Ang Seksiyon 1, Artikulo XI ng Saligang-batas ng 1987 ay nagpapahayag na
ang “Public office is a public trust.” Ang mga opisyal at empleyado ng pampublikong opisina ay dapat na maging responsable sa lahat ng oras, maglingkod sa bayan nang may ganap na pananagutan, integridad, katapatan, at kahusayan, at kumilos nang may patriyotismo at katarungan. Ang mga salitang ito ay tila ulyaw na paulit-ulit na binabanggit. Malakas at malinaw ngunit hindi ata naririnig, naiintindihan, at naisasapuso ng mga pinuno ng ating bansa. Ang impeachment ay tinutukoy bilang pambansang pagsisiyasat sa mga aksyon at gawi ng mga pampublikong opisyal. Ito ay isang kinakailangang kaparaanan upang matiyak kung ang mga pampublikong opisyal ay may moral na katatagan at integridad upang matupad ang kanilang mga katungkulan. Ang mga probisyon sa impeachment ay isinaad sa Seksiyon 2, Artikulo XI ng Konstitusyon ng 1987. Isinasaad dito na ang mga nangungunang opisyal kabilang na ang pangulo, bise presidente, mga miyembro ng Korte Suprema, mga miyembro ng Constitutional Commissions, at ang Ombudsman ay maaaring alisin mula sa katungkulan kapag napatunayang may kasalanan ng paglabag sa Konstitusyon (culpable violation of the Constitution), pagtataksil (treason), panunuhol (bribery), katiwalian at korapsyon (graft and corruption), iba pang mga mataas na krimen (other high crimes), o pagkakanulo ng pampublikong tiwala (betrayal of public trust). Si Rodrigo Roa Duterte ang panlabing-anim at kasalukuyang presidente ng Pilipinas. Si Duterte ay popular dahil sa tapang na sugpuin ang kriminalidad sa lungsod na walang pag-aalinlangan. Siya ang askyon star ng mga kababayan at tinaguriang “The Punisher.” Ngunit siyam na buwan pa lamang sa opisina ay sinampal na agad ang pangulo ng isang reklamong impeachment na isinampa ng isang mambabatas noong Marso 16, sa Kapulungan ng mga Kinatawan. Ang reklamo sa impeachment ay nagsasabi na si Duterte ay malinaw na lumabag sa Konstitusyon (culpably violating the Constituton), nakikibahagi sa panunuhol (engaging in bribery), nagkanulo sa tiwala ng publiko (betraying public trust), nagsagawa ng katiwalian at korapsyon (committing graft and corruption), at nakagawa ng iba pang mga mataas na krimen (other high crimes). Ipinagkanulo ni Duterte ang tiwala ng sambayanang Pilipino sapagkat siya ang utak sa pagpatay ng maraming kriminal sa buong bansa. Ang mga pulis ay hindi maglalakas-loob na patayin ang mga pinaghihinalaang drug pusher o user at iba pang mga kriminal nang walang alalay at suporta mula sa kanilang mga superyor sa militar na ikinalulungkot na inutusan ng pangulo, na nasa batas, ay ang pinuno ng Armadong Pwersa ng Pilipinas. Sa paglaban ni Duterte laban sa mga kriminal, laging ipinagpapalagay ng militar at mga kapulisan ang teorya na nanlaban ang mga hinihinalaang mga drug user na nabaril o napatay sa site. Ayon kay Duterte, "Your duty requires you to overcome the resistance of the person you are arresting... (if) he resists, and it is a violent one... you are free to kill the idiots, that is my order to you." Ngunit, hindi dapat maging patakaran ng estado ito dahil ang batas ay nagbibigay ng due process o angkop na proseso sa lahat ng mga indibidwal. Ang due process of law ay tumutukoy sa karapatan ng bawat mamamayang ipagtanggol ang sarili na mabuhay at maging malaya sa ilalim ng batas. Ang due process ay isang batas na naglalayong makinig at magimbestiga muna bago maghatol at maghahatid lamang ng paghatol pagkatapos ng paglilitis o trial. Ayon kay Daniel Webster (1970) “it is a law which hears before it condemns, which proceeds upon inquiry and renders judgment only after trial”. Bago lapatan ng mabigat na parusa ang sinuman, dapat ay mapatunayan muna talagang may sala sa pamamamagitan ng masusing pagsisiyasat o imbestigasyon. Nakasaad sa ating Saligang Batas, sa Constitution of the Republic of the Philippines (1987), sa ilalim ng Section 1 na nakapaloob sa Article III o Bill of Rights na “No person shall be deprived of life, liberty, or property without due process of law, nor shall any person be denied the equal protection of the laws.” Sa madaling salita, nangangahulugang lamang itong fair play. Ayon nga kay Sir William Blackstone (1765), “Better that ten guilty persons escape than that one innocent suffer.” Kunga kaya’t kinakailangan ng masusing pagsisiyasat sa karumal-dumal na krimen o paglabag sa batas na nagaganap. Dito pumapasok ang mga imbestigasyon ng kapulisan at mga paglilitis sa korte. Kinakailangan na may matibay na katibayan at mga saksi. Imoral at labag sa batas ang inuutos ng pangulo na patayin na lamang ng mga pulis ang mga pinaghihinalaang drug user at mga pusher nang hindi dumadaan sa due process ng batas. Ang isa sa sampung utos ng Diyos ay 'Huwag kang papatay'. Ang pagpatay at karahasan ay hindi solusyon sa mga problema ng kapayapaan at kaayusan. Dapat magkaroon ng tamang pansin sa mga problema sa ekonomiya ng lipunan upang bawasan ang kriminalidad sa kalye. Kung talagang gusto ni Duterte na pawiin ang drugs o mga ipinagbabawal na gamot, paano nakalulusot ang shabu at iba pang mga illegal na droga sa Customs nang hindi nahuhuli o napapansin kahit na ay mayroon ng paunang abiso mula sa pamahalaan ng China? Si Duterte ay inihalal ng sambayanang Pilipino upang maglingkod sa kanyang bansa ng may respeto sa loob ng mga hangganan ng batas. Isinambit niya ang kanyang panunumpa sa opisina o Oath of Office, ang kanyang kanang kamay ay nakapatong sa ibabaw ng bibliya habang nanunumpa ng katapatan at pagtalima sa Konstitusyon na dapat niyang sundin at isabuhay sa kanyang pang-araw-araw na pagganap sa kanyang mga opisyal na tungkulin. Ngunit, nakalulugkot sabihin na ipinagkanulo niya ang tiwala ng sambayanang Pilipino nang gampanan niya ang kanyang tungkulin na salungat sa sinasabi ng Saligang Batas. Dapat ma-impeach ang Pangulo dahil sa mga aksyon at kapabayaan niya sa isyu ng Benham Rise at West Philippine Sea. Maaaring gumulong ang impeachment kay Duterte dahil sa paglabag sa Saligang Batas kung mawawala ang Scarborough Shoal, Benham Rise at ang kabuuan ng West Philippine Sea sa Pilipinas. Sa oras na mawala ang soberenya ng Pilipinas sa mga pinag-aagawang terirtoryo ay hindi na ito maibabalik pa. Si Duterte ay gumagawa ng mga konsesyon upang pumabor sa China patungkol sa Scarborough Shoal. Nanalo ang Pilipinas sa arbitraryong korte laban sa China sa pinagtatalunan na West Philippine Sea. Sa kabila ng kalamangan ng Pilipinas mula sa pagkapanalo sa arbitrary court, si Duterte ay gumawa ng konsesyon upang ibigay ang kakayahan at pribilehiyo sa China upang okupahin at tuklasin ang West Philippine Sea. Isang malaking pagkakamali para kay Duterte ang mag-secure o manigurado ng bilyun- bilyong dolyar na pautang mula sa pamahalaan ng China dahil babawasan nito ang kalamangan ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Tinalikuran ng pangulong Duterte ang pampublikong tiwala na ipinagkaloob sa kanya, lumabag sa Saligang Batas at nakagawa ng mataas na krimen sa pagwawalang-bahala ng kanyang sinumpaang tungkulin bilang pangulo nang lubos siyang nabigo o tumangging ipagtanggol ang mga eksklusibong karapatan sa soberanya at mga karapatan sa maritima at teritoryo sa Benham Rise, Panatag o Scarborough Shoal at ang kabuuuan pa ng West Philippine Sea. Ang pangulo din ay nagpakita ng panunuhol o act of bribery. Nagpapakita ang presidente ng masidhing suporta sa mga pulis na kasangkot sa EJK (Extrajudicial killings). Kung kaya’t nagbibigay ang pangulong Duterte ng libu-libong, kung hindi man milyun-milyong piso sa mga pulis na nakapatay at makapapatay ng mga taong sangkot sa droga. Ang pagsagawa at pagsunod sa state policy na ‘war on drugs’ ay ang magsisilbi din bilang batayan para sa kanilang pag-promote sa pulisya. Ginamit ng pangulo ang panunuhol sa pulisya bilang humimok o drive ng mga pulis sa pagpatay sa mga nasabing drug dealers at mga gumagamit nang walang pagsasaalang-alang sa batas. Si pangulong Duterte ay dapat ding ma-impeach para sa ground na graft and corruption para sa diumano'y mga ghost employees noong siya ay alkalde ng Lungsod ng Davao, at ang P2.2 bilyon na tinaguriang nakatagong kayamanan sa kanyang mga transaksyon sa bangko na hindi nakapahayag sa kanyang Statement of Assets and Liabilities Networth (SALN). Sa pagtupad sa lahat ng mga gawaing ito, hindi lamang ginawa ni pangulong Rodrigo Duterte ang culpable violation of the Constituion, engaging in bribery, graft and corruption, betrayal of public trust at other high crimes, na bumubuo ng mga tiyak na dahilan o grounds para sa kanyang impeachment mula sa opisina kundi dinurong din niya ang integridad ng Tanggapan ng Pangulo, nagdulot ng pagkasira ng pangalan sa pagkapangulo, at kumilos sa isang paraang subversive o mapanghimagsik sa pagpapatupad ng mga tuntunin ng batas at katarungan.