You are on page 1of 2

Viloria, Ninna ika- 17 ng Oktubre, 2017

XII-B Bb. Ma. Cristina L. Barrera

Posisyong Papel Hinggil sa Pag-atras ni Pangulong Duterte sa Pakikielam sa Giyera Laban


sa Droga

"Ako, I will not anymore interfere. Pagka ngayon talaga, hindi hugas kamay, ayaw ko
talaga, hindi ako naghugas, ayaw ko na. Pulis, huwag na kayong makialam. Military, huwag na
kayong makialam," –Pangulong Rodrigo Duterte

Ipinarating ni President Duterte sa publiko noong ika-13 ng Oktubre, 2017 na hindi na


siya makikielam pa sa mga operasyong lumalaban sa droga. Nabanggit din niya na sinabihan
niya ang mga pulis na wag naring mangielam kapag may nakita silang aktibidad na patungkol sa
paglaban sa droga at hayaan nalamang ang PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) na
mamuno at isagawa ito.
Ang hindi pangingielam ng ating pangulo at ng mga pulisiya ay higit na makakahina sa
Laban ng Pilipinas sa droga. Oo, nabanggit din ng PDEA na mabuti rin ito dahil ang gusto nilang
targetin ay ang mga malalaking pagawaan ng iba’t ibang klase ng droga, tulad ng shabu, ecstasy,
marijuana at iba pa at hindi ang mga maliliit na tao sa industriya ng Droga tulad ng mga
gumagamit nito at ang mga napipilitang magtulak ng droga para sa pera.
Sa halip na hindi na siya mangielam, hindi ba dapat mas lalo pang ipagpabuti ng ating
president ang serbisyong ibinibigay ng ating pulisya at tumulong sa PDEA sa pagpuksa ng mga
taong namumuno sa paikot ng droga dito sa ating bansa? Inamin din ng PDEA na hindi nila
kakayanin na puksain ang mga ito ng ganun kadali dahi kakailanganin nila ang tulong ng mga
pulis, militar at ng ating presidente ngunit ngayon, dahil sa paninisi ng taong bayan sa gobyerno,
lalo na patungkol sa extra judicial killings na sinasabing nangyayari dahil sa ating pangulo, mas
pinili nalang ni Pres. Duterte na hadlangan na ang pagtulong nila, hindi sa dahil siya ay
naghuhugas kamay, ngunit upang maiiiwas na ang maling bintang umano sakanila ng mga tao na
sila ang may sala sa mga extra judicial killings na nangyayari sa ating bansa ngayon.
Bagamat alam ni Pangulong Duterte ang kapalit o ang maaring mangyari sa pagbitaw nila
sa kanilang responsibilidad sa giyera laban sa droga, mas pinili niya pa din na iwanan ang
nasabing tungkulin na ito sa PDEA na maaring halos walang laban kontra sa mga malalaking
kumpanya o malalaking tao sa likod ng industriya ng droga. Mas makakabuti sana kung
pinalakas nalang ng ating pangulo ang ating pulisiya at militar at nilitis kung talaga nga bang
may kuneksiyon an gating mga opisyal sa bintang na mga extra judicial killings na naging sanhi
ng pangyayari na ito upang mapanatili ang mapusok na pagpupuksa sa mga gumagamit ng droga
sa ating bansa.

You might also like