You are on page 1of 5

Pangalan: Bb. Grace V.

Calisin
IKALAWANG SEMESTRE PPITTP

PAGLINANG NA GAWAIN BLG. 4 (10 PTS)


Panuto:Tukuyin kung ang pangungusap/pahayag ay nagpapakita ng katangian ng tekstong
persuweysib. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag. Kung hindi wasto ang pahayag, bilugan
ang salitang nakapagmali sa pangungusap at isulat ang angkop na sagot.
.
1. Ang tekstong persuweysib ay may layunin makapaghimok gamit ang mga
argumentong batay sa pangangatwiran at mga impormasyon hango sa damdamin ng
manunulat. Iba’t-ibang uri ng datos na matuwirang pinag aralan.
2. Ang pangunahin dapat isaalang-alang sa pagsulat ng tekstong nanghihikayat ay ang
mga tagatanggap nito. TAMA
3. Pathos ang elemento ng panghihikayat na tumatalakay sa emosyon o damdamin ng
manunulat o tagapagsalita.TAMA
4. Ang tekstong nanghihikayat ay nakabatay sa lohika. TAMA
5. Ang logos ay tumutukoy sa kredibilidad ng manunulat batay sa paningin ng
nakikinig.ETHOS
PAGNINILAY NA GAWAIN BLG. 4
Panuto: Napagtanto mo at napatunayan na sadyang mahalagang matutunan at bigyang pansin
ang pagbabasa ng mga tesktong impormatibo. Ngayon naman ay subukin mong pagnilayan pa
ang lahat ng iyong natutunan sa loob ng hindi lalampas sa limang pangungusap, ibahagi mo ang
iyong pananaw sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa pahayag na nasa loob ng kahon.(10
PTS)
“Ang mahusay maghabi ng mga salita ay hindi mahihirapang manghikayat ng madla.”
Ang nais ipahayag ng teksto sa itaas ay ang mga taong magaling o mahusay bumuo ng
mga salita ang pumili ng mga salitang gagamitin ay hindi mahihirapan na manghikayat
ng mga tao. Kung ang isang tao ay marunong o isang mahusay na mananalita alam
nito ang mga dapat niyang sabihin. May kaalaman na siya sa kung ano ang pumapatok
sa mga piling tao katulad ng sa matatanda o di kaya sa mga kabataan kaya madali lang
para sa kanya na kausapin at mahikayat ang mga ito. Kung magaling ka sa pananalita
ay malakas ang iyong loob, at walang hiya ang makikita o madarama saiyo. Kaya ang
isang taong may kaalaman sa larangan ng papanalita ay may kahusayan sa pag agaw
ng atensyon ng kaniyang manunuod.

PAGPAPAUNLAD NA GAWAIN BLG. 4 (30 PTS)


Panuto: Bahagi ng ating tinalakay ang mga gabay sa pagbasa ng Tekstong Persuweysib kung
saan naggaganap ang pagsusuri sa isang teksto tulad ng mga sumusunod: 1. Kredibilidad ng
may-akda, 2. Nilalaman ng teksto, 3. Pagtukoy sa elementong pathos sa panghihikayat at; 5.
Bisa ng panghihikayat. Sa ibaba ay mababasa mo ang mga gabay sa iyong gagawing pagsusuri.
Gamitin mo ito sa pagsulat ng iyong pagsusuri ng tekstong may pamagat na “Sipi Mula sa Liham
na Ipinadala ng Departamento ng Filipino sa Administrasyon ng Unibersidad ng Sto. Tomas
(UST) Hinggil sa Pagdaragdag ng Kursong Filipino sa Basic Education Curriculum (BEC)”
makikita ito sa iyong aklat sa pahina 76-78.
1. Mga Gabay sa Pagbabasa/Pagsusuri ng Tekstong Persuweysib
Narito ang ilang mahahalagang tanong na maaaring gamiting gabay sa pagsusuri
ng tekstong persuweysib:
 Kredibilidad ng may-akda (Ethos)
a. Masasabi bang may kredibilidad ang may-akda para magsulat tungkol sa
paksa?
b. Maituturing bang maaalam o awtoridad sa larangang kaniyang tinalakay
ang may akda?
c. Paano naapektuhan ng imahe o karakter ng manunulat ang layunin ng
teksto?
 Nilalaman ng Teksto (Logos)
a. Tungkol saan ang teksto?
b. Anong panig, kaisipan, o ideya ang tungkol sa paksa ang pinanghihimok
ng may-akda?
c. Paano ginamit ang mga suportang ideya para mapalutang ang layunin at
panig ng teksto?
d. Ano-ano ang batayang ginamit upang masabi ito ng may-akda?
e. Mayroon bang mga detalye o posisyon na tila hindimasyadong
nasuportahan ng matitibay na ebidensiya o katuwiran? Ano ang mga ito
at paano ito ginamit upang makahikayat?
f. Ano ang kasalungat na panig nito na maaaring isagot sa posisyon ng
teksto?
g. Ano ang hangarin ng may akda sa kaniyang pagsulat?

 Pagtukoy sa Elementong Pathos sa Panghihikayat


a. Anong damdamin ang napukaw sa pagbasa/pagsuri ng teksto?
b. Alin-aling bahagi ng teksto ang nakapukaw ng damdaming ito?
c. Gamit ang damdaming ito, anong kaisipan, ideya, o aksiyon ang
hinihikayat ng teksto na paniwalaan o gawin ng mambabasa?
 Bisa ng Panghihikayat ng Teksto
a. Tagumpay ba ang paggamit ng mga elemento ng panghihikayat upang
makumbinsi ang mga mambabasa?
b. Paano maiuugnay ang kabuuang mensahe ng binasang teksto sa iyong
sarili at komunidad?
 Pagbuo ng balangkas

Note: Ang iyong pagsusuri ay kailangang maglaman ng tatlong bahagi, ang panimula, katawan,
kongklusyon
“Sipi Mula sa Liham na Ipinadala ng Departamento ng Filipino sa Administrasyon ng
Unibersidad ng Sto. Tomas (UST) Hinggil sa Pagdaragdag ng Kursong Filipino sa Basic
Education Curriculum (BEC)”
(Isang Pagsusuri)

Ang tekstong aking nabasa ay patungkol sa isang liham na mula sa Departamento ng


Filipino na ipinadala sa Administrasying ng Unibersidad ng Santo Tomas. Ang nilalaman ng liham
ay isang panghihikayat upang idagdag ang kurso ng Filipino sa basic education curriculum ng
mga kolehiyo, o ng mga grade 11- grade 12 na mga estudyante. Inilahad nito ang mga
kagandahan at mga dahilan kung bakit dapat itong pag tuunan ng pansin at kung bakit nararapat
na idagdag ito bilang isang Pangunahin na asignatura. Ang liham ay masasabi nating isang
tekstong persuwaysib sapagkat hangad nito ang hikayatin ang Administrasyon ng Unibersidad ng
Sto. Tomas, at makikita mo na ito ay matuwid na pinag aralan at hindi lamang ito nakabase sa
opinyon at pananaw ng manunulat. Nag handog ang liham ng iba’t-ibang batas, datos, at mga
tumpak impormasyon na puno ng katotohanan sapagkat ito ay nakapaloob sa mga libro o di kaya
sa ay mahahanap sa internet. Napakaraming magagandang claim ang inihandog ng tektso, ang
iba dito ay talagang magandang labanan katulad ng “Dahil patatagin nito ang mga Tomasinong
pag papahalaga na mag lingkod sa Diyos, Kapwa, at bayan.” Maari natin itong kontrahin sa pag
saad ng napakaraming paraan upang matutunan ng mga Tomasino ang pagpapatatag ng
kanilang pag papahalaga. Isa pa sa nakita ko sa liham ay lahat ng mga dahilan at rason na
inihandog ng manunulat ay may mga tumataguyod na ebidensya kung kaya’t talagang
napapatibay nito ang panghihikayat sa administrasyon ng UST.

Atin munang pag tuunan ang kredibilidad at kakayahan ng manunulat, bilang isang
mambabasa, makikita ko na may kahusayan ang manunulat sa larangang ito at hindi lamang ito
basta-bastang manunulat at tunay niyang pinag aralan ang bagay na ito. Sa pag buo niya ng
isang liham, hindi siya nag lahad ng sarili niyang opinyon at bumase lamang ang manunulat sa
katotohanang impormasyon katulad ng pag sasaad ng mga batas, pananaliksik sa mga
unibersidad sa labas ng Pilipinas na gumagamit ng asignaturang Filipino, at iba’t-ibang datos na
hindi galing sa pananaw ng manunulat. Mula pa lamang sa pinaka unang bahagi ng liham
makikita mo na mahusay ang estraktura ng teksto, pormal ito at kitang-kita na naka pokus ito
mga opisyal na madla. Ang uri ng panghihikayat na ito ay hindi mo basta-bastang makikita sa
telibisyon o sa mga dyaryo kung hindi ay makikita mo na ito ay para lamang sa mga piling tao.
Kahanga-hanga ang kredibilidad ng manunulat, sapagkat nag handog o nag lahad ito ng matibay
na mga ebidensya upang maging kapani-kapaniwala at purong katotohanan lamang ang mga
nakapaloob sa kaniyang liham. Isa pa ay hindi ito nang banggit ng kung anong negatibo sa
kaniyang teksto at puro positbo at magagandang rason lamang ang kaniyang ginamit. Makikita
mo sa teksto na gumamit ng Bandwagon ang manunulat, sapagkat sa parte kung saan ay
ipinahayag nya na “Dahil halos lahat ng malalaking unibersidad sa buong mundo ay may
asignaturang Filipino at/o Pilipinas Studies Program at malalaki ang potensiyal na makabuo ng
ugnayan sa mga insititusyong ito.” Sa pahayag na ito ginamit ng manunulat ang bandwagon
sapagkat hinihikayat nito na halos lahat ng unibersidad sa mga iba’t-ibang bansa ay gumagamit
na ng asignaturang Filipino at ang unibersidad ng Sto. Tomas na lamang ang hindi pa
gumagamit nito. Bilang isang kilalang Unibersidad tiyak na mahihiya ito sapagkat maikokompara
ito sa mga karatig nitong unibersidad na gumagamit na ng Asignaturang Filipino. Ang teknik na
ito ay talagang isa sa mga ginagamit ng mahusay na manunulat upang mahikayat ang
mambabasa nito. Atin namang pag tuunang pansin ang nilalaman ng teksto, ang liham ay
nakapanimula sa pag bati at pag lahad ng minimithing mangyari ng Departamento ng Filipino.
Nag salaysay ito ng siyam na mahahalagang batayan kung bakit kailangang isali ang
asignaturang Filipino sa curriculum ng Unibersidad ng Sto. Thomas. Napakaraming
sumusuportang ideya sa layunin ng manunulat, ito ay ang siyam na dahilan na inilahad nito
sapagkat ang pangunahing ideya na nais ihatid ng manunulat ay ang mahikayat at maipakita sa
Unibersidad ng Sto. Thomas ang kahalagahan ng asignaturang Filipino. Isa sa magandang
sumusuportang ideya dito ay ang “Dapat nararapat lamang na pagtibayin ang sariling wika,
kultura, at identidad upang makapag-ambag ang mga ito sa proyekto ng rehiyonal na
integrasyong sosyo-kultural sa ASEAN.”, ang suportang ideya na ito ay malawakang pinagtitibay
ang pinaka layunin ng mambabasa. Sapagkat tama naman na dapat nating pag tibayin at
patatagin ang sarili nating wika, bilang isang Pilipino dapat ay sa murang edad ay maalam at
natututunan na ito ng kabataan. Sa larangan ng pang- ibang bansa dapat ay itinataas natin ang
ganda ng ating wika at ipinag mamalaki natin ito. Maganda ang nilalaman ng teksto sapagkat ito
ay matatag na sinusuportahan at marami itong pinag babatayan katulad ng pag saad ng
nilalaman ng Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyon, at kung ano ang naging ugnayan nito sa
pag gamit ng asignaturang Filipino. Gamit dito mas napapatibay ang layunin ng manunulat
sapagkat hindi lamang matuwirang pananaliksik ang kaniyang ginawa kung hindi ay nag saad ito
ng nilalaman ng isang legal at kilalang batas. May mga sumusuportang ideya na hindi ganoon
napatibay o kulang sa ebidensya katulad ng “Dahil may sapat na kaalaman at kasanayan ang
mga guro sa Filipino na ituro ang kursong ito.” Hindi lahat ng guro ay may kasanayan sa wikang
Filipino, karamihan ay tiyak pang nahihirapan sa wikang ito at kailangan pang aralin ng
napakatagal upang huasayan ang asignaturang ito. Mahirap ituro ang asignaturang Filipino dahil
kung ipag kukumpara natin sa Ingles ay mas malawak at mas malalim ang Filipino kaysa dito.
Ang hangarin ng may akda sa kaniyang isinulat ay maipakita ang kahalagahan at kung bakit
dapat isali ang asignaturang Filipino sa curriculum ng Unibersidad ng Sto. Thomas. Nais nitong
mapatibay ang pag gamit ng wikang Filipino, at manumbalik ang kahanga-hangang ganda nito.
Minimithi ng may akda na magamit ang asignaturang Filipino, hindi lamang upang matuto, kung
hindi ay mas mapalawak pa ito at magamit sa pakikipag salamuha sa mga karatig bansa, sa
relihiyon, at sa pag tulong sa ating kapwa.

Bilang isang mambabasa ang damdamin na napukaw o nadama ko sa teksto na aking


nabasa ay damdamin na kung saan nais kong ipag malaki ang wikang Filipino. Namangha ako
sa kung anong kayang gawin, at kung saan kaya kang abutin ng asignaturang Filipino, na hindi
lang pala ito bastang asignatura na para lamang mas mapahalagahan natin ito, kung hindi
napakalalim ng asignaturang ito at napaka praktikal at talagang magagamit ito ng bansa natin
lalo na sa pakikipag sapalaran sa mga karatig bansa. Ang bahagi na nakapukaw ng atensyon ko
upang madama ko ang damdamin ng pagiging mayabang sa wikang Filipino, ay ang kung saan
isinaad ng manunulat na ginagamit ang asignaturang Filipino ng mga unibersidad sa ibang
bansa. Naging mas yumabang ako sapagkat nakikilala ang wika, ang kultura, at ang kalaliman
ng wikang Filipino, kasabay nito ay nalungkot din ako kasi kung ang mga unibersidad sa ibang
bansa itinuturo ito bat sa bansa natin nais pang tanggaling ang asignaturang Filipino at ipalit ang
ang pag turo ng wika ng mga karatig bansa. Nakakalungkot na kailangan pang gumawa ng
manunulat ng siyam na rason kung bakit dapat itong isali sa mga asignaturang inaaral ng mga
estudyante ng UST. Gamit ang damdamin na ito ang dapat kung gawin ay seryosohin ang
asignaturang Filipino at mahalin ito ng sa ganun ay malaman at madama ko ang pinaka rason
kung bakit kinakailangan natin itong malaman at matutunan. Base sa aking nadama at nalaman,
naging tagumpay ang minimithi ng may akda, dahil dapat lang naman talagang idagdag ito
sapagkat ang Unibersidad ng Sto. Thomas ay isang kilalang unibersidad, napakaganda na
maalam, at mahusay ang mga mag aaral nito sa wikang Filipino. Ang kabuuang mensahe ay
maiiugnay ko sa aking sarili sapagkat bilang isang mag- aaral, kailangan ko ding mahikayat kung
bakit ba natin kinakailangang matutunan ang asignaturang Filipino, at ang mensahe ng teksto
ang nag palinaw sakin kung bakit ito mahalaga at karapat-dapat na pag aralan. Maiuugnay ko din
ito sa komunidad sapagkat napakrami na ang nag sasawalang bahala ng wikang Filipino at
nakakalungkot na hindi nila pinag tutuunang pansin ito at ginagawa lamang biro, at dapat ang
mensaheng ito ay maipabasa din sa mga mamamayan ng komunidad upang malinawagan at
mahikayat ang mga ito. Ang tekstong ito ay tunay na nakakahikayat sapagkat binubuksan nito
ang ating mga mata sa mga benepisyo at kagandahan ng pag aaral ng asignaturang Filipino.

You might also like