa mga sumusunod ang angkop na depinasyon ng Pangungusap na
Balangkas?

a. Ito ay binubuo ng mga pangungusap na naglalahad ng nilalaman ng buong


mga talata ng sulatin.
b. Ito ay binubuo ng mga buong pangungusap na naglalaman ng
pangunahing ideya at maynor na ideya.
c. Ito ay binubuo ng salita o parirala lamang dahil matipid ito sa pananalita
o pahayag. Madalas ginagamitan ito ng mga pangngalang-diwa
(gumagamit ng panlaping makangalan na pag)
d. Ito ay ang pagsasama-sama ng mga impormasyon, mahahalagang punto,
at ideya upang mabuod ang napakahabang libro, mabuo ang isang bagong
kaalaman, at maipasa ang kaalamang ito sa sandaling panahon lamang.

9
________2. Alin sa mga sumusunod ang MALI sa mga tuntunin sa pagsulat ng
balangkas?
a. Piliin ang mga pangunahing paksa. Gamitin ang bilang Romano tulad ng
I, II, III, o IV. Ayusin ang mga bilang nang magkakapantay.
b. Isulat ang maliliit na paksa tungkol sa pangunahing paksa. Gamitin ang
maliliit na titik tulad ng a, b, c, o d. Lagyan ng tuldok ang malaking titik
at isulat nang may kaunting pasok ang maliit na paksa.
c. Para sa mga detalye ng bawat maliit na paksa, gamitin ang mga bilang
na 1,2,3,4 at iba pa.
d. Gamitin ang malaking titik sa simula ng pangunahing paksa, maliliit na
paksa at mga detalye.

________3. Ito ay ang pagsasama-sama ng mga impormasyon, mahahalagang punto, at


ideya upang mabuod ang napakahabang libro, mabuo ang isang bagong
kaalaman, at maipasa ang kaalamang ito sa sandaling panahon lamang.

a. Bionote c. Sintesis
b. Abstrak d. Balangkas

________4. Ito ay binubuo ng mga buong pangungusap na naglalaman ng pangunahing


ideya at maynor na ideya.
a. Pamaksang Balangkas c. Pangungusap na Balangkas
b. Patalatang Balangkas d. Prosidyural na Balangkas

________5. Ano ang tawag sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang salaysay na


ginagamitan ng mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod tulad
ng una, pangalawa, pangatlo, susunod, at iba pa?

a. Sekwensiyal c. Awtomatik
b. Prosidyural d. Kronolohikal

________6. Ito ay tawag sa pagsusunod-sunod ng mga impormasyon at mahahalagang


detalye ayon sa pangyayari.
a. Sekwensiyal c. Prosidyural
b. Kronolohikal d. Awtomatik

________7. Ito ay binubuo ng mga pangungusap na naglalahad ng nilalaman ng buong mga


talata ng sulatin.

a. Pamaksang Balangkas c. Pangungusap na Balangkas


b. Patalatang Balangkas d. Prosidyural na Balangkas

________8. Ito ay ang pinasimple at pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda.


a. Bionote c. Balangkas
b. Sintesis d. Lagom

_________9. Ang mga sumusunod ay mga tuntunin sa pagsulat ng balangkas maliban sa


isa. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang?
a. Gumamit ng wastong bantas.
b. Tiyakin kung anong uri ng balangkas ang angkop na gamitin sa paksa.
c. Sundin ang halimbawa ng pormat ng balangkas na nakalarawan sa
teksto.
d. Tandaan na ang balangkas ay maaaring hindi na maaaring baguhin
_________10. Ang sintesis ay nagmula sa salitang Griyego na syntithenai na ang ibig
sabihin sa Ingles ay __________________?

a. put together o combine c. eliminate something


b. seperate each element d. in order
10
Susi sa Pagwawasto

Subukin Natin Tayo’y Magsanay Ang aking Natutuhan


Gawain 1
1. D 1. pinasimple
2. A 1. E 2. pinaikling
3. C 2. B 3. pagpapayaman ng
4. B 3. D bokabularyo
5. A 4. C 4. mahahalagang punto
6. C 5. F 5. nakasulat na plano
7. B
8. C Gawain 2
9. D
a. 1
10. B
b. 4
c. 7
d. 8
e. 2
f. 9
Ating Tayahin g. 3
h. 6
1. C
i. 10
2. B j. 5
3. C
4. C
5. A
6. B
7. B
8. D
9. D
10. A

Sanggunian

Websites
“ Pagsulat ng Sintesis.” Courtesy of Ecomblus. Accessed Febuary 10, 2021.
(https://www.elcomblus.com/pagsulat-ng-sintesis)
“Ang Pagbabalangkas”. Courtesy of SE. Study Everything. Accessed Febuary 10,
2021. (https://study-everything.blogspot.com/2014/06/ang-pagbabalangkas.html)

11
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

12

You might also like