You are on page 1of 21

Nagpapaliwanag

(Explanatory Synthesis)

Sulating naglalayong tulungan ang mambabasa


o makikinig na lalong maunawaan ang mga
tinalakay. Ipinapaliwanag ng manunulat kung ano
ang kanilang paksa. Hindi gumagamit ng mga
opinyon na pahayag, sapagkat ang sulatin ay
nagpapahayag ng katotohanan upang
suportahan ang paksa ng manunulat. Gumagamit
din dito ng mga komprehensibong ebidensya.
Binibigyang pokus nito na ang manunulat na
siyang pagkukunan at kinakailangan upang
makabuo ng malakas na posisyon ang siyang
pangunahing gamit upang ipagtanggol ang
kanyang argumento. Dito ipapakita ng manunulat
ang kanyang punto na sinusuportahan syempre
ng mga impormasyong kanyang nasaliksik.
Uri ng sintesis na nangangailangang
pagsama-samahin ang mga
sanligang impormasyon ukol sa
isang paksa at karaniwan itong
inaayos ayon sa tema at hindi ayon
sa sanguniaan.
Katulad ng background synthesis ngunit
nagkakaiba lamang sila sa pagtutuon, dahil
hindi lamang simpleng pagpapakilala at
paglalahad ng paksa ang kailangan nito
kundi ang malinaw na pag-ugnay ng mga
punto sa tesis ng sulatin.
Ito ay ginagamit sa sulating pananaliksik.
Karaniwang isinasaayos ang sulatin batay sa
mga sanggunian ngunit maaari rin namang
ayusin batay sa paksa.
1. Linawin ang layunin ng
pagsulat
Marapat alam ng manunulat ang nais
kalabasan ng kanyang sulatin o kung
ano ang inaasahan nyang resulta nito.
Makakatulong ito upang mas
mabigyang pokus ang kanyang paksa.
2. Pumili ng mga naaayong
sanggunian.
Siguraduhin na ang pagkukuhanang
sanggunian ay naayon sa paksa at
nilalaman ng inyong sulatin. Huwag
ng isama pa ang mga impormasyon
na malayo at walang kinalaman sa
inyong sulatin.
3. Buuin ang tesis ng sulatin
Ang tesis ng sulatin o tesis na
pahayag ay maaring ihalintulad sa
buod. Ngunit, hindi katulad ng buod
ito ay mas pinaikli pa at kumakatawan
sa buong kabuuan ng sulatin.
Gumagamit lang dito ng tatlong
hanggang limang pangungusap.
4. Bumuo ng plano at
organisahin ang sulatin.
Sikaping magkaroon ng kaugnayan
ang bawat pangungusp na gagamitin
mo sa iyong sulatin. Iwasan ang
biglaang paghakbang mula sa iyang
ideya papunta sa iba pang ideya,
makakagulo lamang ito sa iyong
sulatin.
5. Isulat ang unang burador.

Ang burador ang magsisilbing


paunang pagsulat ng sulatin. Sikaping
magkaroon ng mahusay at mabisang
introduksyon, katawan at konklusyon
sa unang pagsulat ng sulatin.
6. Ilista ang mga sanggunian.

Mahalaga sa isang sulatin na kumuha


ng iba’t ibang impormasyon.
Siguraduhing kukuhanin ang mga
pinaghanguan ng impormasyon,
upang maiwasan ang plagerismo o
pagkopya ng impormasyon.
7. Rebisahin ang sintesis

Kung sa unang pagsulat ng burador


ay may pagkakamali, sobrang
impormasyon o kulang na
impormasyon. Maari itong rebisahin.
Sa pagrerebisa nito makikita ang mga
kamalian ng sulatin.
8. Isulat ang pinal na sintesis

Matapos gawin ang unang burador at


pagrebisa nito maari na nating isulat
ang pinal na sintesis.

You might also like