You are on page 1of 10

ANG MABUBUTING DULOT NG

EDUKASYONG AMERIKANO SA
MGA PILIPINO
Nagkaroon ng magandang bunga ang pag babago ng edukasyon sa
panahon ng Amerikano at isa na rito ang pag taas ng literacy.

 Literacy tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na bumasa at sumulat ng


iasng payak na mensahe.Bago dumating ang mag Amerikano ang antas ng
literacy ay hindi aabot sa sampunng pursiyento.
 Subalit bago mag tapos ang panahon ng mga Amerikano umabot na ito sa antas na
65%.

 Dahil sa pagtaas nito dumami ang mga pampublikong paaralan


at programang edukasyon para sa nakakatanda na isinagawa ng
University of the Philippines
Iba pang mga pagbabago sa edukasyon noong
panahon ng amerikano
 Pagkakaroon ng mga pensiyonado o mga mag-aaral na ipinadadala ng
pamahalaan sa US upang doon mag-aral

 Taong 1903 ,104 na matatalino na Pilipino ang naging pensyionado at


pagkatapos mag-aral ,sila ay bumalik sa Pilipinas upang magbigay
serbisyio sa pamahalaan
 Isa sa mga tanyag na Pilipinong pensiyonado ay si Jose Abad Santos, ang
punong mahistrado ng Korte Suprema nang sumiklab ang ikalawang digmaang
pang daigdig.
 Dahil sa maraming Pilipino ang nakapag aral sa US dumami ang nagkaroon ng
kakayahan sumulat sa wikang Ingles isa sa manunulat na bantog sa pag sulat sa
Ingles ay si Carlos P. Romulo siya ay naging heneral ng United States
Armed Forces in the Far
East (USAFFE) at naging Pilipinong komisyonado sa US.
 Dahil sa pag babago ng edukasyon , umunlad ang sining at
pamamahayag.
 Ang Pilipinas ang pinaka malayang bansa sa larangan ng
pamamahayag noon.
Mga pahayagang inilathala noong panahon ng
amerikano
 The American Soldier at The Manila Times (1898)
 Manila Daily Bulletin (1900)
 Cable News (1902)
 Philippine Free Independent (1915)
 Philippine Herald (1920)
 The Tribune (1925)
Tanyag na mga pintor noong panahon ng
amerikano
Fernando Amorsolo
Victorio Edades
Fabian dela Rosa
Sa kanilang mga obra maestra ay binigyang buhay nila ang tanawing
bukid, mga dakilang bayani ng bansa, at ang mga buhay ng karaniwang
mamamayan.
Ang relihiyon sa pagdating ng mga amerikano

Ang relihiyon ay isa sa pinakamahalagang asignatura sa paaralan noong


panahon ng mga Espanyol. Subalit sa pagdating ng mga Amerikano,hindi na
ito itinuro sa mga paaralan. Ayon sa kanila, ang bawat indibidwal ay dapat
bigyan ng Kalayaan sa pagpili ng relihiyon o doktrina na dapat paniwalaan.
Sa larangan ng espirituwalidad, ang pinakamahalagang bagay ay ang
pananampalataya at hindi ang relihiyon.
Relihiyong dinala ng mga amerikano sa
pilipinas
o Presbyterian
o Baptist
o Disciples of Christ
o Seventh Day Adventist
o Methodist Episcopalian
 Katulad ng mga Katoliko, ang mga Protestante ay naniniwala rin kay Jesus
subalit ang kanilang doktrina ay lubahang kakaiba.

 Naniniwala silang ang kaligtasan ng tao ay nakasalalay sa kanyang sariling


pananalig at pananampalataya kay Kristo, hindi sa ibat-ibang ritwal na
ginagawa sa simbahan.

 Hindi naging malawak ang pagtanggap ng mga Pilipino sa Protestantismo sa


kadahilanang malalim na pagkakaugat ng Katolisismo sa kanila.

You might also like