You are on page 1of 24

PAGSULAT NG

SINTESIS
GROUP 4
PAGSULAT NG SINTESIS

• A. Kahulugan ng sintesis
• B. Mga uri at katangian ng sintesis
• C. Mga hakbang sa pagsulat ng sintesis
A. KAHULUGAN NG
SINTESIS
A. KAHULUGAN NG SINTESIS

• Ang paggawa ng koneskyon mula sa iba’t ibang sandigan ay gawain maihahalintulad natin
sa pagbuo ng isang sintesis. 5 Sa aklat ni Bernales, et al. (2017), ang sintesis ay pagsasama-
sama ng dalawa o higit pang buod. Ito ang paggawa ng ugnayan sa pagitan ng dalawa o
higit pang akda. Dagdag pa, ang sintesis ay ang pagsasamasama ng iba’t ibang mga akda
upang makabuo ng isang akdang nakapag-uugnay sa nilalaman ng mga ito. Saad din ni
Warwick (2011), ito ay sulating maayos at malinaw na nagdurugtong sa mga ideya mula sa
maraming sangguniang ginagamit ang sariling pananalita ng sumulat.
• Mula kay Bernales, et al. (2017), ang sintesis ay maaaring nasa anyong
• nagpapaliwanag o argumentatibo.
A. KAHULUGAN NG SINTESIS

1. Nagpapaliwanag na sintesis ay isang sulating naglalayong tulungan ang


nagbabasa o nakikinig na lalong maunawaan ang bagay-bagay na
tinatalakay. Sa paglalahad, gumagamit ng deskripsyon o mga paglalarawan
na muling bumubuo sa isang bagay, lugar, o mga pangyayari at kaganapan.
Hindi layunin ng sintesis na ito na salungatin ang isang partikular na punto
kundi naglalayon mailahad ang mga detalye at katotohanan sa isang paraan
obhetibo.
A. KAHULUGAN NG SINTESIS

2. Argumentatibong sintesis ay may layuning maglahad ng pananaw ng


sumusulat nito. Sinusuportahan ang mga pananawi ng may-akda ayon sa
mga makatotohanang impormasyon na hango sa iba’t ibang mga sanggunian
na nailahad sa paraang lohikal. Binibigyang-diin dito ang katotohanan,
halaga, o kaakmaan ng mga isyu at impormasyong may kaugnay sa paksa.
B. MGA URI AT
KATANGIAN NG
SINTESIS
B. MGA URI AT KATANGIAN NG SINTESIS

Background Synthesis. Ito ay nangangailangang pagsama-


samahin ang mga sanligang impormasyon ukol sa isang paksa at
karaniwan itong inaayos ayon sa tema at hindi ayon sa
sanggunian.
B. MGA URI AT KATANGIAN NG SINTESIS

Thesis Driven Synthesis. Halos katulad ng background synthesis


ngunit di lang ito simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa
kundi ang malinaw na ugnayan ng mga punto sa tesis ng sulatin.
B. MGA URI AT KATANGIAN NG SINTESIS

Synthesis for the Literature. Ginagamit sa pananaliksik.


Kahingian sa sulating ito ang pagbabalik-tanaw o pagrerebyu sa
mga naisulat nang literatura ukol sa paksa. Kailangan din
magkaroon ng sintesis ng mga literaturang kaugnay ng pag-aaral
ang isang papel pananaliksik.
AYON PA SA BERNALES, ET AL. (2017), MAY MGA DAPAT
BIGYANG-PANSIN SA PAGSULAT NG SINTESIS.

1. Nag-uulat ng tamang impormasyon mula sa mga sanggunian at


gumagamit ng iba’t ibang estruktura ng pagpapahayag.
2. Nagpapakita ng organisasyon ng teksto na kung saan madaling makita
ang mga imporasyon nagmumula sa iba’t ibang sanggunian.
3. Napagtitibay nito ang nilalaman at pag-unawa ng may-akda.
C. MGA HAKBANGIN
SA PAGSULAT NG
SINTESIS
C. MGA HAKBANGIN SA PAGSULAT NG SINTESIS

1. Linawin ang layunin sa pagsulat. Dapat masagot ang tanong na


kung bakit ito susulatin at may malinaw na layunin.
C. MGA HAKBANGIN SA PAGSULAT NG SINTESIS

2. Pumili ng mga naaayong sanggunian batay sa layunin at


basahin nang mabuti ang mga ito.
C. MGA HAKBANGIN SA PAGSULAT NG SINTESIS

3. Buuin ang tesis ng sulatin. Ito ang pangunahing ideya ng


isusulat. Ihayag ito gamit ang buong pangungusap. Naglalaman
ito ukol sa paksa at ng paninindigan ukol dito. Maaaring makita
ito sa unahan, gitna, o hulihan ng sulatin.
C. MGA HAKBANGIN SA PAGSULAT NG SINTESIS

4. Bumuo ng plano para sa organisasyon ng sulatin. Narito ang


mungkahing teknik sa pagbuo ng oraganisasyon ay ang
sumusunod;
C. MGA HAKBANGIN SA PAGSULAT NG SINTESIS

a. Ang pagbubuod ang pinakasimple at di-komplikadong paraan ng


pagsulat ng sintesis.
b. Ang pagbibigay halimbawa o paggamit ng ilustrasyon ay isang teknik
na ginagamit ng pagpapaliwanag sa partikular na bagay.
c. Isang epektibong pamamaraan ang lapit na pagdadahilan. Sa teknik na
ito, inihahayag ang tesis at iniisa-isa ang mga dahilan kung bakit ito ay
totoo o mahalaga.
C. MGA HAKBANGIN SA PAGSULAT NG SINTESIS

d. Isang di pangkaraniwang teknik ang strawman. Sa teknik,


inilalahad ang isang argumentong kontra-tesis, ngunit
sinesegundahan agad ito ng paglalahad sa kahinaan ng nasabing
argumento. Sa paraang ito, ang kontra-tesis ay sisirain din at
ipapawalang-saysay. Naipapakita dito ang salungat na pananaw ng
sumusulat at naipapakita rin dito ang kahadaan sagutin ang
naturang kahinaan.
C. MGA HAKBANGIN SA PAGSULAT NG SINTESIS

e. Konsesyon, tulad din ng strawman na tinatanggap ang salungat


na pananaw. Dito ipinaliliwanag din na mahina ang salungat na
pananaw at ang paninindigan ang siyang malakas at
katanggapkatanggap.
f. Panghuli, komparison at kontrast, pagtalakay sa pagkakatulad
at pagkakaiba ng mga akda o sanggunian.
C. MGA HAKBANGIN SA PAGSULAT NG SINTESIS

5. Isulat ang unang burador. Ihanda at sundin ang nakaplanong


balangkas.
C. MGA HAKBANGIN SA PAGSULAT NG SINTESIS

6. Ilista ang mga sanggunian. Karaniwang ginagamit na pormat


ang Modern Language Association (MLA) at American
Psycholgical Association (APA)
C. MGA HAKBANGIN SA PAGSULAT NG SINTESIS

7. Rebisahin ang sintesis. Basahin muli ang sintesis at tukuyin


ang mga kahinaan nito. Hanapin ang mga kamalian sa pagsulat at
detalye. Isulat muli ang sintesis para maisama ang mga nakitang
punto na dapat baguhin.
C. MGA HAKBANGIN SA PAGSULAT NG SINTESIS

8. Isulat ang pinal na sintesis.


SALAMAT SA PAKIKINIG =w=)/

You might also like