You are on page 1of 2

Russell Von P.

Domingo
12- Holy Cross

Anti- Terrorism Bill; makasasama o makabubuti?

Ang Anti- Terrorism Bill ay makakasama sa ating mga kababayan at malaki ang
epekto nito sa mamamayan at maari na sakupin ng mga militante ang ating
bansa. Ito ay ipinatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte at ginawa itong batas
Ang Terror bill ay labag sa ating saligang batas. Walang ano mang panukalang
batas ang dapat lumusot kung ito ay lumalabag sa ating konstitusyon. Partikular
sa Section 1 Article 3 o ang Bill of Rights, na nagsasabing bago mapagkaitan ng
buhay, kalayaan at ari-arian ang isang tao, dapat ay may due process. Dapat
Korte ang magpapataw nito para masiguro ang due process. Sa ilalim ng Terror
Law na ito, ang Anti–Terror Council ay binigyan ng nakababahalang
kapangyarihang mag-designate o magtakda . Ito rin ay pagpatay sa atin sa
demokrasya at pagkitil sa malaya nating pamamahayag. kung sino ang
terorista, kahit walang utos ng korte o marapat na proseso ng batas. Kapag
nadesignate na bilang terorista, lahat ng parusa o measures na ipinataw ng
batas na ito para sa terorista ay maaari ng gamitin laban sa binansagang
terorista, kahit hindi dumaan sa korte o walang panghukumang proseso. Sa
ilalim ng terror bill, maaari na ding makulong ang isang taong hinuli ng 14 days
kahit hindi pa nasasampahan ng kaso. Totoong nakakasuklam ang TERORISMO;
dapat itong gapiin. Subalit hindi sa pagwasak sa mga saligang karapatan ng
mamamayan na ginagarantyahan ng ating saligang batas. Walang
magagaping terorismo kung ang iiral lamang ay ang Terorismo ng gobyerno
laban sa kanyang mamamayan. Nararapat ko lamang ilahad ang mga
saloobin ko. Bilang isang mamamayan o, may responsibilidad ako sa bayan na
ito at sa kapwa kong katutubo na tutulan at labanan ang baluktot at immoral
na mga polisiya na kontra-mamamayanan. Mahal ko ang bansa ko. Hindi ako
pwedeng magbulag-bulagan at magbingi-bingihan sa mga pangyayari
ngayon. Kaya’t palagi kong ipapahayag ang hinaing naming mga
kababayan. Muli, hindi higit pang panunupil ang solusyon sa mapanupil nang
sistema na nagdulot ng kawalan ng hustisya, lupa, disenteng trabaho.

Tutol ako sa terror bill sapagkat mahal ko ang aking bansa at ang aking mga
mamamayan. Maraming mamamayan ang tutol dito dahil sa sobrang striktong
patakaran gaya ng pagkakakulong ay maaari ka ikulong habangbuhay at
bibigyan ito ng mabibigat na parusa at sasakupin ng mga terorismo ang mga
ordinaryong krimen.

You might also like