You are on page 1of 7

GAWAIN 1

Suriin Mo na!
Gamit ang tatlong pangungusap, ibigay at ipaliwanag ang iyong sagot sa bawat tanong.
1. Bakit kinakailangang pag-aralan ang kasanayan sa akademikong pagsulat?
Ang akademikong pagsulat ay nagagamit hindi lamang sa paaralan, kundi pati na
rin sa mga propesyonal na institusyon. Ang pagsasanay sa akademikong pagsulat ay
maituturing na mahalaga sapagkat ito ang tumutulong sa iyo upang maging marunong sa
pagbabahagi ng mga ideya patungkol sa iba’t ibang larangan ng paksa. Bukod dito, ang
akademikong pagsulat din ay tumutulong upang mahasa ang iyong analitikal na pag-iisip,
mapabuti ang pagpapanatili ng iyong propesyunalidad sa pagsulat, at mahasa ang iyong
kakayahan sa pakikipagkomunikasyon partikular sa mga akademikong isyu.

2. Bakit mahalagang mabatid at maunawaan ng mga mag-aaral na tulad mo ang mga layunin ng
Akademikong Pagsulat?
Ang pagkakaroon ng kaalaman patungkol sa layunin ng akademikong pagsulat ay
tumutulong sa isang mag-aaral upang kaniyang mabatid ang focus ng mensahe ng
kaniyang sinusulat na kung saan, ito ay nagbibigay daan para sa mga mag-aaral na
maihatid ang kanilang mga puntos sa epektibong paraan. Kapag nauunawan ng mga mag-
aaral ang dahilan at tunay na layunin ng kanilang ginagawang sulatin, nagiging tulay ito
upang lubos nilang maunawaan ang kanilang isinusulat. Bilang halimbawa, kapag alam
ng isang manunulat na ang layunin ng akademikong pagsulat ay ang pagpapaalam sa
obhetibong diwa at pananaw, mababatid niyang kailangang maging makatotohanan,
walang kinikilingan, at tahasan ang pamamaraan ng kaniyang paglalahad ng mga
impormasyon.

3. Sa iyong palagay, bakit hindi mabuti ang plagiarism o pangongopya ng ideya ng iba lalo na sa
pangangalap ng matibay na impormasyon sa pananaliksik.
Ang bawat impormasyong nagmumula sa iba’t ibang may-akda ay maituturing na
kanilang intelektwal na ari-arian (intellectual property). Kung ikaw ay mangangalap ng
ideya mula sa kanilang mga gawa nang walang pag-kreditong gagawin, maituturing itong
isang maling gawa sapagkat ito ay anyo na ng pagnanakaw. Bukod rito, sinisira rin ng
plagiarism ang integradad mo bilang manunulat at naaalis nito ang pagiging
mapagkakatiwalaan at pagka-orihinal ng akdang iyong ginagawa.

4. Bakit mahalaga ang iyong bibliyograpiya sa wastong pangangalap ng impormasyon?


Ang bibliyograpiya ay isang listahan ng mga libro at iba pang mapagkukunang
materyal na iyong ginamit sa paghahanda ng isang pananaliksik. Maituturing itong
mahalaga sapagkat ito ang nagsisilbing tagapagbigay ng buong detalye ng bawat
pinagmulan ng mga ginamit mong impormasyon sa iyong akda. Maliban rito, nagsisilbi
rin ang bibliyograpiya bilang paraan upang maiwasan ang plagiarismo dahil nagiging
tulay ito upang mabigyan ng kredito ang orihinal na may-akda ng mga hiniram mong
ideya.
Isabuhay Mo na!
1. Ano-ano ang mga katangiang dapat mong taglayin upang magkaroon ng kasanayan sa
akademikong pagsulat? Magtala ng limang katangian at ipaliwanag gamit ang dalawang
pangungusap.
Unang katangian:
Lohikal mag-isip. Ang pagkakaroon ng isang manunulat ng lohikal na pag-iisip ay
tumutulong sa kaniyang sumubaybay sa kaniyang susunod na pahayag sa ginagawang sulatin. Sa
pagkakaroon ng naturang katangian, malinaw na naipaparating sa mga mambabasa ang kaniyang
punto nang tahasan at may kredibilidad.
Pangalawang katangian:
Nagbibigay kahalagahan sa mga orihinal na akda. Sa pagsusulat ng akademikong
sulatin, nangangailangan ng mga sumusuportang ebidensya sa mga argumentong inilalahad dito
kaya’t ang mga manunulat ay humihiram ng mga ideya at impormasyon mula sa ibang akda. At
bilang isang indibidwal na may pagpapahalaga sa kaniyang integridad bilang isang manunulat,
nararapat na may pagpapahalaga siya sa mga orihinal na akda sa pamamagitan ng pagbibigay ng
mga kredito sa tunay na autor ng mga akdang ito.
Ikatlong katangian:
Mapamuna o mapanuri. Ang pagiging mapanuri ng isang mambabasa ay tumutulong sa
kniyang maging mahusay na manunulat sapagkat maayos at niyang nasasala ang pinagmulan at
katotohanan ng isang impormasyon. Dagdag pa, ito ay tumutulong sa paraang mauunawaan ng
manunulat ang isang problema o paksa mula sa higit sa isang pananaw at nakagagawa ng mga
lohikal na koneksyon sa pagitan ng mga ideyang ito.

Ikaapat na katangian:
Marunong mangalap ng importanteng impormasyon o mga detalye. Sa pamamagitan
ng katangiang ito, nagbibigay-daan ito upang mabuod ng mga manunulat ang kanilang mga
natuklasang impormasyon sa isang malinaw at maigsing paraan. Halimbawa ay sa paggawa ng
isang pananaliksik, kung saan binibigyang-daan nito ang mananaliksik na gumawa ng mga
desisyon na may kaugnayan sa impormasyong makukuha at maunawaan din kung gaano kapaki-
pakinabang ang impormasyong makakatulong sa pagpapatuloy ng gawaing pananaliksik.
Ikalimang katangian:
Marunong mag-organisa ng mga ideya. Nagiging malinaw ang mga ideya sa isang
sulatin kung saan naaangkla ang mga mahahalagang detalye na may kinalaman sa tema o paksa
mula umpisa hanggang wakas sa pamamagitan ng katangiang ito ng manunulat. Ang paraan ng
pagbuo ng manunulat ng kaniyang sanaysay ay nakakatulong sa kaniyang mga mambabasa na
hindi malito at mawalan ng interes sa kaniyang akda.

GAWAIN 2
Suriin Mo na!
Gamit ang tatlong pangungusap, ibigay at ipaliwanag ang iyong tugon/sagot sa bawat pahayag/tanong.
1. Ipaliwanag ang kaisipang ito: “Ang pagsulat ay umiinog sa mga paksa, tema, o mga tanong na
bibigyang-kasagutan ng mag-aaral sa kanyang sulatin depende sa kanyang kaligiran, interes, at
pananaw.”
Ang isang mag-aaral ay nagsusulat ng isang akda nang nakabase sa kanyang
pananaw, interes, at kaligiran bilang isang indibidwal. Anuman ang kinagigiliwan,
nakasanayan, at paniniwala ng isang mag-aaral, tiyak na magsusulat siya ng isang bagay
tungkol sa partikular na paksa o tema na iyon. Halimbawa, kung siya ay naatasang
magsulat tungkol sa parusang kamatayan at ang kanyang paniniwala ay nararapat na
paboran ang bagay na ito, tiyak na magsusulat siya batay sa kanyang paniniwala at
magbibigay ng mga impormasyon kung bakit dapat ang parusang kamatayan ay ipatupad.

2. Bakit sinasabing ang pagbasa at ang pagsulat ay isang resiprokal na proseso ng


pakikipagkomunikasyon at iba pang katulad?
Sinasabing ang pagbasa at pagsulat ay isang resiprokal na proseso ng
pakikipagkomunikasyon dahil sa pagbabasa ng isang tao, ang mga ideya, istruktura ng
teksto, at wika mula sa kanilang binasa ay magagamit nila sa paggawa ng sarili nilang
mga sulatin. Mula sa pahayag, maihahalintulad ito sa mga mag-aaral na mahilig magbasa
ng iba’t ibang tema o paksa na nagsisilbi nilang gabay, inspirasyon, at sanggunian sa
pagsulat. At dahil sa resiprokal na prosesong ito, mas napalalawak ng indibidwal ang
kaniyang bokabularyo at nakapaglalahad siya ng mga konsepto nang mas mabisa sa iba
na nagtutulay sa pagkakaroon ng mas mahusay na kakayahan sa pakikipagkomunikasyon.

3. Paano maituturing na sukatan ng katalinuhan ng isang tao ang pagsulat?


Sa pamamagitan ng pagsulat, naipapahayag ng isang tao ang kaniyang
imahinasyon at ideya sa iba’t ibang larangan ng paksa. Kaya maituturing na sukatan ng
katalinuhan ng isang indibidwal ang pagsulat dahil dito nakikita ang pagiging malikhain
ng kaniyang isip. Bukod dito, sinasalamin din ng pagsulat ang paraan ng pag-iisip, paraan
ng pagbuo ng mga ideya at ang lawak ng bokabularyo ng isang tao bilang ilan sa mga
batayan ng kaniyang katalinuhan.

4. Bakit mahalagang mabatid ang mga proseso ng pagsulat?


Ang mga proseso ng pagsulat ay nagsisilbing gabay ng mga manunulat sa
paggawa ng isang akda. Sa pamamagitan ng mga prosesong ito, nagiging mas madali
para sa mga manunulat ang pagsulat nang maayos. At dahil sa bawat prosesong
sinusunod rito, nagiging organisado ang kanilang mga ideya at nakakamit ang malinaw
na argumento at punto sa ginagawang sulatin.

5. Paano maisasagawa ang lohikal na pagsulat?


Naisasagawa ang lohikal na pagsulat sa pamamagitan ng pagsunod ng angkop at
malinaw na istruktura ng pagsulat na kung saan ang mga ideya rito ay nakaangkla mula
sa umpisa ng akda hanggang sa wakas. Nakakamit rin ito sa pamamagitan ng pagbibigay
ng mga ebidensya na magsisilbing sumusuportang detalye sa mga argumento sa isang
sulatin. At higit sa lahat, kailangang panatilihin ang pagkakaugnay-ugnay at kawastuhan
sa sinusulat upang hindi mawala sa nais na ipabatid sa mga mambabasa.

Isabuhay Mo na!
Ilahad ang mga hakbang sa pagsulat at mga bahagi ng teksto. Pagkatapos, ipaliwanag ang mahalagang
ugnayan nito bilang proseso ng pagbuo ng isang komposisyon. Ilahad ang pagpapaliwanag gamit ang
dalawang pangungusap.

Mga Proseso ng Pagsulat Mga Bahagi ng Teksto


Mahalagang Ugnayan

Tulad ng panimulang bahagi ng teksto,


ang prewriting ay siya ring pangunahing
hakbang sa proseso ng pagsulat. Pawang
nangangailangan ang dalawa ng
matinding pagbe-brainstorm upang
makakuha ng isang magandang simula o
paksa sa pagsulat (para sa proseso ng
Bago sumulat pagsulat) at upang makakuha ng isang Panimula
(Prewriting) nakakukumbinsi at kaakit-akit na ideya sa
simula ng sulatin (para sa panimula).

Ang actual writing at katawang bahagi ng


teksto ay parehong pangalawang
hakbang sa kani-kanilang pangkat. Ang
ugnayan ng dalawa ay maituturing silang
parehong hakbang kung saan inaayos ang
mga ideya upang mabuo ang mga
Habang sumusulat
argumento, mensahe, at iba pang nais
(Actual writing) Katawan
talakayin ng manunulat sa isang
sulatin.

Maituturing namang panghuling


proseso ang post-writing at wakas na
bahagi ng teksto. Ang ugnayan din ng
dalawa ay parehong tungkulin nitong i-
Pagkatapos wrap up ang pagsusulat sa pamamagitan
sumulat ng pagwawasto (sa post-writing) at
pagsasapinal ng ginagawang akda (sa Wakas
(Post-writing)
post-writing at wakas na bahagi ng
Pangalan at Baitang: Elinor P. Delos Reyes Grade 12 STEM – Gauss
teskto).

GAWAIN 3
Basahin ang isang halimbawang pananalisksik na makikita sa link sa ibaba:
https://lpulaguna.edu.ph/wp-content/uploads/2016/10/KARANASAN-NG-ISANG-BATANG-INA-
ISANG-PANANALIKSIK.pdf

Suriin ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na katanungan:


1. Mayroon bang panibagong tuklas na datos at impormasyon sa halimbawang pananaliksik? Ano-
ano ang mga ito? Ilahad at kumuha ng direktang sipi mula sa halimbawang papel pananaliksik
bilang patunay at suporta sa iyong kasagutan.
Ang mga panibagong tuklas na datos at impormasyon sa halimbawang
pananaliksik ay ang mga sumusunod:
Impormasyon 1: Ang Brgy. Sta. Rosa ang lugar na may pinakamaraming batang ina sa
Alaminos, Laguna.
Sipi: “Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa Brgy. Sta. Rosa, Alaminos, Laguna. Ito
ang ibinigay na lugar ng munisipyo ng Alaminos, Laguna kung saan mayroong pinaka
maraming bilang ng mga dalagang nag buntis ng maaga.” (batay sa pahina 5)
Impormasyon 2: Karamihan sa mga dalagang nabuntis nang maaga ay hindi na
nagpatuloy sa pag-aaral.
Sipi: “Sa Talahanayan 4, ay nag papakita kung tumigil o ipinagpatuloy ng mga taga
tugon ang kanilang pag aaral matapos nilang manganak, Tatlumput-tatlo (33) o 91.43
porsyento ay tumigil na sa pag aaral, at tatlo (3) o 8.57 porsyento ang mga batang ina na
ipinagpatuloy ang pag aaral matapos manganak.” (batay sa pahina 9)
Impormasyon 3: Mas nagiging prayoridad na ng mga batang ina ang kanilang anak
ngayon at hindi na sila nakakapagliwaliw nang akma sa kanilang edad bilang isang
adolescent.
Sipi 3.1: “Sa pag aaral na ito, ang edad ng mga respondente ay labing dalawa hanggang
labing walo kung saan sa psychosocial theory ni Erik Erikson sila ay nasa adolescence
stage.” (batay sa pahina 8)
Sipi 3.2: “Sa sosyal na salik, ang positibong nangyayari sa kanila ay may nagbibigay sa
kanila ng mga gamit na pambata at ang mga negatibong naman ay hindi na sila
nakakasali sa mga proyektong panlipunan, kahit kasama nila ang kanilang anak ay hindi
sila inuuna sa pila, hindi na sila nakakapag party kasama ang kanilang mga kaibigan.”
(batay sa pahina 23)
2. Magbigay ng iyong sariling interpretasyon base sa/mga datos na inilahad ng mga mananaliksik.
(Gumamit ng tatlong pangungusap lamang)
Bilang kabuuan ng pananaliksik, sa kategoryang 17-18 taon ang may
pinakamaraming nabuntis, at ang karamihan sa mga batang ina ay highschool lamang ang
natapos at tumigil na sa pag-aaral matapos malamang sila’y nabuntis. Batay sa iba’t ibang
kategorya ng anim na salik narito ang naging interpretasyon: sa pandamdaming salik, sila
ay lubos na naaapektuhan kung nahihirapan o nasasaktan ang kanilang anak at
napapagalitan nila ang mga ito; sa espiritwal na salik ay hindi na sila nakapagsisimba; sa
mental naman ay may pangamba, agam-agam at pagdududa sila sa kanilang kinahinatnan
habang nagbubuntis. Sa pinansyal na salik, nakakatustos pa rin sila sa kanilang mga
pangangailangan ngunit kailangan pa rin nilang humiram ng pera para sa ilang mga
pagkakataon; sa relasyonal naman ay napagsasabihan sila ng mga matatanda, malapit pa
rin sila sa kanilang mga biyenan, ngunit hindi na sila nakakapagligaliw bilang isang
nagdadalaga at; sa sosyal na salik, may nagbibigay ng mga gamit pambata sa kanila,
ngunit kaakibat naman nitong negatibo ay hindi na sila nakakasali sa mga proyektong
pangkomunidad at sa mga pagtitipon o gala kasama ang kanilang mga kaibigan.

3. Mayroon bang binigyang-linaw na isyu? Ano-ano ang mga ito? Ilahad at kumuha ng direktang
sipi mula sa halimbawang papel pananaliksik bilang patunay at suporta sa iyong kasagutan.
Ipaliwanag ito sa pamamagitan ng tatlong pangungusap.
Ang binigyang linaw na isyu sa pananaliksik ay ang patungkol sa mga
sumusunod:
Isyu 1: Umuusbong na bilang ng Teenage Pregnancy
Sipi: “Nagiging isyu sa Pilipinas ang pagdami ng mga kabataang maagang nabubuntis o
maagang nakakapag-asawa. Dahil ang pagiging isang magulang sa murang edad ay hindi
tama at maraming nagiging epekto.” (batay sa pahina 2)
Isyu 2: Antas ng edukasyon na tanging naabot ng mga batang ina
Sipi: “Sa Talahanayan 1, makikita ng antas ng edukasyon ng mga batang ina, kung anong
antas sila tumigil noong nalaman nila na sila ay buntis. Labing isa (11) o 31.43 porsyento
na taga-tugon ay nabuntis at huminto sa pag-aaral noong sila ay nasa elementaryang
antas, dalawampu‘t dalawa (22) o 62.86 porsyento na mga taga-tugon ang nabuntis at
tumigil sa pag aaral noong sila ay nasa sekondaryang antas at dalawa (2) o 5.71 porsyento
na mga taga-tugon ay nabuntis at tumigil noong sila ay nasa kolehiyong antas.” (batay sa
pahina 7)
Isyu 3: Paghinto ng mga batang ina sa pag-aaral
Sipi: “Mas marami sa mga batang ina ay tumigil na sa pag-aaral matapos manganak at
kaunti lamang ang nag patuloy. Karamihan sa kanila ay hindi na itinuloy ang kanilang
pag-aaral matapos manganak sapagkat nadagdagaan ang kanilang responsibilidad bilang
isang magulang at marahil ang isa pang dahilan nila ay upang makahanap ng trabaho para
matustusan ang kanilang pangangailanagan.” (batay sa pahina 9)

Pagpapaliwanag: Binigyang linaw ng halimbawang pananaliksik ang mga sumusunod


na isyu sa pamamagitan ng pagtatalakay ng mga ito sa kabuuan ng papel. Pinag-usapan
dito ang nakaaalarmang mga isyu partikular sa dalagang edad 13-18 taon na kung saan
sila ay nabubuntis sa kanilang murang edad na naging dahilan ng pagtigil ng kanilang
pag-aaral at ang dahilan ng mababang antas ng edukasyon na kanilang naabot.
Ipinaliwanag din sa akda ang mga rason sa kabila ng mga ito, gaya ng mabigat na
responsibilidad na kinarga na nila matapos manganak kaya’t kailangan na nilang tumigil
sa pag-aaral at dahil rin sa kanilang pagbubuntis kaya’t mababa ang kanilang educational
attainment.

4. Nagpapatunay ba ito sa isang balido o makatotohanang pahayag mula sa isang artikulong iyong
nabasa? Kung walang nabasa ay maghanap ng isang artikulo na nagpapakita ng parehong
impormasyong inilahad sa papel pananaliksik. Kumuha ng direktang sipi mula sa artikulo at
huwang kalimutang ilagay ang sanggunian nito.
Ang isyung natalakay sa halimbawang pananaliksik ay maituturing na
makatotohanan. (May mga artikulong nakalagay sa bibliyograpiya ngunit hindi ko na po
ma-access kung kaya’t magbabase na lamang po ako sa ibang artikulo na may
koneksiyon sa nasabing isyu). Sa isang artikulo mula sa Pilipino Star Ngayon, akda ni
Rudy Andal (2019), patuloy pa rin ang paglobo ng teenage pregnancy sa bansa na
sadyang lubos na nakaaalarma na sa karamihan.
Ayon sa artikulo, “Sa datos ng Philippine Statistics Authority noong 2014 ay
nasa 24 na bata ang ipinapanganak ng teenage mothers kada oras.
Habang 1 in 10 women aged 15 to 19 years old ang may anak na batay sa data
noong 2017 ng National Demographic and Health Survey.”

Sanggunian: Andal, R. (2019, November 4). Senado naalarma sa paglobo ng teenage pregnancy | Pilipino
Star Ngayon. Philippine Star. https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2019/11/04/1965768/
senado-naalarma-sa-paglobo-ng-teenage-pregnancy

5. Sumunod ba sa etika ng pagsulat ng pananaliksik ang mga mananaliksik? Ipaliwanag ang iyong
sagot sa pamamagitan ng limang pangungusap lamang.
Batay sa aking obserbasyon habang binabasa ang akda ng mga mananaliksik,
masasabi kong nasunod nila ang etika ng pagsulat ng isang pananaliksik. Ang mga
patunay rito ay una, naglagay sila ng mga citations sa mga impormasyong hiram lamang
nila at naglagay rin sila ng bibliyograpiya bilang pagkredito sa mga tunay na may-ari ng
kanilang hiram na mga akda. Pangalawang patunay ay ang pagsumite ng Communication
Letter ng mga mananaliksik sa munisipyo ng Alaminos, Laguna upang maging
mapagkakatiwalaan ang kanilang batayan ng mga respondente. Pangatlo at pang-apat na
patunay naman ng kanilang pagsunod sa etika ng pananaliksik ay ang pagsasaliksik nang
walang pandarayang ginagawa at nang may obhetibong obserbasyon, at may
pagpapahalaga sa privacy ng mga respondente. Ang mga ito ang naging batayan ko kung
paano sila naging mahusay na mga mananaliksik nang may pagbibigay-halaga sa
kanilang integridad bilang mag-aaral at bilang mananaliksik.

You might also like