Professional Documents
Culture Documents
BEED IA
Sagupaan ng mga Partido; Isinisiwalat ang mga Pangako; Mga minamahal kong
Kapatid, Kapamilya, at Kapuso; Kanino mo ilalaan ang iyong boto?
Ang pamumuno ay hindi lamang kapangyarihan at karangalan, kundi isa itong tungkulin
at pananagutan sa bawat taong sakop ng kanyang pinamumunuan. Walang sinuman ang
makapagsasabi kung sino ang karapat-dapat na maging pinuno, tama ba? Gayunpaman, tayo
ay binibigyan ng pagkakataon upang pumili ng taong sa tingin natin ay kaya tayong pamunuan
at pagsilbihan.
Anim na taon ang bibilangin, anim na taong maninilbihan, mga suliranin sa ating
sambayanan, sana nga magkaroon na ng kalutasan. Sana nga lang hindi puro pangakong
kalauna’y napapako. Pangako, pitong letra lamang iyan pero marami na ang nasasaktan sa
salitang iyan, kung kaya’t masakit ang mabigo. Tunay na masarap pakinggan ang mga
matatamis na pangako ng isang tao. Maging ito’y mula sa isang pulitiko, sa isang manliligaw at
sa kahit na sinong tao. Ang pangako nga ay kay daling sabihin datapuwat, ito rin ay madaling
wasakin. Totoo nga, minsan ang pangako ay nagagawa nating sirain. Ito ay marahil hindi natin
ito natupad o hindi kaya’y hindi natin sinubukang tuparin. Hindi naman masama ang mangako,
huwag lamang po sanang mapapako. At sadyang makapal na ang mukha ng taong di
marunong tumupad sa kanyang pangako.
Pagkatapos ng eleksiyon isa lamang ang hinihiling ko. Nawa ang magkapalad na
magwagi sa puwesto ay ang taong may pananampalataya sa ating Poong Maykapal at hindi
iyong mga nangagaral ng salita ng Diyos. Isa lang ang maimumungkahi ko, maging dilat nawa
tayo sa katotohanan. Huwag sana tayong pumili ng buwayang lubog na kahalintulad ng
nakaupo ngayon sa mataas na posisyon ng ating bansa. Pumili ng kandidatong sapat ang
kaalaman, at handang labanan ang katiwalian. Tandaan natin, hindi natutumbasan ng kahit
anong materyal na bagay ang pagmamahal, respeto at tiwala. Ipanalo ang pamilyang Pilipino.
Dapat Tama!