You are on page 1of 1

Kontra – Gahum

Katungkulan, Botante, mga kandidato, at higit sa lahat ang boto o “vote”, Kung ang larawan ay iyong unawain
nagpapakita ito paano ang mga tatakbo para katungkulan ay gagawin lahat upang makuha ang puso ng isang
mamamayan (botante). Sa panahon ng botohan magsisilabasan ang mga nagnanais tumakbo at sila’y
nagpaparamdam sa pagbibigay ng kung ano-anu na magiging sang – ayon sa kanila ang mga tao. Hanggang
wala pa sa mga kandidato ang katungkulan nasa botante pa rin ang kapangyarihan. Hawak ng botante ang
magiging resulta kaya’t ang mga nagnanais umupo sa pwesto ay gagawin ang lahat upang sumang-ayon sa
kanila ang mga tao at sila’y mahalal. Hindi ma-itatangi na nasa tao pa rin ang kapangyarihan kung sino ihahalal
ngunit kapag naka-upo na ang ibang kandidato ay mahirap na itong abutin.
Nasa kamay nating mga Pilipino ang kapangyarihan patungo sa ating magandang kinabukasan. Mga salita’y
wag masyadong pansinin, ang dapat pagtuunan ng pansin ang laman ng puso’t isip ng mga gustong mamuno.
Huwag magpakasilaw sa mga ngiting nag-niningning, sapagkat hindi natin alam kung ano kakalabasan ng
matatamis na ngiti nito. Isang papel na may nakasulat na mga pangalan, at panulat na gagamitin upang isang
bilog ay kulayan. Tandaan nating mga Pilipino nasa kamay natin ang kapangyarihan kung sino ihahalal, kaya
sino man ang mananalo ay walng sisihan.

You might also like