Professional Documents
Culture Documents
Itaas mo ito sapagkat ito ang ninuno ng mga daan taong nagdaan. Pagpugayan mo ito sapagkat
ito ang bandila ng matatapang na mga anak nina Rajah Suliman at Tandang Sora. Yakapin mo ito sa
iyong dibdib sapagkat ito ang pinagpipitagang kulay ng ating minumutyang Pilipinas. Ilagay mo ito sa
iyong puso sapagkat ito ang tanda ng ating mga kapatid na yumao dahil sa ating bayan. Mahalin mo ito
sapagkat ito ang mahalagang pamana ng ating lahi na lalaging sasaatin sa pabagu-bagong takbo ng ating
buhay. Luwalhatiin mo ito sapagkat ito ang buhay na katauhan ng ispiritu ng ating lupang tinubuan.
Igalang mo ito sapagkat ito ang bandilang ibinalot sa nagdurugo at nagkalasug-lasog na katawan ng ating
mga kawal na namatay. Idalangin mo ito at ialay sa Diyos sapagkat ito ang bunga ng mga sakripisyo ng
ating mga namayapang mga bayani, at ipagkatiwala mo ito sa Makapangyarihang Diyos at sa katarungan
ng tao upang ito ay mapangalagaan para sa anak at anak ng mga anak mo na luwalhatiin at lalo pang
pakabanalin, nang sa ganon, ang mga namatay para sa ating watawat ay hindi namatay nang walang
kabuluhan.
PAGSASALITA NG WATAWAT