You are on page 1of 4

LAGOM

Isa sa mga kasanayang dapat matutuhan ng bawat mag-aaral ay ang kakayahang bumuo ng
isang paglalagom o buod. Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda.
Mahalagang makuha ng sinumang bumabasa o nakikinig ang kabuoang kaisipang nakapaloob sa
paksang nilalaman ng sulatin o akda. Bukod sa nahuhubog ang kasanayang maunawaan at makuha
ang pinakanilalaman ng isang teksto ay marami pang ibang kasanayan ang nahuhubogsa mga mag-
aaral habang nagsasagawa ng paglalagom. Una, natututuhan ang pagtitimbang-timbang ng mga
kaisipang nakapaloob sa binabasa. Natutukoy niya kung ano ang pinakamahalagang kaisipang
nakapaloob dito at gayundin ang mga pantulong na kaisipan. Tandaan na sa pagsulat ng lagom,
mahalagang matukoy ang pinakasentro o pinakadiwa ng akda o teksto. Pangalawa, natututuhan
niyang magsuri ng nilalaman ng kanyang binabasa. Natutukoy niya kung alin sa mga kaisipan o mga
detalye ang dapat bigyan ng malalim na pansin sa pagsusulat ng lagom at kung alin naman ang hindi
gaanong importante. Pangatlo, nahuhubog ang kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat partikular ang
tamang paghabi ng mga pangungusap sa talata sapagkat sa pagsulat ng lagom, mahalagang ito ay
mailahad nang malinaw, hindi maligoy, o paulit-ulit. Pang-apat, ito rin ay nakatutulong sa
pagpapaunlad o pagpapayaman ng bokabularyo sapagkat sa pagsulat nito ay importanteng makagamit
ng mga salitang angkop sa nilalaman ng tekstong binubuod.

Bukod sa ang kasanayang ito ay nagiging kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral, ito rin ay
nakatutulong nang malaki sa larangan ng edukasyon. negosyo, at propesyon. Dahil sa mabilis na takbo
ng búhay sa kasalukuyan at ang marami ay laging parang nagmamadali sa mga gawaing dapat tapusin
o puntahan nakatutulong ng malaki ang pagbabasa ng maikling sulatin na kalimitang naglalaman ng
pinakabuod ng isang mahabang babasahin, teksto o pag-aaral. Bilang paghahanda sa totoong buhay
ng propesyon at pagtatrabaho mahalagang matutuhan mo ang paggawa ng iba't ibang uri ng lagom na
madalas gamitin sa mga pag-aaral negosyo at sa iba't ibang uri ng propesyon kaya naman sa araling
ito ay lubos mong matutuhan ang pagsulat ng isang uri ng lagom o buod --- ang abstrak, sintesis o
buod, at bionote.

ABSTRAK

Ano ang abstrak?

Maraming kahulugan ang abstrak ngunit ang terminong ito sa pananaliksik ay


nangangahulugang buod ng isang sulatin. Maaaring ito ay abstrak ng isang tesis, disertasyon, o
anumang uri ng pananaliksik. Kapag tinukoy ang abstrak sa loob ng paaralan o unibersidad, ito ay ang
buod ng pananaliksik. Hindi tinatawag na abstrak, halimbawa, ang buod ng isang pelikula o nobela.
Pormal ang tono ng abstrak dahil dito nakapaloob ang pinakamahahalagang punto ng pananaliksik.

Kahalagahan ng Abstrak

Mahalaga ang abstrak dahil natutulungan nito ang sinomang mananaliksik o manunulat na
higit pang mapaunlad ang isang paksa, saliksik, o sulatin. Matutulungan rin nito ang mananaliksik na
makita kung ang isang akda ay makatutulong sa pagpapaunlad ng kaniyang sinusulat. Kapag may
abstrak, hindi na kailangan pang basahin ang kabuoan ng pananaliksik upang matukoy kung ito ay
makapagpapayaman sa isinusulat o kung malayo na ito sa kaniyang paksa. Sa gayong paraan, hindi
mauubos ang oras sa paggalugad o paghahanap ng mga materyal na kailangan. Bukod sa pagsulat ng
iba pang saliksik, nakatutulong din ang abstrak sa pag-unawa ng binasa o babasahin ng isang
mananaliksik.

Haba ng Abstrak

Nakabatay ang haba ng abstrak sa kahingian ng guro ng sinoman o ng institusyong


nagpapagawa nito. Karaniwan, may hinihinging bilang ng salita sa paggawa nito. Halimbawa,
maaaring 500 salita lamang ang hinihinging kabuoan ng abstrak. Karaniwan ding hindi ito lalagpas ng
isang pahina at doble-espasyo. Kung hindi tinutukoy ang haba, makabubuting itanong ang kahingian
ng nagpapagawa ng abstrak.

BUOD

Ang pagbubuod ay may pagkakaiba sa synthesis bagamat ang dalawang konsepto ay parehong
nararapat na isaalang-alang sa pangangalap ng impormasyon para sa isang iskolarling pagsusulat.
Ayon kay Fries-Gaither (2010) ang pagbubuod ay ang pagtukoy sa mahahalagang elemento ng teksto at
ang pagpapaiksi ng mahahalagang impormasyon gamit ang sariling lenggwahe o salita habang at
pagkatapos ng isinasagawang pagbabasa para sa isang buong kahulugan.

Ang synthesis sa kabilang dako ay tumutukoy sa proseso ng pagbubuod sa mas mataas nitong
antas. Sa halip na ulitin ang mahahalagang puntos sa teksto na ginagawa sa pagbubuod,
kinasasangkutan ng paglalangkap ng sariling pananaw ng mag-aaral ang ideya na ibinibigay ng
orihinal na may-akda ng teksto na ginagawang synthesis. Sa madaling salita, nakapagbibigay ng
sariling argumento ang mag-aaral sa synthesis na hindi maaaring ibigay sa pagbubuod ng teksto,
(Maranan, 2018).

Suriin ang halimbawa:

Buod Sintesis

Matagal ang panahong nakibaka ang may-akda Hindi madali para sa isang indibidwal na
upang malaman kung ano-ano nga ba ang tatanggapin ang kanyang mga kahinaan bilang
nakapaloob sa paraan ng kanyang panulat. May tao. Madalas ang pagkakataon na kanyang
mga pagkakataong siya ay nagtataka kung bakit ipinupukol sa iba ang mga kahinaang sa totoo
walang nakikitang kagandahan sa kanyang lamang ay siya naman ang may dala. Makikita sa
panulat ang kanyang ping-aalayan ng kanyang kuwentong binasa na matagal na nais ng may-
obra. Sa wakas ng salaysay ay lumabas na hindi akda na malaman kung ano-ano nga ba ang
pala ang obra ang ugat ng problema kundi ang suliraning nakapaloob sa paraan ng kanyang
taong tumitingin sa kanyang obra. panulat. May mga pagkakataong siya ay
nagtataka kung bakit walang nakikitang
kagandahan sa kanyang panulat ang kanyang
pinag-aalayan ng kanyang obra. Sa wakas ng
salaysay ay lumabas na hindi pala ang obra ang
ugat ng problema kundi ang taong tumitingin sa
kanyang obra.

Bakit Mahalaga ang Sintesis at Buod?


Mahalaga ang pagsulat ng sintesis at buod upang higit na maunawaan ang kahulugan ng binasa
o pinakinggang panayam o sulatin. Sa pamamagitan ng pagsisintesis o pagbubuod, higit na nagiging
organisado ang pagkakaunawa sa isang sulatin. Kung hindi kayang ibuod ang isang akda,
nangangahulugang hindi naunawaan ang binasa. Isang paraan ito upang makatiyak ang mga
akademikong institusyon na nagbasa at naunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang binasa. Isa ring
teknik ang pagbubuod o pagsisintesis upang matiyak at higit na maunawaan ng mag-aaral ang
kanilang binasa para sa sariling pagrerebyu sa panahon ng pagsusulit. Kapag may buod o sintesis, higit
na madali ang pagrerebyu dahil binibigyang diin dito ang mahahalagang punto ng mga binasang akda.

BIONOTE

Ano ang tala sa may-akda o bionote?

Mahalagang kasanayan ang pagsulat ng tala sa may-akda o bionote. Ito'y pinaikling buod ng mga
tagumpay, kakayahan, edukasyong natamo, publikasyon, at mga pagsasanay na taglay ng isang may-
akda. Karaniwan itong nakasulat sa ikatlong panauhan.

Kadalasan itong hinihiling sa sumusunod na mga pagkakataon:

● Pagpapasa ng artikulo o pananaliksik sa dyornal o antolohiya

● Pagpapasa ng aplikasyon sa palihan o workshop

● Pagpapakilala ng sarili sa website o sa isang blog

● Panimulang pagpapakilala ng aplikante sa isang posisyon o scholarship

● Tala ng emcee upang ipakilala ang isang tagapagsalita o panauhing pandangal

● Pagpapakilala ng may-akda, editor, o iskolar na ilalathala sa huling bahagi ng kaniyang aklat o


anumang publikasyon

● Bilang maikling impormasyon upang magsilbing gabay sa mga mananaliksik

Dahil ang tala sa may-akda ay isang buod, mahalagang piliin ng may-akda ang pinakamahahalagang
bahagi mula sa kaniyang biodata o curriculum vitae. Hindi ito pagbubuhat ng sariling bangko o
pagyayabang. Kinakailangan ito upang makilala ng mga mambabasa ang kakayahan ng manunulat.

Bukod sa pagpili ng mga bahagi, kinakailangan ding may kaugnayan ang mga impormasyon sa bionote
sa paksaing taglay ng isang publikasyon. Halimbawa, kung susulat ng bionote para sa isang dyornal
kaugnay ng sining at humanidades, mahalagang tukuyin ang mga datos na may kaugnayan sa
nasabing larangan ng pag-aaral. Kung ang aklat naman ay may kinalaman sa ekolohiya, mahalagang
tukuyin ng may-akda ang kaniyang kaugnayan sa usapin ng pangangalaga sa kapaligiran. Dahil dito,
hindi na mahalagang tukuyin ang mga impormasyon kung saan nag-aral ng pre school hanggang
hayskul ang isang manunulat. Hindi na rin mahalagang sabihin na nakakuha siya ng Loyalty Award o
kaya ay Best in Poster Making Contest noong nasa ikalawang taon sa mataas na paaralan.

Dalawang Uri Ng Bionote


1. Maikling tala para sa mga dyornal at antolohiya

Bilang gabay, kadalasang nilalaman ng maikling tala ang sumusunod:

● Pangalan

● Pangunahing trabaho ng may-akda

● Edukasyong natanggap ng may-akda


(antas batsilyer hanggang antas gradwado) Mga akademikong karangalan gaya ng Latin honors
(cum laude hanggang summa cum laude), Best Thesis, o scholarship na natamo bilang mag-aaral
(hindi kasama ang diskuwentong natamo dahil sa pinansiyal na kalagayan)

● Mga premyo o gantimpalang natamo na may kinalaman sa paksain ng dyornal o antolohiya

● Dagdag na trabaho ng isang may-akda

2. Mahabang uri ng bionote

Gayong mahaba ang ganitong tala sa may-akda, hindi ibig sabihin na kailangang magsayang ng
espasyo sa pamamagitan ng paglalagay ng mga tala na walang kabuluhan. Mahaba lamang ang uring
ito dahil nakatala rito ang mga tiyak na impormasyon gaya ng sumusunod:

● Kasalukuyang posisyon sa trabaho

● Mga tala ukol sa kasalukuyang trabaho .

● Mga pamagat ng naisulat na aklat, artikulo, o kaugnay na akda tulad ng mga sining-biswal,
pelikula, pagtatanghal

● Mga listahan ng parangal na natanggap

● Tala sa pinag-aralan o edukasyon gaya ng digring natamo at kung saan ito natanggap note .

● Mga natanggap na training at nasalihang palihan

● Mga posisyon o karanasan sa propesyon o trabaho

● Mga kasalukuyang proyekto

● Mga gawain sa pamayanan o sa bayan .

● Mga gawain sa samahan o organisasyon


.

You might also like