You are on page 1of 8

KATUTURAN NG LIPUNAN

ANO NGA BA ANG LIPUNAN?


LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang LIPUNAN ay tumutukoy sa mga taong sama-
samang naninirahan sa isang organisadong
komunidad na may iisang batas, tradisyon, at
pagpapahalaga.
KAHULUGAN NG LIPUNAN BATAY SA MGA DALUBHASA:
EMILE DURKHEIM- Ito ay isang
buhay na organismo kung saan
nagaganap ang mga pangyayari at
gawain. Ito ay patuloy na kumikilos
at nagbabago. Binubuo ang lipunan
ng magkakaiba subalit
magkakaugnay na pangkat at
institusyon. Ang maayos na lipunan
ay makakamit kung ang bawat
pangkat at institusyon ay
gagampanan nang maayos ang
kanilang tungkulin.
Ito ay kakikitaan ng tunggalian ng
kapangyarihan. Ito ay nabubuo
dahil sa pag-aagawan ng mga tao
sa limitadong
pinagkukunangyaman upang
matugunan ang kanilang
pangangailangan. Sa tunggalian
na ito, nagiging makapangyarihan
ang pangkat na kumokontrol sa
produksyon. Bunga nito,
nagkakaroon ng magkakaiba at
hindi pantay na antas ng tao sa
lipunan na nakabatay sa yaman
at kapangyarihan.
Ito ay binubuo ng tao na may
magkakawing na ugnayan at
tungkulin. Nauunawaan at higit
na nakikilala ng tao ang
kaniyang sarili sa pamamagitan
ng pakikisalamuha sa iba pang
miyembro ng lipunan.
Makakamit ang kaayusang
panlipunan sa pamamagitan ng
maayos na interaksiyon ng mga
mamamayan.
KUNG ATING PAGSUSUMAHIN ANG LIPUNAN AY:

1. MGA TAONG SAMA-SAMANG NANINIRAHAN


2. ORGANISADONG KOMUNIDAD
3. MAY IISANG BATAS, TRADISYON AT PAGPAPAHALAGA
4. PANGKAT AT INSTITUSYON
5. MAY PAGTUTUNGGALIAN DAHIL SA LIMITADONG
PINAGKUKUNANG YAMAN
6. MAY PAGKAKAISA PARA SA MAAYOS NA
PAMUMUHAY
1. ANO ANG KAHULUGAN NG LIPUNAN PARA SA IYO?

2. SA KASALUKUYANG PANGYAYARI DAHIL SA COVID 19, PAANO KA MAGING


MABUTING MAMAMAYAN SA IYONG LIPUNAN?

You might also like