You are on page 1of 1

HALALAN 2022

Halalan ang tawag sa pagpili ng mga tao kung sino ang maluluklok sa mga matataas na posisyon sa
gobyerno. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagboto. Sadyang napakahalaga ng halalan sa isang
demokratikong bansa. Dito makikita kung sino ang pinapaboran ng mas nakakarami. Ito rin ay
masasabing simbolo ng pagkakaisa, pagsasama-sama at pakikipaglaban sa karapatan, ang karpatang
bomoto.

Sa HALALAN 2022, naging matunog ang mga pangalan ng mga kandidato sa pagkapangulo. Ayon sa mga
isinagawang sarbey ng mga iba’t-ibang mga grupo, nangunguna dito si Bongbong Marcos, pangalawa si
Leni Robredo, pangatlo si Isko Moreno, at sinundan nina Ping Lacson at Manny Pacquiao. Ang halalan
2022 ay isang napakakontrobersiyal na halalan sapagkat ang mga kalahok na si Bongbong Marcos at
Leni Robredo ay minsan ng naging magkatunggali sa posisyon ng pagkabise-presidente kung saan nanalo
si Leni Robredo noong halalan 2016.

Sa darating na halalan, maraming tao ang nag-aaway –away dahil sa pagkakaiba ng kanilang mga
kagustuhan kung sino ang nararapat na maupo sa pwesto. Naging talamak ang paglaganap ng mga
maling impormasyon, pabor man o hindi pabor sa mga kalahok. Naging aktibo ang mga kabataan sa
pagpost at pagshare ng kanilang saloobin hinggil sa mga kandidato sa kanilang tiktok, twitter, at
facebook account.

Ano nga ba ang kahalagahan ng halalan? Ang halalan ay isinasagawa upang ang mga mamamayan ay
malayang makapamili ng karapat-dapat na maging kawani ng gobyerno. Ang halalan ay pagkakataon
upang mabago ang mga bagay na dapat baguhin sa ating bansa. Ang halalan ay simbolo ng bagong pag-
asa. Tayo ay dapat maging masaya sapagkat darating na naman ang pagkakataon na mabibigyan natin
ng pagkakataon ang bansang pilipinas na maging mas maunlad. Nasa ating mga kamay ang sagot sa mga
suliranin ng ating bansa.

Sa mga kabataang katulad ko, ang pakikipag-away ay nagpapakita ng kahinaan, tandaan natin na tayong
mga kabataan ang pag-asa ng bayan. Matuto tayong magsaliksik, magpalagnap ng katotohanan at
manindigan tungo sa ikakaunlad ng ating bayan. Sa halalan 2022, ating ipamalas ang kabutihang-asal sa
kapwa natin upang magkaroon ng pagkakaisa at mapagtagumpayan ang minimithi ng bawat isa. Ang
kasaganahan at kaunlaran sa halalan 2022.

You might also like