You are on page 1of 1

Sa mga mapanuring tagapakinig, isang makasaysayang araw sa ating lahat.

Ako po si Ameera
Yasmin B. Mohammad Sali, na naglalayong gamitin ang oportunidad na ito upang ipaabot sa
inyo ang aking talumpati "Korapsyon sa Pilipinas".

“Kung walang korapsyon, walang mahirap” Ito ang laging sinasambit ng ating mga kababayan.
Bagaman ang ilan sa atin ay may marangyang pamumuhay, marami pa rin ang hindi pinalad at
naghihirap sa ating lipunan. Ang mga mahihirap ay lalong naghihirap dahil marami ang
nalululong sa bisyo at droga at dahil hindi tumataas ang antas ng kanilang kamalayan,
nagpapadala sila sa mga pera ng mga tumatakbong opisyal tuwing eleksyon. Lahat naman tayo
naghahangad ng pagbabago. Minsan ba naitatanong ninyo sa inyong sarili kung bakit hindi
umuunlad ang Pilipinas? Kung saan napupunta ang mga salapi na ipinambabayad sa buwis?
Hindi natin maipagkakaila na kapag naririnig natin ang salitang “pulitika” at “gobyerno”,
pumapasok at pumapasok pa rin sa ating isipan ang salitang “korapsyon.” Isa sa karumal dumal
na sakit ng ating lipunan ang korapsyon at ito ang sistemang talamak sa ating pulitika. Kung
iisipin natin, ito ay matagal ng suliranin sa ating bansa, mula sa unang republika hanggang sa
kasalukuyan. Marami na ang nagdaang termino at marami na rin ang nag tangkang lutasin ang
sistemang ito ngunit ang tanging hangad na lamang ng pulitiko ngayon ay ang kayamanan at
kapangyarihan at hindi ang serbisyong bayan. Sa tingin ko, hindi lang dapat ang mga opisyal ng
pamahalaan ang dapat natin sisihin sa pagiging gahaman nila na makakuha ng mataas na
posisyon. Mayroon tayong tinatawag na demokrasya at dahil sa sistemang ito, may mga
karapatan tayo bilang indibidwal at may kapangyarihan tayong bumoto at pumili ng karapat
dapat na mamuno sa ating bansa ngunit hindi lahat tayo ay marunong bumotong tama at patas.
Karamihan sa ating mga kapwa Pilipino ang walang trabaho, mababa na rin ang kalidad ng
edukasyon lalo na sa mga pampublikong paaralan, Marami na rin ang nagpupunta sa ibang
bansa upang makahanap ng magandang trabaho at oportunidad at patuloy na rin ang pagtaas ng
demand at presyo ng mga bilihin. Ilan lamang yan sa epekto ng korapsyon sa ating bansa. Ang
korapsyon ay hindi panghabang buhay na isyu. Kaya naman bago ko tapusin ang aking
talumpati, hayaan niyo akong mag-iwan ng isang maikling kasabihan galing kay William
Gaddis “Power does not corrupt people, People corrupt power."/"Ang kapangyarihan ay hindi
naninira sa mga tao, ang mga tao ay naninira sa kapangyarihan". Ang pagsugpo sa korapsyon ay
hindi lamang nakasalalay sa ating gobyerno at pamahalaan. Lahat tayo ay may kakayahan at
karapatan na malutas ang suliraning ito dahil sa atin magmumula ang tadhana ng ating bayan.
Kung lahat tayo ay magtutulungan at kung ang bawat isa sa atin ay may disiplina sa ating mga
sarili, mawawala ang korapsyon at tuluyang uunlad ang Pilipinas. Simulan natin sa ating mga
sarili at tangkilikin natin ang sariling bayan dahil ayon nga kay gat Jose Rizal, tayong mga
kabataan ang pag-asa ng ating bayan.

You might also like