You are on page 1of 2

GAMITIN ANG TALINO SA PAGBOTO

Ang halalang pampanguluhan sa ating bansa ay magaganap sa araw na Mayo 09 ,


2022. Ito ang magiging ika-17 na halalan sa pagpapangulo sa Pilipinas mula pa noong
1935. Sa ating kasaysayan, ang pagboto sa halalan ay isang karapatang ating
ipinaglaban ng matagal na panahon kaya mahalaga na ating piliin ang karapat dapat na
maging lider ng ating sariling bayan. Ito ang pagkakataon upang iparinig ang ating
boses at pagkakataon na gumawa ng hakbang para sa pagbabago na matagal nang
inaasam ng mga pilipino.

DEHINS na bago sa ating pandinig ang mga reklamo at hinaing ng ating kapwa
pilipino laban sa ating sariling pamahalaan. AWIT sa kalooban natin ang makita ang
ating mga kababayan na umiiyak at nanginginig sa gutom dahil sa patuloy na pagnakaw
ng mga sangay ng gobyerno sa mga kaban ng bayan. Ngunit kung ating iisipin , ang
pilipino din naman ang pumiling ihalal ang mga umupo at sa mga kasalukuyang
umuupo ngayon. Sa susunod na eleksyon , muli na namang maisasalalay ang
kinabukasan ng ating mga sarili , pamilya , mga pilipino at ang ating bansa sa ating mga
kamay. Ating hilingin na matupad na ang mga SANA ALL at matanggal na ang mga
CANCER sa gobyerno.

Ang lider ay dapat tumataglay ng kakayahan na pamunuhan ang ating bansa at


pakisamahan ang mga taong nasa ilalim ng kanyang pangangalaga. Dapat na taglayin
ng isang lider ang pagiging bukas ang puso at tainga sa mga sigaw ng mga
pinamumunuhan nito. Ating tandaan na maging PETMALU sa pagboto sa tamang
kandidato upang hindi ma DEADMA ang mga hinaing ng mga sambayanang pilipino.
Matuto tayong timingin sa substantibong aspeto ng bawat kandidato . Iwasang bumatay
sa kasikatan at maging marunong tumingin sa kanilang potensyal na WERPA upang
mas lalong mapaunlad ang ating bansa. Huwag magpadala sa mga kaPLASTIKan na
pangako at buksan ang mata para sa totoong LODS at bayani.

Upang mahangad din ang ating mga pangarap para sa bayan , kinakailangan na
maging tapat sa paghalal ang mga nakarehistro na pilipino. Kung gusto mo ng
pagbabago , simulan mo sa responsableng pagboto. Kung ipinagbili mo ang iyong
boto , ipinagkanulo mo na rin ang iyong bayan. Huwag masilaw sa pera na nanggaling
din naman sa pagpala ng ginto ng bayan. Laging tandaan ang ating layunin kung bakit
may nagaganap na halalan. Ito ay upang maging isa ang mga pilipino. Maging matalin
sa pagboto at maging tapat na kandidato upang maiwasan na magkaroon ng OBOB na
gobyerno.

MGA PAGKAKAGAMIT MULA SA AKING SULATIN

DEHINS = Hindi

AWIT = Sakit / ekspresyon na naglalahad ng lungkot

SANA ALL = Sana lahat / Madalas ginagamit kapag tumutukoy sa bagay na kamangha
mangha .

CANCER = Ito ay tumutukoy sa mga mahihina at virus sa isang grupo

PETMALU = Malupit

DEADMA = Hindi pagbigay ng pansin

WERPA = Power

PLASTIK = Hindi totoo

LODS = Idolo

OBOB = Walang Alam / mangmang

You might also like