You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XI
Division of Davao Occidental
BENJAMIN VELASCO BAUTISTA SR. NATIONAL HIGH SCHOOL
Mana, Malita, Davao Occidental
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang 12
1st Quarter Exam

Pangalan: ______________________________________________ Baitang at Pangkat: ________________

I. Pagpipili-pili. Basahing mabuti ang bawat katanungan, piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Si Alice ay isa sa mga kalahok sa patimpalak sa Filipino sa kanilang paaralan, ang uri ng talumpati na
kanyang sasalihan ay ang talumpating kung saan ay isinasagawa nang biglaan o walang paghahanda
ngunit nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan. Anong uri ng talumpati ang
kanyang sasalihan?
a. maluwag na talumpati
b. biglaang talumpati
c. manuskrito na talumpati
d. isinaulong talumpati
2. Isa itong uri ng sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan.
Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. Halimbawa sa guro, pagsulat ng lesson
plan, paggawa at pagsusuri ng kurikulum, para sa doctor o nars – paggawa ng medical report, narrative
report tungkol sa physical examination sa pasyente at iba pa. Anong uri ng sulatin ito?
a. Malikhain
b. Propesyonal
c. Dyornalistik
d. Teknikal
3. Anong uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng
tesis,disertasyon,papel na siyentipiko at teknikal ,lektyur at mga report?
a. Abstrak
b. Sinopsis
c. Bionote
4. Lagom Anong uri ng paglalagom kung saan ito’y isang tala sa buhay ng tao na naglalaman ng kanyang
academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga, aklat, abstrak ng mga sulating papel at
websites?
a. Abstrak
b. Sinopsis
c. Bionote
d. Lagom
5. Ang pinuno ng institusyong Labyrinth Corp. ay si Gng. Alwyn, ibig niyang magkaroon ng pagpupulong
tungkol sa estado ng mga produktong naimbak. Bilang pinuno, ano ang unang ipadala sa kanyang mga
miyembro ng board para mailunsad ang naturang pagpupulong?
a. Katitikan ng pulong
b. Talumpati
c. Adyenda
d. Memorandum
6. Isa ito sa mga kasanayan kung saan naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit
ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika. Ano ito?
a. Pakikinig
b. Pagbabasa
c. Pagsasalita
d. Pagsusulat
7. Sa pagsulat nito, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang sariling salita. Anong
uri ng paglalagom ito?
a. Abstrak
b. Sinopsis
c. Bionote
d. Lagom
8. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng Adyenda?
a. Nagsisilbing talaan o tseklist
b. Naghihikayat sa mga dadalo
c. Maging handa sa paksang tatalakayin
d. Pumupukaw sa damdamin ng myembro
9. Ang Presidente ng Pilipinas na si Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ay naglunsad ng kanyang
SONA noong Hulyo 27, 2022 sa Session Hall, Batasang Pambansa. Sa ipinakitang SONA ni president,
anong uri ng talumpati ang kanyang ibinahagi?
a. Biglaang Talumpati
b. Maluwag na talumpati
c. Manuskrito
d. Isinaulong Talumpati
10. Si Jason ang naatasang gumawa ng pahayagan tungkol sa current events sa bansa. Isa siya sa mga
bihasa sa pangangalap ng mga totoo, obhetibo, at makabuluhang mga balita at isyu. Anong uri ng
pagsulat ang bihasang sinusulat ni Jason?
a. Reperensyal na pagsulat
b. Teknikal na pagsulat
c. Dyornalistik na pagsulat
d. Malikhaing pagsulat
II. Pagkikilala. Basahing mabuti ang bawat salaysay at piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot.

TOPIKAL NA HUWARAN ABSTRAK DILAW


SINOPSIS METODOLOHIYA BIONOTE
KRONOLOHIKAL NA HUWARAN CECILIA AUSTERA EDWIN MABILIN
SUBHETIBO PUTI OBHETIBO

1. Kulay ng Memorandum na ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon


2. Uri ng paglalarawan kung saan ang manunulat ay maglalarawan ng napakalinaw at halos madama na ng
mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi
nakabatay sa isang katotohanan sa totoong buhay.
3. Isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel
siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report.
4. Isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kwento,
salaysay, nobela, dula, parabula, pelikula, video, pangyayari, at talumpati iba pang anyo ng panitikan.
5. Uri ng paglalarawan kung saan ang paglalarawan ay may pinagbabatayang katotohanan.
6. Huwaran sa pagbuo ng talumpati na kung saan ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay
sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari o panahon.
7. Ayon sa kanya ang Pagsulat ay “isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito
ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o
anumang kagamitang maaaring pagsulatan”.
8. Naglimbag ng aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012)
9. Uri ng lagom na naglalaman ng tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic
career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel,
websites, at iba pa.
10. Isang plano o sistema para matapos ang isang gawain.

III. PAGSULAT NG MEMORANDUM:

Sitwasyon:
Ang abogadong si Allison Alwyn ay ang may-ari ng Thirteen Firms na kompanya. Bilang kanyang
sekretarya/kalihim, gumawa ka ng isang organisado at malikhain na memorandum para sa lahat
ng mga empleyado ng Firm para sa layuning magkaroon ng pagpupulong upang pag-usapan ang
mga bagong patakarang susundin sa pagtaanggap ng mga bagong kliyente.

Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng 5
memorandum.
Kompleto ang bahagi ng memorandum na nabuo at nakapagbibigay 10
ng komprehensibong sintesis tungkol dito.
Nakakasulat ng memorandum nang maingat, wasto at angkop ang 5
paggamit ng wika.
Wasto at angkop ang mga nabuong impormasyon sa memorandum. 5
Kabuoang puntos 25
Inihanda ni:
Gng. Kristelle Dee M. Gregorio ♥

Anuman ang anihin ng masama ay walang kabuluhan, ngunit ang gawang Mabuti ay may pagpapalang taglay. -Kawikaan 11:18

You might also like