You are on page 1of 2

Tan Sid Damien LAO FILPLAR

ABM-12C Replektibong Sanaysay

Ang landas ng bukas

Bakit tayo lumalaban? Ano ba ang ating pinaglalaban? Para saan ba tayo lumalaban? Ito
ang mga tanong na dapat nating iniisip sa panahon ng eleksyon. Bakit? Ang mananalo sa election
ang gagawa ng landas sa mga susunod na mangyayari sa ating bansa at bayan. Sila ang
magaayos nang ating mga batas at relasyon sa mga ibang bansa. Dapat qualifikado ang mga tao
dahil hindi biro ang pagiging presidente nang Pilipinas. Ano ba dapat ang hinahanap sa ating
susunod na presidente? Marami, pero para saakin dapat siya ay may edukasyon at kakayahan
magdecisyon nang mabilis at malinaw. Hindi maganda ang presidente na hindi sumusunod sa
oras at walang systema. Tinatanong ko rin anong klaseng presidente ang kailangan ngayon.
Kailangan ba na mas liberal? O mas istrikto? Ito ay kaunti lamang sa mga qualidad na dapat
hanapin pero para saakin ito ang mga importante.

Ngayon, simulhan natin ang mga problema. Nuong 1972 Si Ferdinand E Marcos ay
nagdeklara nang batas militar. Karumal-dumal ang mga nangyari at maraming nasaktan. Ngayon,
mayroong tayong parehas na problema. Ang demokrasya ay nanganganib at hindi seguridad
ngayon. Ang anak nang isang diktador ay pinayagan tumakbo bilang presidente at siya ay
nanalo. Ano ang ibig sabihin nito? Sa totoo lang, hindi naman porket diktador ang tatay diktador
na din ang anak. Pero hindi iyon ang problema. Ang problema ay bakit ang isang may kaso sa
batas at problema sa Ustados Unidos ay pwede tumakbo bilang presidente? Sa susunood na
halalan o eleksyon? Irerespeto pa ba nang mga tao ang mga batas na nagsasabi na pwede kang
tumkabo o hindi? Minsan tinatanong ko sa sarili ko na ano na ba talaga ang batas? Isa na la bang
itong pangako na hindi itutupad?

Si Marcos Jr o Bong Bong Marcos ay nakakahanga sa totoo lang, Nakakahanga siya sa


maling paraan dahil nalinis nya ang kanyang pangalan sa mga 31M na filipino na bumuto sa
kanya. Hindi it madali pero isa tong resulto nang kakulangan sa edukasyon. Maraming
propaganda at pagsisingungaling ang ginawa nang kanyang kampanya at kinagat naman ito nang
mga tao. Hindi ko sila masisi dahil hindi nila nakuha ang opportunidad na magaral katulad ko.
Minsan iniisp ko na ang edukasyon ay sadya nilang hindi pinapaunlad. Dahil, ang may
edukasyon na tao ay kinakatakutan nang isang korakot na gobyerno. Edukasyon lamang ang
makakaligtas saatin at may responsibilidad tayo na gamitin ito sa tama. Hindi dapat tayo
tumutulong sa pagkalat nang fake news at dapat turuan natin ang mga tao ng kritikal na pagiisip.

Ang isang rason pa kung bakit Si Marcos ay nanalo ay para saakin, hindi maganda ang
kampanya ni Leni Robredo. Ito ay sariling politikal opinion lamang at ispekulasyon. Supportado
ko si robredo nungit minsan kapag narinig ko ang kanyang mga kritisismo at pagsasalita parang
naninira siya nang tao. Sangayan ako na ang pag-sasabi nang totoo ay hindi paninira. Ngunit,
kailangan natin tignan ang ating mga target audience. Ang ating target audience ay suseptibo sa
pagsisingungalin at kapag iniharap mo ang katotohanan sa kanila sila ay lalong maiinis.
Tinatawag ito na the backfire effect. Alam ito ni Mr Marcos kaya ito ay isang rason kung bakit
hindi siya umaatand sa mga debate. Wala na siyang kailangan sagutin o sirain dahil delikado pa
siya kapag sumama siya sa mga debate. Mejo toxic din ang mga ibang supporters sa internet at
nagsimula it nang hat isa mga pamilya at kaibigan. Hindi ko ito nagustuhan ngayon eleksyon at
ako ay nasaktan sa aking nakita. Sabi ng ni Sun Tzu sa Art of War “kapag alam mo ang iyong
kalaban at alam mo ang iyong sarili, hindi ka magdududa o matatakot sa iyong susunod na
laban” Sa laban na ito, malungkut sabihin pero si Marcos ang mas veterano sa politika at
pangngangampanya. Halos limampung taon na propaganda at misinformasyon ang ating
naranasan. Mahirap ito ayusin at responibilidad ito nang henersayon natin upang turuan ang
susunod nang tama.

Mapait ang pagtalo ni Leni Robredo pero, kailngan natin tangapin dahil nagsalita na ang
majoridad ng tao sa pilipinas. Kapag tinangihan natin ito, tinatangihan natin ang bosses nang
31M na Pilipino. Subalit tayo ay may bosses din, mas malakas sa kanila. Para saakin, dapat natin
supportahan ang bagong presidente. Dahil, ang pag-tangi at hindi pag supporta ay hindi
produktibo. Para sa bayan, habang maayos naman ang Gawain ni Mr Marcos supportahahan
natin siya upang tayo ay umunlad din. Pero dapat tayo ay magingat at hindi kalimutan ang
nangyari nuong batas military. Tangapin natin ang pagkatalo ni Leni pero huwag natin tulugan
ang bagong presidente. Supportahan natin ito pero huwag din natin hayaan na abusuhin tayo.
Iyan ang angkop na dapat gawin para saakin. Ito ay ang aking politikal opinion lamang at hindi
ako nais kumampi kahit kanino. Pero nais ko lamang umunlad ang pilipinas dahil mahal ko ang
aking bansa.

You might also like