You are on page 1of 2

Kahalagahan

Ang talumpati ni Pangulong Duterte ay nag-iwan

Pinupinto

Sa unang bahagi ng kanyang talumpati matapos batiin ang bawat miyembro ng gabinete at iba pang
matataas na opisyal ay pinunto ng Pangulong Duterte na higit sa ano pa man ang pamahalaaan ay hindi
makakatayong mag-isa. Kinakailangan ang kooperasyon ng mga mamamayan kung kaya’t bago ang lahat
kailangang pakinggan ang hinanaing ng mga mamamayan at mas higit na pagtibayin ang kanilang
paniniwala sa mga iniluklok nilang mga pinuno.

Ikalawang bahagi.

Sa ikalawang bahagi ng pananalita o talumpati ng Pangulong Duterte kanya naming inilahad ang mga
sakit o suliraning kinakaharap ng ating lipunan na matagal ng hinahanapan ng agarang solusyon.
Kabilang na ang korapsyon sa pamahalaan, kriminalidad sa lansangan at laganap na bentahan ng mga
ipinagbabawal na gamot, kawalan ng paggalang sa batas at kaayusan. Gayun din ay ipinunto niya na ang
pagkawala ng tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan ang tunay na dapat na harapin.

Sa ikalong bahagi ng talumpati ni Pangulong Duterte inilahad niya na may mga taong hindi sumasang-
ayon sa kanyang mga pamamaraan sa paglutas ng mga suliranin, sinabi na ito raw ay hilis na sa katwiran
at nasa bingit ng ireegularidad. Ngunit, ayon sa kanya, nakita niya kung paaanong winawasak ng
kriminalidads ang buhay ng mga tao at paanong pagwatak-watakin ng ipinagbabawal na gamot ang mga
pamilya. Binanggit din niya na “Gawin ninyo ang inyong trabaho at gagawin ko ang trabahao ko, tunay
na pagbabago, ditto patungo an gating gobyerno.” Dagdag pa niya higit sa ano pa man ang pagpigil sa
personal na interes ay sadyang nararapat para sa kapakanan ng mga maralita.

Sa ikaapat na bahagi, isinalaysay ng Pangulong Duterte ang mga pananalita ng dalawang


pinagpipitangang na ani niya ay siyang pundasyon ng kanyang administrasyon. Ang una ay ang kay
Franklin Roosevelt “ Ang pagsuklat sa gobyerno ay hindi kung nakapag-ambag tayo sa kasaganahan ng
mga mamamayan; ang sukatan ay kung natulungan natin ang mga naghihikahos. Ang ikalawa ay ang kay
Abraham Lincoln “ Hindi mo mapapalakas ang mahina sa pamamagitan ng pagpapahina sa malalakas;
hindi mo matutulungan ang mahirap sa pamamagitan ng pagsira sa kalooban ng mayayaman; hindi mo
matutulungan ang sumasahod sa pamamagitan ng paghihila pababa sa nagpapasahod; hindi mo
maitataguyod ang kapatiran sa pamamagitan ng pagpukaw ng pagkamuhi sa mga uri sa lipunan”
Sa ikalima ay inatasan at hinamon ng Pangulong Duterte ang bawat kawani ng pamahalaan na gawin ang
lahat ng makabubuti para sa mamamayan, ang tranparensi sa lahat ng mga proyekto at ang pagbibitaw
niya ng pangko sa mga OFWs na kasunduan sa pagitan ng ibang bansa.

Sa ikaanim at huling bahagi ng kanyang talumpati ay mariin niyang ipinunto na hindi siya iniluklok sa
puwesto upang pagsilbihan ang interes ng iilan, nabanggit din niya na “Wala akong kaibigang
pagsisilbihan, wala akong kaaway na sasaktan”. Hiniling rin ng Pangulong Duterte na samahan siya ng
bawat Pilipino sa krusada para sa mabuti at maliwanang na kinabukasan. Ang kanyang talumpati ay
nagtapos sa pahayag na “Bakit ako narito? Narito dahil mahal ko ang aking bansa at mahal ko ang mga
mamamayan ng Pilipinas. Narito ako. Bakit? Dahil handa na akong simulant ang paglilingkod sa bansa.

Impact o epekto

Uri ng mga salitang ginamit?

You might also like