You are on page 1of 4

Pangalan: Bb. Grace V.

Calisin
IKALAWANG SEMESTRE PPITTP

PAGLINANG NA GAWAIN BLG. 2


Panuto: sulat ang TAMA kung wasto ang kaisipang ipinahahayag sa sumusunod na
pangungusap at MALI kung hindi. Ipaliwanag kung bakit tama at mali ang pahayag. (10 PTS)
1. Hindi mahalaga ang malawak na karanasan sa pag-unawa ng tekstong impormatibo
dahil sapat na ang pananaliksik upang maunawaan ito.

2. Bukod sa katumpakan, mahalagang kapaki-pakinabang ang paksa ng isang tekstong


impormatibo.

3. Iisa lamang ang sinusunod na estruktura ng mga tekstong impormatibo.

4. Mahalaga ang malawak na bokabularyo ng mambabasa sa komprehensiyon ng mga


tekstong impormatibo.

5. Hindi sinasagot ng tekstong impormatibo ang tanong na “bakit.”

PAGNINILAY NA GAWAIN BLG. 2


Panuto: Napagtanto mo at napatunayan na sadyang mahalagang matutunan at bigyang pansin
ang pagbabasa ng mga tesktong impormatibo. Ngayon naman ay subukin mong pagnilayan pa
ang lahat ng iyong natutunan sa loob ng limang pangungusap, ibahagi mo ang iyong pananaw sa
pamamagitan ng pagpapaliwanag sa tanong na nasa loob ng kahon.(10 PTS)

Bakit mahalaga ang pagbabasa at pagsulat ng mga tekstong impormatibo? Sa ano-


anong pagkakataon ng ating buhay mahalaga ang mga kaaalamang naihahatid ng
ganitong uri ng teksto.
PAGPAPAUNLAD NA GAWAIN BLG. 2
Panuto: Ngayon ay nabatid mo na sadyang mahalaga ang pag-unawa sa iba’t ibang uri ng
tekstong impormatibo. Ngayon naman ay subukin mong magsagawa ng pagsusuri sa teksto sa
ibaba na pinamagatang “WORLD REPORT 2020: HUMAN RIGHTS WATCH”. Gawin mo ito
gamit ang mga tiyak na gabay na tanong. (25 PTS) (NOTE: ANG PAGSUSURING IYONG
ISASAGAWA AY BAHAGI NG MGA PANGANGAILANGAN SA IYONG MINI PERFORMANCE
TASK PARA SA IKATLONG MARKAHAN)
“WORLD REPORT 2020: HUMAN RIGHTS WATCH”
Tatlong taon pagkaupo sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo 2016,
libo-libong maralitang tagalungsod ang napatay sa “giyera kontra droga.” Mula Kalakhang
Maynila, kumalat sa iba’t ibang siyudad at probinsiya ang extrajudicial killings ng pulisya at mga
ahente nito. Hindi lang buhay ang nawala dahil sa “giyera kontra droga” kundi nawasak din ang
kabuhayan, edukasyon, at kalusugang pangkaisipan ng mga pamilyang nakaranas nito.
Para mahikayat ang Pilipinas gamit ang presyur ng ibang bansa, nagpasa ng resolusyon
ang United Nations Human Rights Council noong Hulyo 2019 na humihiling sa Office of the High
Commissioner for Human Rights na magsumite ng ulat tungkol sa sitwasyon ng karapatang
pantao sa Pilipinas. Tinugon ito ng administrasyong Duterte sa pag-uutos na suspendihin ang
lahat ng negosasyon sa tulong pinansiyal ng 18 bansang nagsulong ng resolusyon.
Patuloy namang ginugulo, pinagbabantaan, inaaresto nang walang angkop na proseso, at
kung minsan inaatake at pinapatay ng mga sundalo ng estado at paramilitar na suportado ng
gobyerno ang mga aktibista, environmentalist, lider ng mga komunidad, at mga mamamahayag.
Lalo pang pinatibay ng halalan noong Mayo 2019 ang kapangyarihan ni Duterte dahil sa
pagsanib ng maraming politiko sa kaniyang partido. Ilan sa nahalal sa senado sina Christopher
Go, dating aide ni Duterte, at si Ronaldo dela Rosa, dating hepe ng pulisya na naging
tagapanguna ng “giyera kontra droga.” Pagkaraan, itinalagang pinuno si Dela Rosa ng komiteng
nag-iimbestiga tungkol sa pulisya at sa “giyera kontra droga.” Ang mga sumusunod ay ang
napapanahong isyu na mariing binantayan at patuloy na binabantayan ng Komisyon ng
Karapatang Pantao:

“Giyera Kontra Droga”


Nagpatuloy noong 2019 ang “giyera kontra droga” ng gobyerno, at patuloy na naiuulat sa midya
ang mga bagong kaso araw-araw. Naging modus operandi ng pulis sa mga pagpatay ang
pamamasok ng bahay para hulihin ang mga suspek sa paggamit o tulak ng droga, pero imbes na
hulihin ay maiuulat na napatay sila ng pulisya dahil sa kanilang panlalaban. Naidokumento ng
Human Rights Watch ang pagtatanim ng armas ng pulisya sa mga biktima upang pangatwiranan
ang kanilang pagpatay sa mga ito. Naiulat ng Philippine National Police na 5,526 suspek ang
napatay sa operasyon ng pulisya mula Hulyo 1, 2016 hanggang Hunyo 30, 2019. Gayunman,
hindi kasama sa bilang na ito ang libo-libong napatay ng di-kilalang mamamatay-tao sa mga
kasong hindi seryosong iniimbestigahan ng pulisya kaya ayon sa lokal na mga grupong
pangkarapatang pantao, umaabot ang bilang ng mga napatay sa 27,000. Ipinahihiwatig sa
pananaliksik ng Human Rights Watch at mapagtitiwalaang midya gaya ng Rappler at Reuters na
ang mga vigilanteng pagpatay ay pakana mismo ng mga opisyal ng pulisya o kaya ay mga
mamamatay-taong may kaugnayan sa mga awtoridad.
Pagpatay sa Mga Aktibista, Mga Lider ng Komunidad at Tagapagtanggol ng Karapatang
Pantao
Nagpatuloy ang extrajudicial killings ng security forces at kanilang mga ahente sa mga
aktibista, environmentalist, at tagapagtanggol ng karapatang pantao, kapuna-puna sa isla ng
Negros sa Gitnang Pilipinas. Ayon sa tally ng Rappler, nagkaroon ng 116 patayan sa Negros
mula Hulyo 1, 2016 hanggang Agosto 27, 2019. Gayong hindi lahat ng ito ay tungkol sa droga,
karamihan sa mga biktima ay magsasakang aktibista at lider ng pangkat ng magsasaka,
nagpapahiwatig ng marahas na hidwaan sa lupa na dekada nang pinagdadaanan ng isla.
Pinakamarami ang bilang ng namatay sa Negros noong Hulyo nang 14 aktibista ang binaril sa
loob ng isang linggo. Naikonekta ng Human Rights Watch at iba pang grupong pangkarapatan
ang karamihan ng pamamaslang sa militar, pulisya o milisya na suportado ng security forces. Sa
paglipas ng mga taon, kakaunti ang seryosong naimbestigahan at kaunti ang nahatulan sa mga
pamamaslang sa mga aktibista.
Mga Pang-aatake sa Civil Society
Walang patid ang administrasyong Duterte sa kampanya laban sa miyembro ng mga
organisasyong sibil. Halimbawa, naghain ng reklamong sedisyon ang pulisya laban kay Bise
Presidente Leni Robredo at 35 katao, kabilang ang mga pari at obispo, miyembro ng oposisyon,
at abogado at aktibista ng karapatang pantao noong Hulyo 18. Ayon sa pulisya kasali ang mga
ito sa isang sabwatan para mapatalsik si Duterte. Ikinaila naman ng mga inakusahan ang
bintang. Samantala, patuloy ang kampanya ng gobyerno ng “red tagging” sa mga aktibista,
ihinahablang sila ay miyembro ng o nakikisimpatya sa komunistang New People’s Army. Ang
mga alegasyong ito ay sinundan ng marahas na pang-aatake sa nakalipas na mga taon.
Kalayaan ng Midya
Dumagsa ang atake sa mga mamamahayag noong 2019. Una rito ang pang-aaresto sa
dalawang hiwalay na okasyon kay Maria Ressa, executive editor ng Rappler, isang news
website, na masaklaw na naglathala tungkol sa “giyera kontra droga.” Nahaharap si Ressa sa
kaso ng hindi pagbabayad ng buwis at libel, habang inusig ang Rappler dahil sa umano ay
pinopondohan sila ng mga dayuhan.Isang peryodista ang napatay hanggang nitong Nobyembre:
ang news anchor na si Eduardo Dizon, taga-Kidapawan City sa Mindanao, na binaril noong
Hulyo 10. Isa pa rin si Brandon Lee, na nagtamo ng malubhang pinsala mula sa atake ng isang
mamamatay-tao noong Agosto sa hilagang Pilipinas.
Parusang Kamatayan
Isinulong ng mga kaalyado sa Kongreso at Senado ni Pangulong Duterte ang muling
pagpapataw ng parusang kamatayan, lalo para sa drug crimes. Noong Setyembre, nagsagawa
ng mga pagdinig sa iba’t ibang panukalang-batas na naglalayong baguhin ang umiiral na
kautusan para isama ang parusang kamatayan. Sa Senado kung saan dati nang napawi ang
mga panukala sa parusang kamatayan, pinamumunuan ni Senador Manny Pacquiao ang
kampanya para ibalik ito, katuwang ang mga bagong-halal na senador na kumandidato sa
partido ni Duterte.
Mga May Pangunahing Papel sa Antas na Pandaigdig
Nananatiling pangunahing kaalyado sa seguridad at ekonomiya ng Pilipinas ang Estados Unidos,
pero nababahala ang Washington tungkol sa unti-unting pagiging magiliw ng relasyon ng
administrasyong Duterte at Tsina. Noong Hulyo 11, 2019, nagpatibay ng UN Human Rights
Council ang isang resolusyon na inisponsoran ng Iceland, sa kabila ng pagsisikap ng Pilipinas na
harangan ito sa pamamagitan ng malawakang misinformation campaign at malawakang
diplomatic pressure. Ang hinihingi ng resolusyon ay magpresenta ang Office of the High
Commissioner for Human Rights (OHCHR) ng ulat tungkol sa sitwasyon ng karapatang pantao
sa Pilipinas. Minamarkahan ng pagpasá ng resolusyong ito ang kauna-unahang pagkakataon na
Pilipinas ang naging mapagtutuunan ng ganitong hakbang mula sa Human Rights Council.
Noong Setyembre, nagsimula ang OHCHR na mangalap ng input mula sa member states, civil
society, at sa UN system para sa ulat na nakatakda sa Hunyo 2020. Bilang tugon, nag-isyu ang
administrasyong Duterte ng isang memorandum na nag-uutos sa mga ahensiya ng gobyerno ng
Pilipinas na huwag tanggapin ang tulong pinansiyal mula sa 18 bansa na bumoto para ipatupad
ang resolusyon. Ang memorandum ay “nagsususpinde sa lahat ng pag-uusap at kasunduan para
sa foreign loans at grants” dahil sa “tahasang pagtanggi ng administrasyon sa resolusyon ng UN
Human Rights Council.” Itinuloy ng prosekyutor ng International Criminal Court ang
pagsasagawa ng isang preliminary examination sa sinasabing mga krimen sa Pilipinas mula
Hulyo 1, 2016— sa kabila ng pag-alis ng Pilipinas sa Rome Statute na naging epektibo noong
Marso. Kinumpirma ng Office of the Prosecutor ang hurisdiksiyon nito sa mga krimeng nagawa
ng Pilipinas noong miyembro pa ito ng ICC.

PAGSUSURI:
I. Ano ang paksa ng tekstong iyong binasa?
I. Anong uri ng tesktong impormatibo ito? Ipaliwanag ang sagot.
II. Ano-ano pang mahahalagang impormasyon ang maaari mong ilahad tungkol sa
tekstong iyong binasa batay sa mga batayang tanong na:
a. Sino ang mga kasangkot?
b. Saan nangyari?
c. Kailan nangyari?
III. Mula sa mga impormasyong iyong natutunan sa teksto, ano ang kongklusyong nabuo
sa iyong isipan?

You might also like