You are on page 1of 1

Ang Anti-terrorism bill ay para sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga mamamayan, at pagdurog

sa terorismo na matagal ng problema ng ating bansa.

Sa declaration of policy ng panukala, sinasaad ang mga sumusunod:

"It is declared a policy of the State to protect life, liberty, and property from terrorism, to condemn
terrorism as inimical and dangerous to the national security of the country and to the welfare of the
people, and to make any terrorism a crime against the Filipino people, against humanity, and against the
law of nations." -philstar.com

Ngunit sa kabila ng magandang layunin nito ay ikinababahala ng karamihan ang maaaring


maging epekto nito kapag naipatupad na ang batas.Ang pagpasa ng isang batas laban sa terorismo na
may maraming probisyong tila nagwawalang-bahala sa karapatang pantao ng mga mamamayan ay
dapat tutulan, ayon sa maraming grupo at mga indibidwal sa Pilipinas. Bagamat sadyang totoo ang
banta ng terorismo, maaaring makadagdag lamang ito sa mga pangamba at aalahanin ng mga Pilipino.
Kung susuriing mabuti, makikitang napakaunti ng probisyon na diretsong tutugon sa terorismo sa
bersyong ipinapasa ng ating mga mambabatas. Sa halip, nakababahala na higit lamang nitong pinalalabo
kung sino ang pwedeng tawagin na terorista habang mapanganib na nililimitahan ang proteksyon laban
sa mga hindi makatarungang pag-aresto. Kung maipapasa, ito’y maaaring maabuso kahit ng mga
susunod pang administrasyon laban sa mga Pilipino.

Sa isang artikulo ng rapler pinag usapan nina Rappler justice reporter Lian Buan, defense
reporter JC Gotinga, and researcher-writer Jodesz Gavilan kung bakit mapanganib ang anti-terror bill,
hindi lamang sa mga progresibong grupo, kundi sa lahat ng mamamayan sa Pilipinas.

“Executive warrant na ang mananaig. Meaning that the anti-terror council, which is made up of Cabinet
officials, sila na ang mag-authorize sa law enforcement na you can arrest and detain this person. So hindi
mo na kailangan i-hurdle yung high bar of probable cause of the prosecutor and of the judge. Kapag
sinabi ng executive agency, which is a political agency, na puwede ka arestuhin, puwede kang arestuhin
at i-detain.” - Rappler justice reporter Lian Buan

Mayroong hinaharap na malaking dagok ang buong mundo sa kasalukuyan at ito ay ang
nangyayaring pandemya, kung kaya’t mas magiging Mabuti kung ito muna ang pag tutuunan ng pansin
ng Gobyerno. Napakaraming mamamayan ang nakakaranas ng hirap, takot at pangamba, at sa pagputok
ng isyu ukol sa anti-terrorism bill ay lalo lamang madadagdagan ang takot na nararamdaman ng bawat
mamamayan.

You might also like