You are on page 1of 2

EDITORYAL - Mula sa pinuno ng hustisya hanggang

sa pagkakakulong hanggang sa kalayaan: Paano


nakikita ni De Lima ang sistema ng hustisya sa PH
Ni: Yurie Jazmin Yap

May mga nagsasabi nga ang hustisya dito sa Pilipinas ay nangangahulugan ng hus-

tiis. Dahil Para sa nakakarami, walang ibang pamimilian kundi ang magtiis lalo pa yung

mga taong walang sapat na salapi upang ipangtanggol ang kanilang mga sarili kung

sakali mang sila ay naparatangan ng maling akusasyon at makulong ng walang

kasalanan.

Sa kaso ni dating justice secretary at dating senador na si Leila de Lima na Umabot ng

halos pitong taong pagkakakulong, may karapatan naman siya na paniwalaan na

ginamit ang sistema ng hustisya laban sa kanya ng isang rehimeng iniimbestigahan

niya para sa mga paglabag sa karapatang pantao. Ang mga kaso laban sa kanya ay

halos hindi gumagalaw sa loob ng ilang taon. Nagsimula lamang gumalaw ang mga

bagay sa pagtatapos lamang ng pagkapangulo ni Duterte. Parang biglang nagliwanag

ang isang madilim na kalangitan nag siya ay sa wakas payagang

makapagpinyansa.Ngunit hindi pa rin maitatanggi ang mga panahong nasayang.

Marami pa rin na nasa panig ni De Lima na siya ay inosente dahil para sa kanila at kay

De Lima, ang mga kasong ibinato sa kanya ay ginawa lamang at inimbento. Para kay

De Lima at para sa mga taong naniniwala sa kanya ito ay pagpapakita ng kawalan ng

katarungan. Tulad ng mga nakararaming kababaihan, siya ay isang ina, isang anak na

babae na pinagkaitan ng mahabang panahon ng kalayaan at magawa ang mga bagay

at kanyang mga obligasyon, na makapiling ang kanyang mga mahal sa buhay. At bilang
isang inihalal na lingkod-bayan ay may mga tungkulin din siyang tila bigla na lamang

nagtapos. Nakaranas din siya ng mga pangungutya mula sa kaniyang sarling

kasamahan sa trabaho, at sa mga taong hindi naniniwala na siya ay inosente.

Paano nga ba niya dinala ang lahat ng ito?

Nakakatakot lang isipin na ang isang kagaya ni De Lima, isang dating pinuno ng

Commission on Human Rights ng bansa at isang nahalal na senador, isang kilalang tao

sa lipunan, may kapangyarihan at kakayahan ay naging isang biktima rin ng kawalan ng

hustisya dito sa ating bansa.

Paano na lamang kaya yaong mga ordinaryong tao,walang kakayahan, walang

kapangyarihan? Huwag na tayong magtaka kung gaano karaming mga ordinaryong tao

ang nasa bilangguan din ngayon na naging biktima rin ng ganitong paraan at

nakalimutan na lamang. Na hindi na naipaglaban ang nararapat na hustisya para sa

kanila. Mga biktima na mga nasa taas na ginamit ang kanilang pera o kapangyarihan

upang mahatulan ng malisyosong o maling pag-uusig ang isang inosente.

You might also like