You are on page 1of 1

MGA ALAGAD NG BATAS: NAGDADALA BA NG KALIGTASAN O KAPAHAMAKAN?

Magandang araw po sa inyong lahat, nais ko pong magsalita sa inyong harapan tungkol sa mga

kapulisang na madalas laman ngayon ng mga balita. Araw-araw palagi lang mga pulis ang nasangkot sa mga

krimen sa ating paligid. Ang mga taong iyon ay karapat-dapat magdadala ng karunungan, kabayanihan, at ka-

rangalan sa ating bansa ngunit sa isang iglap lang, sila na ang mga tagapaglabag ng batas.

Nang umusbong ang Oplan Tokhang ng Administrasyong Duterte, naging laman ng mga balita

hindi lang ang mga nasangkot sa iligal na droga at mga serye ng patayan, pati na ang ating kapulisan dahil kahit

sumuko na ang mga salarin, pilit pa rin nilang patayin ito kahit hindi binigyan ng pagkakataong magpaliwanag

at sinabi sa publiko na nanglaban daw ito. Ito ang hudyat ng mga kabi-kabilang protesta sa mga unang buwan

ng Pangulong Duterte dahil sa paglabag ng karapatang pantao hanggang umabot pa ang isyung iyon sa ibayong-

dagat lalo na ang United Nations. Ito rin ang dahilan kung bakit mabagal ang pag-usad ng mga kasong kaugnay

nito. Isa sa pinakakontrobersyal na isyu kaugnay sa mga pag-aabuso ng ating kapulisan ay ang pagpatay sa es-

tudyanteng si Kian Delos Santos noong nakaraang Agosto kung saan nasangkot daw siya sa iligal na droga at

siyay napaslang ng taltlong pulis-Caloocan na iginiit nila na lehitimo ang operasyon kahit wala si Kian sa drug

watchlist o walang arrest warrant. Epekto nito ay ang halos pagkawala ng tiwala ng ating mga kababayan sa

mga pulis lalo na ang mga kabataan na labis na naapektuhan sa sinapit ni Kian at sa sistema ng hustisya na wa-

lang process.

Paano tayong masisigurong ligtas ang ating paligid kung ang mismong tagapagtanggol ng ating

bansa ay sila pala ay magdadala ng kapahamakan? Kung sinu-sino na lamang ang kanilang hinulit pinatay, bata

man o matanda, kapos-palad man o may kaya. Nawalan na nga ba ng saysay ang ating karapatang pantao batay

sa ating konstitusyon? Sa aking palagay, tanging sinisisi ko ay ang mga pulis na naging abusado sa kanilang

tungkulin at hindi si Pangulong Duterte. Dapat sana ang mga isyung iyon ay masisilbing leksiyon sa atin sa

mundong puno ng krimen at droga At sa huli, kailangang magkaisa tayo upang makamit nating lahat ang kata-

rungang pantay-pantay para sa lahat. Iyon lamang po at maraming salamat po sa inyo.

You might also like