You are on page 1of 2

Sa likod ng EJK

Kaliwa’t kanang batikos ang inani ng pag-amin ng Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa isyung extra
judicial killing o EJK bunsod ng kaniyang madugong kampanya kontra droga. Nakapagtataka na tila
laging sinasalo ng Malakanyang ang ano mang pahayag ng Presidente na maaaring makasira sa
kaniyang kredibilidad bilang isang pangulo ng bansa.

“What are your sins? Ako? Sabi ko sa military, ano kasalanan ko? Nagnakaw ba ako diyan ni piso? Did
I prosecute na pinakulong ko? Ang kasalanan ko lang, ‘yung mga extrajudicial killings.” Ito ang mga
salitang namutawi sa bibig ng Pangulo sa kaniyang talumpati nitong Huwebes..

Nauna nang sinabi ni Senador Richard Gordon na ang binanggit ng Pangulo ay hindi sapat para maging
ebidensiya sa magiging kaso sa kaniya. Anong kasiguraduhan ang maigagarantiya na maaaring
mapatalsik sa puwesto ang Pangulo kung totoo ang kaniyang ginawang pag-amin? Mangingibabaw ba
ang batas?

Ang Pangulo ay nakakumite na ng “pagpatay sa libo-libong Pilipino sa ilalim ng extrajudicial killings”


at malupit na “pagdulot ng malagim na pagdurusa sa mga biktima at mga pamilya nito.” Ito ay ayon sa
mga reklamo ng mga naglalayong makakamit ng hustisya sa pamamaslang na ginawa sa kanilang mga
mahal sa buhay.

Nakalulungkot isipin na ang mga hinaing ng mga mamamayan ay hindi mabigyang suporta katulad ng
suportang ibibinigay ng palasyo sa mga opisyal nito.

Matatandaan na minsan na ring naging kontrobersiyal ang isa sa mga ang talumpati ng Pangulo sa
Davao City matapos nitong banggitin na maraming kasong rape sa lunsod dahil marami umanong
magagandang babae rito. Inulan ng batikos ang pinuno ldahil sa kanyang sinabi.

Subalit, agad na inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mungkahi niya na
makapagsasalba sa Pangulo sa mga inanani nitong batikos. Ayon sa kaniya ay hindi dapat binibigyan
ng masyadong bigat ang sinasabi ng Pangulo kung ito ay nagbibiro.

Kung ganito na lamang ang parating mangyayari sa loob at labas ng politika ay parang dinadala na ang
bansa sa isang estadong hindi ang na isinasaalang-alang ang kapakanan at seguridad ng taong bayan?
Makatarungan ba ito para sa mga Pilipino na humaharap sa mga akusasyon na hindi naman nila ninais
na gawin o sabihin ngunit hindi rin nagawang ipagtanggol?

Ayon nga sa isang sikat na wikain na nanggaling kay Santa Faustina, hindi magandang bigyang-pansin
ang mga taong mas makapangyarihan kaysa sa isa dahil ang taong totoong nagmamalasakit sa kapwa
ay hindi kailangang ipagtanggol sa kaniyang maling ginawa. Ito ay isang magandang pasaring sa
sitwasyon na kinasasadlakan ng mga tao sa gobyerno.

Kung mananatiling nakapiring ang batas sa paghahabol at pagpaparusa sa mga opisyal ng bansa na may
potensyal na pagkakasala ay hindi nito maisisilbi ang layuning mabigyan ng kapayapaan at kaayusan
ang pamumuhay ng mga mamamayan.

Sa huli, nasa kamay ng hudikatura ang mahigpit na pagpapatupad ng batas. Hindi makabubuti kung
hahayaan na malaya ang mga nakakakamit ng pagkakasala, makapangyarian man po hindi, lalo na ang
tahasang umamin na may sala.

You might also like