You are on page 1of 1

Replektibong sanaysay

Marami ng mamamayan ang nababahala sa mga kaganapan na nanyaari sa ating bansa. Marami na
ang pinatay na hindi nabigyan ng tamang hustisya. Marami na ang nasaktan at marami ng tao ang
naapektuhan. Ito ay dahil sa extra judicial killing na pinapatupad ng ating pamahalaan.

Ang extra judicial kiling ay ang pagpatay ng isang tao na hindi dumadaan sa ligal na proseso o "due-
process". Ito ay ipinatupad ng pamahalaan para malutas ang problema tungkol sa transaksyon at
paggamit ng mga iligal na droga. Ito ay labag sa utos ng Diyos na hindi ka pwedeng pumatay ng sarili
mong kapwa. Ang biktima ay kadalasang mga pinaghihinalaan pa lang na sangkot sa droga. Sila ay hindi
nililitis sa korte at diritso lamang pinapatay. Ito ay labag sa karapatang pantao. Hindi man lang binigyan
ang biktima ng pagkakataong ipagtanggol ang kanyang sarili.

Bago mahusgahan ang tao bilang isang kriminal, siya ay dapat na maimbistigahan at makunan ng sapat
na pruweba. Hindi siya dapat patayin ng harap-harapan at kailangan bigyan ng tamang pag-lilitis sa
korte.

You might also like