You are on page 1of 2

Aboy, Sharkiah Cassandra L.

HUMSS 12-1
Filipino sa Piling Larang

Parusang kamatayan: Nararapat nga ba?

Hindi solusyon ang paglabag sa karapatang pantao. Ayon sa Republic Act No. 7659, ang
Death Penalty ay ang parusang ipinapataw sa gumagawa ng mga kagimbal-gimbal na krimen. Ilan
sa mga halimbawa ng krimen na maaaring humantong sa kaparusahang kamatayan ay parricide,
murder, rape, at drug pushing. Sa aking sariling pananaw, hindi ako sang-ayon sa pagpapatupad
ng parusang kamatayan.
Ang parusang kamatayan ay diskriminatibo. Ito ay sumasalungat sa karapatan ng tao at
naglalagay ng pangunahing tanong tungkol sa dignidad ng tao at moral na awtoridad ng lipunang
tao. Ito ang pinakamalupit, hindi makatao, at nakahihiya na parusa. Hindi magiging lunas ang
parusang ito dahil ito lamang ay paglabag sa karapatang pangtao. Tanging ang mga nasa itaas
lamang ang makikinabang sa panukalang ito. Ito lamang ay gagamitin laban sa mga mahihirap,
mga etniko, at mga kapwa nating may kapansanan sa pag-iisip. Wala nang makatarungan sa
mundo, dahil mismong tao na ang umaangkin sa karapatan ng kaniyang mamamayan. Hindi ito
magiging solusyon dahil ang pagpatay sa kapwa tao ay hindi mababawasan sa kaniyang mga
ginawa. Gaano man kaunlad ang sistemang pang-justice, hindi na dapat kailanman ipatupad ito.
Ito lamang ay magdudulot ng pagkukulang sa tao. Sa kaibahan ng mga parusang pagkulong, dahil
parusang kamatayan ay hindi mabubura at hindi maaaring maibalik.
Ang isyu ng Death Penalty ay talagang kontrobersyal, at maraming mga aspeto na dapat
isaalang-alang. Ang mga maaaring solusyon patungkol dito ay sa pamamagitan ng pagpapalakas
ng sistema ng Katarungan. Masusing pag-aaral at pagpapabuti sa sistema ng katarungan, kasama
ang tamang pondo at resurso, upang tiyakin na ang mga kasong kriminal ay naaaksyunan ng tama
at mabilis. Pagpapalakas ng mga institusyon. Palakasin ang mga institusyong nagbabantay sa
karapatang pantao tulad ng Commission on Human Rights upang magkaruon ng sapat na
kapangyarihan at kakayahan na imbestigahan ang mga paglabag ukol dito. Higit sa lahat, pagsusuri
ng mas makabago at mas makabuluhang background checks sa mga aplekante at law enforcement
para maiwasan ang abusadong nakaupo at mga pulis. Upang makamit ang isang makatarungan na
mundo, mahalaga na ang mga tao ay tratuhing may katarungan.

You might also like