You are on page 1of 14

KALAGAYANG PAMPULITIKA

I pinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pasya na buhaying-

muli ang nakabinbing usapang pangkapayapaan sa pagitan ng kanyang gobyerno at

ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa isang pagpupulong ng

kanyang gabinete noong nakaraang linggo. Bubuhayin umano ang usapang

pangkapayapaan kung ilalatag ang isang kasunduan hinggil sa tigil-putukan at ang

pagpapatigil sa umano’y pangongolekta ng New People’s Army (NPA) ng

‘revolutionary tax.’ Nais din niyang idaos ang mga pag-uusap dito sa bansang

Pilipinas.

Ang mga kondisyon na binanggit ni Duterte ay taliwas sa Deklarasyong

Hague at Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees. Gayunman,

sinusuportahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National

Police (PNP) ang mga kondisyong ito sa paniniwalang magbibigay-daan ito sa

pagsuko ng Communist Party of the Philippines (CPP) at NPA. Tinututulan naman

ng mga organisasyong masa ang mga kondisyon ng gobyerno para sa pagbubuhay

sa usapang pangkapayapaan at tinutulak ang gobyerno na sa halip ay diinan ang

pagbubuo ng kumprehensibong kasunduan para sa panlipunan at pang-

ekonomyang reporma.

Tumitindi ang krisis panlipunan at pampulitika sa bansa, gayundin ang krisis

sa karapatang-pantao. Hindi malayong ang mga sitwasyong ito ang nagtutulak sa

administrasyong Duterte na pana-panahong pasulputin ang pagpapatuloy ng

usapang pangkapayapaan, kundi mismong ituloy ang muling pagbubukas nito.


Pero anu-ano kaya ang mga pangunahing pangyayari na nagtulak sa presidente na

buhaying-muli ang usapang pangkapayapaan? Anu ang haharaping kalagayang

pampulitika sa bansa at ang magiging papel ng progresibong puwersa at iba’t ibang

sektor sa lipunan?

Habang tinatapos ang sulating ito, naghahanda ang NDFP para sa paggunita

sa ika-45 taong anibersaryo ng pagkakabuo nito.

Atras-abante si Duterte

Sa panayam kay NDFP Chief Political Consultant Jose Maria Sison, sinabi

niyang nagpakita ang rehimeng Duterte ng bangis sa war on drugs, pagdurog sa

Marawi City at paglaban sa mga pwersang rebolusyonaryo at sambayanang Pilipino

sa unang dalawang taon nito, pero hindi rin naman nagpatinag ang sambayanang

Pilipino sa pagtaguyod sa kanilang karapatan.

“Inakala ni Duterte na masisindak ang sambayanang Pilipino at kakayanin

niyang i-pwersa ang ConAss at Chacha sa kanila.  Pero ibayong lumalaban ang

sambayanan sa iba´t ibang anyo ng pakikibaka at lumitaw ang broad united front ng

mga organisasyong pambansa demokratiko, mga panggitnang saray, mga partidong

oposisyonista at mga simbahan,” paliwanag niya sa mistulang kabiguan ng mga

‘kaalyado’ ng presidente na itulak ang mga pagbabago sa kasalukuyang saligang-

batas ng bansang Pilipinas, lalong-lalo na sa mga probisyon nito sa pulitika at

ekonomya.

‘ Di rin umano maaaring ikaila ni Duterte na habang lumalala ang krisis

pamupulitika, lumalala ang krisis sa ekonomiya.


“Pinataas niya ang buwis sa consumer goods and services para may panggastos sa

burukrasya at militar, korupsyon at pambayad sa naipong utang at inaasahang utang

mula sa Tsina.  Ngayon (dahil sa TRAIN Law), nagliliparan ang presyo ng consumer

goods and services; at dahil sa implasyon, galit ang mga tao, pati mga dati niyang

supporter.”

Kung kailan lamang, sabi niya, parang o nagkunwaring natauhan at umatras

ang presidente sa dating ambisyong magtayo ng pasistang diktadura sa

pamamagitan ng pekeng pederalismo at sampung taong transisyon na siya ang

diktador.

“Payag na siyang magkaroon ng regular na halalan sa 2019 at nag-alok pa

siya sa NDFP na magkaroon muli ng usapang pangkapayapaan.”

Paghahanda para sa halalan

Sa kasalukuyan, naghahanda na ang mga mamamayan sa paparating na

halalan sa barangay sa Mayo, matapos mabigo ang Kongreso na muli itong iurong.

Ngayon pa lang din ay mga maagang paghahanda na ang malalaking pulitiko para

sa nalalapit na pambansang halalan sa 2019.

May pagtataya si Prof. Sison na ang PDP-LABAN ni Presidente Duterte at

Liberal Party (LP) ni Vice-President Leni Robredo ang magiging mayor na

magkalaban sa halalan sa susunod na tan sa pambansang antas.


Posible umanong isaalang-alang ng mga partidong ito sa kanilang plataporma

ang mga pangunahing problema ng bayan dahil malubha na ang krisis at may tulak

ang mga makabayan at progresibong organisasyon at usapang pangkapayapaan.

Naniniwala siya na malaking kapital ng PDP-LABAN ang signipikanteng

pagsulong ng peace negotiations. Susulong naman ito kung taglay ng mga

kasunduan ang pambansang kasarinlan, demokrasya, hustisya sosyal at

independyenteng patakararang panlabas.

Pero ang LP naman ay sumusuporta rin umano sa peace negotiations. 

Ipinaliwanag niya na “mapapasama ang katayuan ng PDP-LABAN sa eleksyon” sa

oras na itigil o pigilin umano ng rehimeng Duterte ang pagsulong ng usapang

pangkapayapaan.

“Tampok na sangkap ng kalagayan ang peace negotiations.  Pero marami

pang mahalagang sangkap tulad ng kalagayan sa ekonomiya at kung paano

tinutugunan ng mga partido ang mga hinaing ng masang Pilipino sa larangan ng

ekonomya at pulitika.”

“Gusto ng grupong Resistance sa LP na tuunan ang makabayan at

progresibong paninindigan.  Ganundin ang ilang bahagi ng rehimeng Duterte, subalit

mas may pananagutan  na ang rehimen sa mga paratang ng pagiging papet, korap,

malupit, mapanira, atbp,” ayon kay Prof. Sison.

“Gayunman, may lamang ang rehimen at PDP-LABAN sa paggamit sa

kapangyarihan at pondo ng gobyerno para magtayo ng malakas na makinarya sa


halalan, laluna sa antas ng barangay. May supermajority ito sa Kongreso, laluna sa

Mababang Kamara at meron pang Kilusang Pagbabago na gagamit sa DILG.”

“Kahit na may malaking bentahe ang rehimen at PDP-Laban, puwedeng

singilin sila ng oposisyon at ng bayan tungkol sa maraming mahalagang isyu.

Malamang na patuloy ang pagsama ng ekonomya at pagsingil sa rehimen tungkol sa

mga paglabag sa mga karapatang tao kung walang pagsulong ng peace

negotiations.”

Papel ng mga progresibong puwersa

Ipinaliwanag niya na may tindig at kilos na independiyente at may inisyatiba

ang Makabayan bloc at mga organisasyong masa na makabayan at progresibo

pagdating sa pakikipag-alyansa sa mga pulitiko.

Kasali pa nga umano sila sa broad united front ng Movement against Tyranny

sa kasalukuyan.

Kung gayon, may batayan umano sila para lalong makipagkaisa sa LP.

Pero kung maging seryoso ang rehimen sa peace negotiations at maging

matagumpay ito, sabi ni Prof. Sison, makakakuha umano ito ng malaking kredito at

bentahe para sa halalan ng 2019.

“Lagot ang partido ni Duterte kapag lumitaw itong hadlang o salungat ito sa

makatarungang kapayapaan.”
“Sa antas ng mga kandidatong senador, sinumang kandidato ng anumang

partido ay magiging mabango kung kinikilala ng bayan na tagapagtaguyod ng peace

negotiations at mga reporma na kailangan para lutasin ang sandatahang tunggalian

at pagkakaroon ng makatarungang kapayapaan,” ayon sa kanya.

“Dahil malaki ang baseng masa ng CPP, NPA, NDFP, malaking bahagi ng

electorate ang nasa pamumuno nila.  Kahit na hindi sila magpatakbo ng mga

kandidato, kaya nilang sabihan ang mga botante kung sinu-sino ang mga dapat

ihalal.”

Sa tingin naman niya, darami ang makabayan at progresibong kandidato na

mananalo, maging sa ilalim ng Makabayan Bloc at ng ibang partido.

Papel ng iba’t ibang sektor ng lipunan

Gagawin umano ng US ang lahat ng makakaya para panatilihin ang kanyang

pangkalahatang paghahari sa Pilipinas.

“Dahil nasa accelerated strategic decline ang US, sinisikap ng Rusya, Tsina

at Hapon na magpalaki ng bisa at impluwensya sa Pilipinas.”

Ganundin umano ang European Union.

“Laging may kinalaman sa pulitika ng Pilipinas, laluna sa eleksyon, ang

malalaking negosyanteng lokal at dayuhan. Mayroon silang cash at facilities na

pwedeng gamitin ng mga pulitiko sa kampanya,” paliwanag ni Prof. Sison hinggil sa

mapagpasiyang papel ng malalaking negosyo sa pangangampanyang elektoral.


“Ang mga Simbahan sa pangkalahatan ay umiiwas sa akusasyon na

nakikialam sa estado at lumalabag sa principle of separation of church and state. 

Hindi ito nakikialam sa eleksyon liban kung nagagambala o nasisira ang interes

nitong materyal at ispiritwal.  Pero kaya nito na lumaban sa anumang personahe o

partido na kontra-Simbahan o labis na nang-aabuso sa karapatang tao.”

Ayon kay Prof. Sison, karamihan ng malalaking mass media network ay pag-

aari ng malalaking burgis na pamilya at kontrolado rin ang mga ito ng kanilang mga

advertiser na malalaking korporasyon na lokal at dayuhan (na nagpopondo rin sa

malalaking pulitiko).

Karagdagang paliwanag niya, ang mga mayor na mass media network ay

kampi sa gusto ng may-ari at ng pinakamalalaking advertiser nila.

“Ang pariralang ´civil society’ ay pantukoy sa mga NGO na pinansyado ng

mga imperyalista at pati gobyerno ng Pilipinas.  May nuance pa ang parirala na sibil

o mapayapa ang lipunan kahit na inaapi at pinagsasamantalahan. Pero puwede ring

maayos na gamitin ito para tukuyin ang citizenry o organized citizenry, tulad ng MOs

na ND ang katangian.  Lumalaki ang impluwensya nila sa eleksyon dahil lumalaki at

lumalaganap sila,” paliwanag niya hinggil sa lumalaking papel ng “civil society” sa

prosesong elektoral.

Mga hamon at hinaharap bago ang 2019


Naniniwala naman si Prof. Sison na may pag-asang magkaroon ng mga

repormang sosyal, ekonomiko at pulitikal sa pamamagitan ng mga kasunduan kung

talagang seryoso  ang rehimeng Duterte sa peace negotiations.

Pero, aniya, kailangang isagawa ang mga kasunduang ito.

“Kung matagumpay ang peace negotiations, may batayan para sa

kapayapaang makatarungan at matibay.  Ang mga pwersang rebolusyonaryo, tulad

ng CPP, NPA at NDFP ay magtutuon sa implementasyon ng mga kasunduan”.

“Kung mabigo ang peace negotiations, lalong lalagablab ang armadong

rebolusyon at lalong lalaganap at lalaki ang mga masang protesta.”

Muli niyang ipinapaalala na hindi maasahan ang eleksyon para sa

pundamental na pagbabago dahil mga ahente ng mga imperyalista at ng mga

nagsasamantalang uri ang may pera at iba pang pamamaraan para kontrolin ang

mga pinakamalaking partido at buong proseso ng halalan.

“Kung matagumpay ang peace negotiations, implementasyon ng mga

kasunduan ang magiging usapin sa halalan. Dapat igiit ng masang Pilipino ang

implementasyon ng mga reporma ayon sa kasunduan.”

Naniniwala si Prof. Sison na lalong masama para sa naghaharing sistema

kung mabigo ang peace negotiations sa paggawa ng mga karampatang kasunduan.

“Ibig sabihin na walang gagamitin ang taumbayan na batayan ng

implementasyon kundi ang programa ng demokratikong rebolusyon ng bayan na


ipinaglalaban ng CPP, NPA at NDFP kung mabibigo ang peace negotiation at wala

mang kasunduan sa social, economic at political reforms na nagawa.”

“Kahit sa ilang kaso ng peace agreement sa ibang bansa, nakakalimutan ang

implementasyon ng kasunduan matapos makuha ng mga reaksyunaryo ang

pagdisarma sa hukbong bayan at pagtatapos ng armadong rebolusyon.  Kung

gayon, mga imperyalista at mga nagsasamantalang uri pa rin ang nananaig at

patuloy sila sa pagsasamantala at pang-aapi sa masang anakpawis,” paliwanag ni

Prof. Sison hinggil sa kasamaan ng kondisyon ng pagpapasuko sa isang panig sa

gitna ng isang usapang pangkapayapaan, gaya ng karanasan ng Revolutionary

Armed Forces of Colombia (FARC) sa nilatag na kasunduang pangkapayapaan sa

Colombia noong 2016 at ng Farabundo Martí National Liberation Front (FMLN) sa

kaparehong kasunduan sa El Salvador noong 1992.

https://manilatoday.net/jv-asks-jms-hinggil-sa-kalagayang-pampulitika-bago-ang-

2019/

KALAGAYANG PANG-EKONOMIYA NG PILIPINAS

Natalakay namin ang iba’t ibang nangyari sa ekonomiya ng pilipinas noong

kasaysayang panahon hanggang sa kasalukuyan. Pero saan nga ba nagsimula ang

ekonomiya n pilipinas?  Nagsimula muna ito sa isang maliliit na pamayanang binuo

ng mga ninuno na tinatawag na Balangay, isang sasakyang pandagat na ngayon ay

tinatawaga na Lipunang Barangay. Ito daw ay binubuo ng 30 hanggang 100 na

katao na pinamumunuan ng isang Datu.

May tatlong antas ng tao sa isang barangay, ito ay ang Datu, Maharlika at

Timawa. Ang Datu ay ang namumuno sa isang barangay. Ang Maharlika naman ay


ang mga taong nasa mataas na antas. Ang Timawa ay ang isa sa mababang antas

ng tao na madalas na binubuo ng pangkaraniwang mamamayan.

Ang mga alipin naman ay ang pinakamababang antas sa lipunang barangay.

Ito ay may dalawang uri, ang aliping namamahay at aliping saguiguilid. Ang aliping

namamahay daw ay ay yung mga aliping maaaring magkaroon ng sariling tirahan.

Sa aliping saguiguilid naman ay isang uri ng alipin kung saan hindi ito pwedeng

magkaroon ng sariling bahay.

May mga iba’t ibang katawagan sa barangay noong unang panahon. Ang

barangay na matatagpuan sa bukana ng ilog ay tinatawag na Sa-Ilud at ang

barangay na nasa taas ng bundok ay tinatawag na Sa-raya.

Napag-aralan din namin ang iba’t-ibang uri ng sistema noong panahong

espanyol. Tatlo dito ay ang Reduccion, Encomienda at Hacienda. Ang reduccion ay

ang sistema ng pagsasama-sama ng magkakalayong barangay upang makabuo ng

isang pamayanan. Ang encomienda ay isang sistema kung saan sapilitang

pinagtatrabaho ang mga mamamayan pilipino. Tinatawag naEncomendero ang

namumuno dito. Sa hacienda naman ay ang sistema kung saan pinagtutuunan ng

pansin ang pagtatanim ng mga produkto pangkalakal lamang.

Ang kalakalang Galyon ay isa daw sa pinakamalaking naganap na kalakalan

sa kasaysayan.

Tinalakay din namin ang ekonomiya ng pilipinas noong panahon ng mga

amerikano. Para makuha ng mga amerikano ang mga lupain sa pilipinas, naitatag

ang Homestead Act kung saan naging legal ang pagkamkam nila sa lupain ng


pilipinas. Dahil dito, nagkaroon ng sistema na magbibigay titulo upang mapakita ang

pagmamay-ari ng isang lupa. Ito ay tinatawag na Torrens Title.

Nagawa naman ang Payne-Aldrich Act dahil gusto ng mga amerikano na

makuha ang mga likas na yaman ng bansa.. Dahil dito, nagkaroon ng pantay na

karapatan sa pagitan ng mga  pilipino at amerikano na tinatawag na Parity rights.

Sa panahon ng mga Hapones, umunlad ang pangangasiwa ng pangkabuhayan sa

bansa. Ito ay dahil pinalakas ng mga hapones ang pagiging makabayan ng mga

pilipino sa pamamagitan ng pag-alis ng mga bagay na impluwensiya ng mga

amerikano.

Sa panahon natin ngayon, patuloy pa din ang mga pilipino sa pagtangkilik sa

mga produkto na gawa ng ibang bansa. dahil dito, patuloy pa din ang pagkakaroon

ng utang sa mga  pandaigdigang banko tulad ng World Bank at International

Monetary Fund (IMF). Pero bago muna makapag-utang ang bansa, dumadaan ito

sa Structural Adjustment Program (SAP) kung saan nagbibigay sila ng kondisyon

bago sila magpautang.

Kaya ang kalagayan ng ekonomiya ng bansa ay nakadipende sa kaugalian at

kakayanan ng namumuno at ang kaniyang mamamayan. Kaya hindi umuunlad ang

bansa ay dahil sa hindi pagtangkilik ng ating mga p[rodukto at kakulangan sa

pagiging makabayan ng mga pilipino.

https://jeramilloayblog.wordpress.com/2015/07/29/kalagayang-pang-ekonomiya-ng-

pilipinas-sa-ibat-ibang-panahon/

KALAGAYANG PANG-INDUSTRIYA
Ang sektor ng industriya ay may malaking papel na ginagampanan sa pag-

unlad ng ekonomiya ng bansa dahil ito ay lumilikha ng produkto at paglilingkod na

kailangan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan.

Pinagkukunan din ito ng buwis ng pamahalaan na ginagamit upang matustusan ang

mga gastusin, programa, at proyekto para na din sa ikabubuti ng bansa.

May 4 na sektor ng industriya:

1. Pagawaan/Manupaktyur

2. Utilidad/Serbisyo

3. Konstruksyon

4. Pagmimina

MANUPAKTYUR/PAGAWAAN

Noong 2004, ang pagmamanupaktyur sa bansa (Pilipinas) ay  mayroong

kontribusyon na 24% sa GDP ng Pilipinas. Mas malaki ang bahagi ng sektor ng

pagmamanupaktyur kaysa sa iba tulad ng agrikultura at pangingisda. Ang

tradisyunal na tungkulin ng pagmamanupaktyur sa Pilipinas ay ang proseso ng

pagkain. Ang makina na ginagawa ay upang magproseso ng bigas, mais, asukal at

iba pang mga pangunahing sangkap sa pagkain.

 SERBISYO/UTILIDAD

May tatlong pangunahing oportunidad para mapalawak ang sektor ng

serbisyo. Una, pagpapalawak sa laki at saklaw ng pang-export para sa modernong

serbisyo. Ikalawa, pagpapalawak ng turismo para sa pagunlad ng ekonomiya ng


bansa. Ikatlo, pinapaunlad nito ang mga gawain upang ang mga Pilipino ay hindi na

magtrabaho sa ibang bansa at manatili na lamang dito. Malaki rin ang kontribusyon

nito s bansa dahil natutugunan nito ang pangunahing pangangailangan ng mga

mamamayan tulad na lamang ng tubig, pagkain, elektrisidad, at pangangailangan sa

kalusugan.

KONTRUKSYON

Ayon sa isang artikulo, naging 46% ang bahagi ng konstruksyon sa bansang

Pilipinas dahil sa pagdami ng mga malalaking gusali, planta at pabrika. Malaking

tulong ito para sa mga mamamayan na ngangailangan ng trabaho. Tulong din ito sa

ekonomiya ng bansa anupat darami ang magtatrabaho sa loob mismo ng bansa at

hindi na kailangan ng mga Pilipino na dumayo pa sa kabilang mga bansa para

lamang makahanap ng pagkakabuhayan. Nasusukat na ngayon ang estado ng

bansa sa pamamagitan ng dami ng mga gusali o konstruksyon. Kung patuloy na

darami ito ay tiyak na uunlad ang bansa natin sa sektor ng industriya. 

PAGMIMINA

Bagaman marami tayong makukuha na yamang-mineral sa mga kabundukan

at kagubatan sa bansa, napakalaki pa rin ng pinsala nito sa ating kalikasan.

Maaaring isa ito sa mga dahilan kung bakit umuunlad ang ating bansang Pilipinas

ngunit dumarami ang kalamidad katulad ng landslide na maaaring ikapahamak ng

taong bayan. Maituturing na ilegal ang gawaing pagmimina dahil buhay ng tao at

kalikasan ang sangkot dito.


Ang apat na sektor ng industriya na ito ay malaki ang maitutulong upang mapaunlad

ang ating bansang Pilipinas. May kaniya-kaniya itong tungkulin at paraan ngunit ang

lahat ng ito ay tungo sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.

https://wecareforphileconomy.wordpress.com/2017/02/12/ang-sektor-ng-industriya/

You might also like