You are on page 1of 1

Francis Eric Angulo

BSCRIM-2E
PUMILI NG TAMANG PINUNO

Halos uhaw na tayong magkaroon ng lider na Tunay na may malasakit sa atin at magiging
tagapagligtas ng ating bansa at ang mag pupunan ng kakulangan at pangangailangan ng
pamahalaan at mga mamamayan at ang gagamot sa matagal na lumalalang kahirapan ng ating
bansa
Sa pagdaan ng mga araw papalapit na pinakahihintay na halalan 2022 at kahit ako sa sarili
ko ay nasasabik na rin akong mag marka ng balota at pumili ng tamang kandidato sa pagka
pinuno at ang kapalit nito ay ang simula ng pagbabago ng lumang administration. Kaya naman
hindi mawawala sa ganitong klaseng aktibidad ang pandaraya katulad ng pagbili ng boto at iba
pa. Ang pangunahing tao lang naman mga kandidato at mga mamamayan mismo, hindi naman
natin masisisi ang karamihan o ang ilan na mapilitang tanggapin ang mga inaalok na bayad ng
isang mayamang kandidato para lang sila’y iboto. At isa sila sa mga milyong-milyong mahihirap
na may matinding pangangailangan sa katayuang pinansiyal. Halos naglilipana ang mga
kandidato kung saan saan para lang mahingi ang puso ng mga mamamayan at sila ay may mga
magagandang minsaheng gustong iparating para sila ay maihalal sa pwesto. Ganyan ang tunay
nilang kulay at gagawin ang lahat sa una at aasa na naman ang mga tao sa kanilang mga
pangako.
Kung hanggang pangarap lang ang taong bayan, walang mangyayaring maganda sa
hinaharap ng ating bayan. Tayo ang dapat kumilos at nasa ating mga palad nakasalalay ang
kinabukasan nnitong bayang Pilipinas. Kaya naman… pilitin nating magsumikap at abutin Ang
mga pangarap natin sa buhay, dahil ang kahirapan ay isa lamang pagsubok sa buhay ng isang tao
at madali mo lang itong malalagpasan kung buo ang tiwala mo sa sarili mo
“At laging tandaan huwag ipagbili ang boto mo”

You might also like