You are on page 1of 17

12

12 SENIOR HIGH SCHOOL

Filipino sa Piling Larang


(Akademik )
Ikalawang Markahan – Modyul 1 :

SINTESIS / BUOD

NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul1_v2
Filipino – Ikalabindalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Sintesis / Buod
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rustom R. Nonato


Editor: Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido, Maria Chona S. Mongcopa
Tagasuri: Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido, Maria Chona S. Mongcopa
Tagalapat: Romie G. Benolaria, Rodjone A. Binondo, Clifford Jay G. Ansok
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla, EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis JD, EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Renante A. Juanillo EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin
at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng
mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng
mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito
ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos
ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat
isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito
upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang
guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.

i
ALAMIN

Magandang araw!

Ang sintesis ay ang pagsasama ng dalawa o higit pang buod. Ito ay


paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o
sulatin at pagsasama ng iba’t ibang akda upang makabuo ng isang akda
nakapag-uugnay.

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:


1. Natutukoy ang mahahalagang impormasyong pinakinggan upang
makabuo ng katitikan ng pulong at sintesis.
CS_FA11/12PN-0j-l-92

MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:

1. Nakapagpapayaman sa pagusulat ng sintesis o buod;


2. Nakasusulat ng organisadong sintesis o buod; at
3. Nakapaglalahad nang may pagkukusa sa pagsulat ng sintesis o buod.

1 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul1_v2
SUBUKIN

I. Panuto: Isaayos ang titik sa bawat bilang upang mabuo ang salitang hinihingi.

A. Dalawang Anyo ng sintesis.


1. ______________ argutivementa
2. ______________ yrepxlaonat
B.Mga Uri ng sintesis
3. ______________ gkcabdnuor
4. ______________ ehtiss
5. ______________ turearetIl

II. Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang at isulat ang titik ng tamang sagot
sa bawat bilang sa iyong kuwaderno.

1. Ito ay pagsasama ng dalawa o higit pang buod.


A. literature B. sintesis C. background synthesis D. thesis statement

2. Ano ang pagsasama ng iba’t ibang akda upang mkabuo ng isang akda nakapag-
uugnay.
A. literature B. sintesis C. background synthesis D. thesis statement

3. Ito ay paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o


sulatin.
A. literature B. sintesis C. background synthesis D. thesis statement

4. Isang uri ng sintesis na nangangailangang pagsamasamahin ang mga sanligang


impormasyon ukol sa isang paksa.
A. literature B. sintesis C. background synthesis D. thesis statement

5. Karaniwan itong isinasaayos ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian.


A. literature B. sintesis C. background synthesis D. thesis statement

6. Halos katulad ito ng background synthesis ngunit nagkakaiba lamang sila sa


pagtutuon.
A. literature B. Sintesis C. background synthesis D. thesis statement

7. Sa ganitong uri ng sintesis hindi lamang simpleng pagpapakillala at paglalahad


ng paksa ang kailangan.
A. literature C. background synthesis
B. thesis-driven synthesis D. thesis statement

2 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul1_v2
8. Ginagamit ito sa mga sulating pananaliksik.
A. synthesis for the literature C. background synthesis
B. thesis-driven synthesis D. thesis statement

9. Karaniwang isinasaayos ito batay sa mga sanggunian.


A. synthesis for the literature C. background synthesis
B. thesis-driven synthesis D. thesis statement

10. Piliin sa sumusunod ang hindi kasama sa hakbang sa pagsulat ng tesis.


A. pagsulat ng unang burador C. pagrebisa ng sintesis
B. paglista ng mga sanggunian D. pagtutugma ng dulong tunog

Nasubok ang iyong dating kaalaman sa


paksang sentisis o buod sa pamamagitan
ng panimulang pagtataya na iyong
sinagutan. Palalimin pa natin ang iyong
kaalaman batay sa mga gawaing inihanda
sa modyul na ito.

3 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul1_v2
TUKLASIN

Panuto: Gamit ang concept map, magibigay ng apat na kaisipan hinggil sa buod o
sintesis.

BUOD/SINTESIS

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano-anong kaisipan ang iyong nabuo hinggil sa buod o sintesis?


2. Magagamit ba ito sa pagsulat ng akademikong sulatin? Bakit?
3. Makatutulong ba ito sa kasalukuyan mong ginagawa? Patunayan.

SURIIN

1. Naging madali ba ang iyong pagsagot sa concept map?


2. Ano-ano ang iyong mga naisalang-alang sa pagsagot ng concept map?
3. Ano kaya ang maiaambag ng iyong naging sagot sa concept map bilang
pangkalahatang konsepto ng paksang tatalakayin?

4 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul1_v2
PAGYAMANIN

SINTESIS
- pagsasama ng dalawa o higit pang buod.
- paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda
o sulatin
- pagsasamang iba't ibang akda upang makabuo ng isang akda
nakapag-uugnay.

Mga Uri ng Sintesis

1. Background Synthesis
- Ito ay isang uri ng sintesis na nangangailangang pagsama-samahin
ang mga sanligang impormasyon ukol sa isang paksa at karaniwan
itong inaayos ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian

Halimbawa

Pamagat: Cyberbullying
Uri: Background Synthesis
Anyo: Explanatory

Pamamaraan: Pagbubuod, Paghahalimbawa, Pagdadahilan


Layunin: Layunin ng sintesis na ito mapatunayan na nakasasama
ang bullying.

Thesis Statement: Ang bullying ay magdudulot ng malaking epekto


sa mga biktima.

2. Thesis-Driven Synthesis
Halos katulad lamang ito ng background synthesis ngunit
nagkakaiba lamang sila sa pagtutuon, sapagkat sa ganitong uri ng
sintesis hindi lamang simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa
ang kailangan kung hindi ang malinaw nap ag-uugnay ng mga punto
sa tesis ng sulatin.

Halimbawa

Pamagat: Gender Equality sa Pilipinas

5 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul1_v2
Uri at Anyo:

Thesis-Driven Synthesis

Explanatory Synthesis

Layunin
Matukoy kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin
naisasakatuparan ang pagkakapantay-pantay sa bansa.

Thesis Statement
Ang gender equality ay hindi pa lubos
na naisasakatuparan sa bansa.

Pagbubuod
Bagaman may batas ng nagpoprotekta sa karapatan ng
mga kababaihan at mga miyembro ng LGBT ay maraming
estudyante parin ang kadalasan kinukutya Thoreson(2017). At
hindi pa rin natitigil ang karahasan sa kababaihan
Angelo(2017).

3. Synthesis for the literature


Ginagamit ito sa mga sulating pananaliksik. Kadalasang
kahingian ng mga sulating pananaliksik ang pagbabalik – tanaw o
pagrebyu sa mga naisulat nang literatura ukol sa paksa. Karaniwang
isinasaayos ang sulatin batay sa mga sanggunian ngunit maaari rin
namang ayusin ito batay sa paksa.

Bigyang-pansin ang sumusunod:

1. tamang impormasyon mula sa pinaghanguan o sanggunian

2. organisasyon ng teksto at

3. nagpatitibay ng nilalaman at nagpalalalim ng pag-unawa sa


nagbabasa

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis

1. Linawin ang layunin.

2. Pumili ng naaayon na sanggunian batay sa layunin at basahin nang mabuti ito.

3. Buoin ang tesis na susulatin.

4. Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin.

6 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul1_v2
5. Isulat ang unang burador.

6. Ilista ang mga sanggunian.

7. Rebisahin ang sintesis.

8. Isulat ang pinal na tesis.

Gawain

Panuto: Basahin ang balita. Ibigay ang pangunahin at pantulong na idea nito sa
tulong ng dayagram.

Pangunahing Ideya

Pantulong na Detalye

Pangulong Duterte duda sa kahandaan ng Pilipinas para sa online learning

Duda si Pangulong Duterte sa kahandaan ng Pilipinas na magsagawa ng


online classes. May magagamit mang teknolohiya, naghinala ang Pangulo na
maipatutupad ang online classes sa buong Pilipinas. Nanindigan naman ang DepEd
na kahit kulang sa access sa technology ay may ibibigay namang printed learning
materials sa mga mag-aaral. Duda si Pangulong Rodrigo Duterte na handa na ang
Pilipinas para sa pagsasagawa ng online classes bilang alternatibong paraan ng pag-
aaral sa gitna ng patuloy na pananalasa ng COVID-19.

Sa pinakahuli niyang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na may


magandang programang inihanda si Department of Education (DepEd) Secretary
Leonor Briones upang ang mga mag-aaral ay makapagpatuloy sa kanilang pag-aaral
habang nananatili sa kanilang mga tahanan.

7 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul1_v2
Subalit duda ang pangulo na handa na ang bansa na maayos na maipatupad
ang nasabing programa. “Secretary Briones is insisting there should be an alternative
there and she has a very good program for that. Parang teleconferencing,” sabi ni
Pangulong Duterte sa televised public address niya.
Naniniwala ang presidente na may magandang teknolohiya na maaaring magamit
para sa programa ng DepEd, pero duda siya kung kaya itong ipatupad sa buong
Pilipinas.

“The technology is good but I don’t know if we’re ready for that. Meaning to
say, if we have enough of those na gamitin para sa whole of the Philippines,” aniya.
Sabi pa ng Pangulo, kung naririyan na ang teknolohiya at kung kakayanin ng
pamahalaan na bumili ng equipment ay maaari nang ituloy ng DepEd ang plano nitong
online classes.
“We’re talking students, mayroon ba siya? If she has, if we can afford it, we’ll
buy it and she can proceed with her novel idea on how the children will continue with
their education,” anang Pangulo.

Dahil sa nararamdamang pagdududa sa kakayahan na maipatupad ang online


classes sa buong Pilipinas, muling inulit ni Pangulong Duterte ang nauna na niyang
sinabi noon na hindi niya papayagan ang pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral
hanggang wala pang bakuna sa COVID-19.

“We have to wait for the vaccine. Maghintay talaga tayo sa vaccine. Sabi ko sa
inyo walang vaccine, walang eskuwela,” aniya.

Samantala, nanindigan naman ang DepEd na ang kakulangan sa access sa


tehnology ay hindi problema dahil ang mga paaralan ay magbibigay naman ng mga
printed learning materials sa mga mag-aaral.

https://balita.definitelyfilipino.com/posts/2020/06/pangulong-duterte-duda-sa-kahandaan-
ngpilipinas-para-sa-online-learning/

8 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul1_v2
ISAISIP

Mahalagang ideya!
Isulat ang unang burador gamit ang
napiling Teknik at isulat ang unang burador
ng sintesis. Ilista ang mga sanggunian
gamit ang pormat na pinepreskrayb ng
guro, ilista at ayusin ang mga ginamit na
sanggunian.
AnAAng

ISAGAWA

Panuto: Gumawa ng sintesis batay sa mga paksa sa ibaba. Pumili ng isa at uriin ito:
a. Napanood na teleserye
b. Napanood na balita o issue sa telebisyon o social media.
c. Nabasang artikulo sa dyaryo o social media.
d. Napakinggang balita sa radyo.

Narito ang pamantayan sa pagwawasto ng ginawang sintesis:

Bahagyan Hindi
Nakamit g Nakamit Nakamit
Higit na Walang
ang ang ang Isk
Kategorya Inaasahan napatuna
Inaasahan Inaasahan Inaasahan yan or
(5)
(4) (3) (2)
Diskusyon Makabuluhan ang Bawat May Hindi Hindi
bawat talata dahil sa talata ay kakulangan nadebelop Nakita sa
husay na may sa detalye ang mga ginawang
pagpapaliwanag at sapat na pangunahi sintesis
pagtalakay tungkol detalye ng ideya
sa paksa.

9 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul1_v2
Organisas Lohikal at Naipakita Lohikal ang Walang Hindi
yon ng mahusay ang ang pagkakaay patunay na Nakita sa
mga Ideya pagkakasunudsunod debelopment os ng mga organisado ginawang
ng mga ideya; ng mga talata ang sintesis
gumamit din ng mga talata subalit ang pagkakala
transisyunal na subalit hindi mga ideya had ng
makinis ang ay hindi
pantulong tungo sa sanaysay.
pagkakalaha ganap na
kalinawan ng mga
d nadebelop.
ideya.
Konklusyon Nakapanghaha Naipakikita Hindi ganap May Hindi Nakita
mon ang ang na naipakita kakulanga sa
konklusyon at pangkalahat ang n at ginawang
naipapakita ang ang palagay pangkalahat walang sintesis
pangkalahatan g o pasya ang palagay pokus ang
palagay o paksa tungkol sa o pasya konklusyo
paksa batay tungkol sa n
batay sa
sa mga paksa batay
katibayan at mga
katibayan at sa mga
katwirang inisa- mga katibayan at
isa sa bahaging katwirang mga
gitna. inisa-isa sa katwirang
bahaging inisa-isa sa
gitna. bahaging
gitna.
Gamit Walang Halos Maraming Napakara Hindi Nakita
pagkakamali sa walang pagkakama mi at sa ginawang
estruktura ng mga pagkakama li sa nakagugul o sintesis
pangungusap at li sa estruktura ng ang
gamit ng mga estruktura ng mga pagkakam
salita. mga pangungus ali sa
pangungus ap at gamit estruktura ng
ap at gamit ng mga mga
ng mga salita. pangungus
salita ap at gamit
ng mga
salita.

KARAGDAGANG
GAWAIN

Panuto: BIlang isang mag – aaral paano nakatutulong ang sintesis sa maayos
na paglalahad ng iyong ideya patungkol sa isang paksa?

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

10 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul1_v2
TAYAHIN

Panuto: Basahin ng maayos ang bawat tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang uri ng sintesis na nangangailangang pagsamasamahin ang mga


sanligang impormasyon
A. background synthesis C. thesis-driven synthesis
B. synthesis for the literature D. wala sa na banggit

2. Halos katulad lamang ito ng background synthesis ngunit nagkakaiba lamang


sila sa pagtutuon.
A. background synthesis C. thesis-driven synthesis
B. Synthesis for the literature D. Wala sa na banggit
3. Ginagamit ito sa mga sulating pananaliksik.
A. background synthesis C. thesis-driven synthesis
B. synthesis for the literature D. wala sa na banggit

4. Kadalasang kahingian ng mga sulating pananaliksik ang pagbabalik- tanaw o


rebyu.
A. background synthesis C. thesis-driven synthesis
B. synthesis for the literature D. wala sa na banggit

5. Karaniwan itong inaayos ayon sat ema at hindi ayon sa sanggunian


A. background synthesis C. thesis-driven synthesis
B. synthesis for the literature D. wala sa na banggit

6. Ito ay hindi lamang simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang


kailangan
A. background synthesis C. thesis-driven synthesis
B. synthesis for the literature D. Wala sa na banggit

I. Tama o Mali
1. Ang sintesis ay pagsasama ng dalawa o higit pang buod.
2. Ang sintesis ay paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang
mga akda o sulatin.

II. Panuto: Isaayos ang titik sa bawat bilang upang mabuo ang salitang hinihingi.
Dalawang Anyo ng sintesis.
1. ______________ a t r g m e n a u I v t
2. ______________ y r e p x l a o n a t

11 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul1_v2
SUSI SA PAGWAWASTO

12 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul1_v2
MGA SANGGUNIAN

Arrhiane Mohinog. “Pagsulat ng Buod at Sintesis.” July 24, 2017.


https://prezi.com/5rnbkuln8xi0/pagsulat-ng-buod-at-sintesis/?fallback=1

Bb. Hazel Donnabelle Fontanilla / G. Mark Janperson Datumanong. “SIntesis.” August 12,
2018. https://janpersonb.wordpress.com/2018/08/12/sintesi

13 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul1_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa :

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like