You are on page 1of 1

Korupsyon

Inihanda ni: Paula Angela Maria S. Soriano


Sa panahon ngayon, hindi na natin alam kung ano at sino ang paniniwalaan
Pati ang Politiko na dapat gumagabay satin patungo sa tuwid na daan, ay isa na sa
mga dahilan kung bakit naghihirap ang mga tao. Paano natin nasabi na sila ang dahilan
kung bakit naghihirap ang mga tao? Bakit nga ba nila ito ginagawa? May magagawa
kaya na solusyon sa problema na ginagawa ng mga politiko? Sila ba ang dapat na
tawaging Lider?
Ang politiko ang nasasabing nangungunang dahilan kung bakit naghihirap ang
mga tao sa Pilipinas, dahil ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan sa masamang
bagay.. Tulad nalang ng pangungurakot. Walang kamalay-malay ang mga tao na sila ay
naloloko na pala ng politiko, na inaasahang mag-aahon satin sa kahirapan. Ginagawa
nila ito ng hindi nagdadalawang isip, ginagawa nila ito ng hindi tayo naiisip at ginagawa
nila ito para sa kanilang ikaliligaya lamang. Para sa akin ang naiisip kong magiging
solusyon para sa korupsyon ay dapat tayong mga tao ay hindi dapat pumapayag na
magpasuhol o magpabayad para lamang sa iisang boto, sa botong iyon dito
nakasalalay ang magiging kinabukasan nating mga Pilipino. Ang mga kurakot na
politiko ay hindi dapat tinatawag na lider dahil ang tunay na lider ang gagawin lahat
para sa ikabubuti ng ating bayan at ang tunay na lider ay hinding hindi magnanakaw sa
kaban ng bayan.
Ang korupsyon ay isang karaniwang gawain ng mga politiko, ito ay para sa
kanilang ikabubuti lamang.. Ang mga taong-bayan ay dapat magtulong-tulong para
maiwasan ang korupsyon. Ang tunay na lider ay hinding hindi magnanakaw sa kaban
ng bayan.

You might also like