You are on page 1of 19

Filipino sa

Piling Larang
Sintesis
SINTESIS

Liberating Network in Education


SINTESIS

Ang sintesis (synthesis) ay nagmula sa salitang


Griyego na syntithenai na ang ibigsabihin sa Ingles
ay put together o combine (Harper, 2016). Makikita
ang prosesong ito sa mga pagkakataong kung saan
ang pinag-uusapan ay tungkol sa nabasang aklat
kung kailan maaaring hindi na isama sa bawat talata
o kabanata ang ibang mga tinalakay na mga
pantulong na kaisipan.
Liberating Network in Education
SINTESIS
Ang Sintesis ay pagsasama ng dalawa o higit
pang buod. Ito ay paglikha ng koneksyon sa
pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o
sulatin.
Ito ay isang sulating maayos at malinaw na
nagdurugtong sa mga ideyang mula sa
maraming sangguniang ginagamit ang sariling
pananalita ng sumulat. (Warwick, 2011)
Liberating Network in Education
SINTESIS
Ang Sintesis ay isang pamamaraan kung
saan sinasabi ng isang manunulat o
tagapagsalita ang mga orihinal na teksto sa
mas maikli ngunit komprehensibong paraan.

Liberating Network in Education


SINTESIS

Taglay nito ang sagot sa


mahahalagang tanong katulad ng
“Sino, Ano, Paano, Saan at Kailan”
naganap ang mga pangyayari.

Liberating Network in Education


Dalawang Anyo ng Sintesis
1. Explanatory Sintesis
Ito ay sulating naglalayong tulungan ang mambabasa o nakikinig na
lalong maunawaan ang mga bagay na tinatalakay.

Ipinaliliwanag lamang ang paksa, walang kritisismo, hindi


nagsisimula ng diskurso kundi naglalayong itong mailahad ang mga
detalye at katotohanan sa paraang obhetibo sa pamamagitan ng
pagbibigay deskripsyon at paglalarawan sa isang bagay, lugar o mga
pangyayari.
Liberating Network in Education
Dalawang Anyo ng Sintesis
2. Argumentative Sintesis
Ito ay may layuning maglahad ng pananaw ng sumusulat.
Naglalahad ng mga pananaw na sinusuportahan naman ng
makatotohanang impormasyon na hango sa iba’t ibang
sanggunian.
May impormasyong hango sa iba’t ibang mga sanggunian na
inilahad sa paraang lohikal, pinupunto nito ang katotohanan,
halaga o kaakmaan ng mga isyu at impormasyon.
Liberating Network in Education
Uri ng Sintesis
1. Background Synthesis
Uri ng sintesis na pinagsama-sama ang mga
impormasyon ukol sa isang paksa at inaayos ito ayon
sa tema at hindi ayon sa sanggunian. Simpleng
paglalahad ng sama-samang impormasyon.

Liberating Network in Education


Uri ng Sintesis
2. Thesis-driven Synthesis
Halos katulad lamang ng Background Synthesis ngunit
nagkakaiba lamang sila ng pokus, sapagkat hindi
lamang ito simpleng pagpapakilala at paglalahad ng
paksa kundi ang pag-uugnay ng mga punto ng tesis
ng sulatin

Liberating Network in Education


Uri ng Sintesis
3. Synthesis for the literature
Ginagamit ito sa sulating pananaliksik. Nagrerebyu o
nagbabalik-tanaw ito sa kaugnay na literatura ng isang
paksa. Naglalahad lang din ng mga impormasyon
ngunit nakatuon ito sa literaturang ginamit sa isang
pananaliksik.

Liberating Network in Education


Mga Kasanayang Matatamo mula
sa Sintesis
a. Nagpapahusay ng kasanayan sa pagbabasa

b. Nagpapaunlad ng kritikal na pag-iisip

c. Nagpapahusay ng kasanayan sa pagsulat

Liberating Network in Education


Pagtukoy sa Katangian ng Mahusay
na Pagkakabuo ng Sintesis
a. May tamang pagkakasunod-sunod ng mga
pangunahing ideya

b. Angkop na paggamit ng mga salita at wastong


pagkakabuo ng mga pangungusap.

c. Nagtataglay ng pagkagaan at dali ng pagbasa ng


binuong sintesis.
Liberating Network in Education
Mga Ilang Hakbang at Mungkahi sa
Maayos na Pagbuo ng Sintesis
1. INTRODUKSYON
Sisimulan sa isang paksang pangungusap na magbubuod o
magtutuon sa pinakapaksa ng teksto. Banggitin ang mga
sumusunod:
a. Pangalan ng may-akda
b. Pamagat
c. Impormasyon tungkol sa may-akda, teksto, paksa
Liberating Network in Education
Mga Ilang Hakbang at Mungkahi sa
Maayos na Pagbuo ng Sintesis
2. KATAWAN
a. Organisahin ang mga ideya upang mauri kung may
nagkakapareho.
b. Suriin ang koneksyon ng bawat isa sa paksa at
pangunahing paksa at ideya
c. Simulan sa pangungusap o kataga ang bawat talata.
Liberating Network in Education
Mga Ilang Hakbang at Mungkahi sa
Maayos na Pagbuo ng Sintesis
2. KATAWAN
d. Gumamit ng angkop na mga transisyon. (Hal. Gayundin, sa
kabilang dako, at iba pa)
e. Gawing impormatibo
f. Huwag maging masalita sa sintesis. Mas maikli, mas mabuti,
ngunit dapat may laman, lalim, at lawak.
g. Maging matapat sa teksto, kinapanayam, o pinagkunan ng
impormasyon
Liberating Network in Education
Liberating Network in Education
Gawain 2: Pagsulat
ng Sintesis

Liberating Network in Education


Maraming Salamat!

Liberating Network in Education

You might also like