You are on page 1of 1

KABULUHAN NG PAGBASA AT TEKSTONG PANG-AGHAM PANLIPUNAN

Layunin ng araling ito na:

1. mapag-aralan ang iba’t ibang hakbang tungo sa epektibong pagbasa;


2. matukoy ang mga pamamaraang ginamit ng may akda sa pagpapalawak ng mga
ideyang nakapaloob sa teksto o akda.
3. maanalisa ang kahalagahan ng bawat hakbang tungo sa lubusang pag-intindi ng
nilalaman ng bawat teksto o akda.
4. magamit nag mga natutunang kaalman sa iba pang halimbawa; at
5. makabuo ng sariling katha bilang pagtugon sa nabasang teksto o akda

Pangunahing tanong:
Bakit mahalagang suriing mabuti ang nilalaman ng akdang binabasa?

Pangunahing Ideyang Aralin:


Maraming salik ang nakakaapekto sa mambabasa upang maunawaan niya ang teksto.

Makahulugang Pagbasa
Ang pagbasa ay proseso ng pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o koda ng isang
partikular na wika. Hindi lamang ito simpleng pagtingin sa mga nakasulat na titik at salita,
kasama rin dito ang pagtukoy sa kabuluhan o kahalagahan ng mga mensaheng nakasulat.

Ang isang epektibong mambabasa ay nagkakaroon ng pagkakataon na madagdagan ang


kaalaman sa iba’t ibang paksa. At maaari niyang malinang ang kanyang kakayahan sa
mapanuring pag-iisip sa pamamagitan ng kanyang pagsasanay sa pagkilatis ng mga ideyang
inilalahad ng iba’t ibang manunulat.

Sa puntong ito ay mas madaling matutukoy ng mambabasa kung nao ang tunay na
dahilan, paliwanag, o isyu na pinag-uusapan ng mga tao sa kanyang paligid. Matutunan din
niyang gamitin halos lahat ng pagkakataon nag kanyang isipan. Dahil dito ay mapagtatanto niya
ang kahalagahan ng pananaliksik, pagkilatis at pag-unawa bago gumawa ng isang mahalagang
desisyon sa buhay o bago magsimulang magsulat ng sariling katha.

You might also like