You are on page 1of 2

International Human Rights Day sinabayan ng kilos-protesta vs

anti-terror law news.abs-cbn.com/amp/news/12/10/21/intl-human-rights-day-sinabayan-ng-kilos-protesta


Daan-daan ang nagkilos-protesta sa University of the Philippines Diliman at sa harap ng Quezon
City Hall sa paggunita sa International Human Rights Day. Nanawagan silang ibasura ang anti-
terror law at bigyang hustisya ang mga napatay sa war on drugs ng pamahalaan
Kasama sa mga naki-rally ang misis ni Steve Abua ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. Dinukot
ng mga armadong lalaki ang kanyang mister noong November 6 sa Pampanga. Tinawagan pa
umano siya at ‘vinideo call’ ng mga dumukot kay Abua.
Sa kabilang banda, iginiit ng Palasyo na isinusulong rin naman ng gobyerno ang mga karapatang
pantao ng mga Pilipino.

Ang human rights ay para sa lahat, hindi lamang sa mga


‘kriminal’ https://www.rappler.com/nation/things-to-know-human-rights-for-all-philippines/
Mula sa edukasyon at kalayaang magtrabaho, malaking bahagi ng pang-araw araw na buhay ng
mga Filipino ang nakabatay at pinoprotektahan ng ating karapatang pantao
Halos pasok sa iisang tema ang karamihan ng sentimyento ng maraming Filipino ukol sa
konsepto ng human rights – ito raw ay para pagtakpan ang mga taong gumagawa diumano ng
mga krimen sa Pilipinas.
Ang ganitong maling pananaw ay resulta na rin ng ilang taong pag-demonize ni former President
Rodrigo Duterte sa human rights noong siya ang nakaupong pangulo. Matatandaang tinarget
talaga ng dating presidente ang human rights organizations, lalo na ang Commission on Human
Rights (CHR), na madiing tumututol at kumokondena sa malawakang patayang naganap sa ilalim
ng kanyang war on drugs.
Maling isipin na ang pangunahing layon ng human rights at ng CHR ay ang protektahan ang mga
kriminal. Sa katunayan, ang layon talaga ng human rights ay protektahan ang kapakanan ng
lahat, Pilipino man o hindi.
Mula sa tila simpleng paghayag ng iyong opinyon hanggang sa mga benepisyong nakukuha mo
mula sa gobyerno, lahat ng ito ay protektado ng human rights. Makikita ang mga karapatan ng
mga Filipino sa Article III ng 1987 Philippine Constitution – ang Bill of Rights na naglalaman ng
mga karapatan at pribilehiyo na dapat igalang at protektahan ng gobyerno. May mga iba pang
karapatan ang mga Filipino na nagmumula sa mga kasunduang nilagdaan ng Pilipinas kasama
ang iba’t ibang bansa sa buong mundo. Katulad nito ay ang Universal Declaration of Human
Rights (UDHR), ang International Covenant on Civil and Political Rights, at ang International
Covenant on Economic, Social, and Cultural Rights. Dahil isa sa mga pumirma ang Pilipinas, ibig
sabihin ay dapat nitong tiyaking maibibigay sa mga Filipino ang mga karapatang kalakip nito.

You might also like