You are on page 1of 2

Bilang isang kabataan at mamamayang Pilipino nahiligan kang magbahagi ng kaalaman upang lalong

mapalawig ang partipasyon at tuluyang makahimok ang kapwa kabataan sa paglaban ng korapsyon.

Isang mapagpalang araw po sa ating lahat, Hayaan niyo po akong ipahayag ang aking kaalaman tungkol
sa Korapsiyon sa ating bansa.

Ang Pilipinas ay dumaranas ng talamak at malawakang korapsyon sa pamahalaan. Kabilang sa mga


paraan ng korapsyon sa Pilipinas ang graft, panunuhol, paglustay at pagnanakaw sa kaban ng bayan at
mga kasunduan sa likurang pintuan. Ang mga katiwalian sa pamamagitan ng korapsyon ng mga
nanunungkulan sa bansa ay may malaking negatibong epekto sa ating ekonomiya at lipunan na maari
maihalintulad sa isang tahanan halimbawa kung ipinansusugal lamang ng nanay ang perang ibinigay ng
tatay pambili sana ng bigas at ulam, anong mangyayari sa sambahayan? Tiyak magugutom ang mga
anak, magkakasakit at maaring hindi makakapagtapos ng pag-aaral. Alam niyo ba na ang halimbawang
ito ay hindi lamang nangyayari sa loob ng tahanan bagkus ito ang pinakamalaking suliranin ng ating
bansa sa pamahalaan. Ang kawalan ng kalinisan, integridad at katapatan ng mga taong nanunungkulan
sa ating bayan. Sa madaling salita ang nangyayaring korapsyon sa loob ng pamahalaan

Batay sa ilang survey ang Asian Development Bank sa Asya ay nagsasabi na ang korupsyon ay isa sa mga
salik na humaharang sa pagunlad ng economiya ng bansa at ang Pilipinas ay nasa rank 101 sa 175 na
bansa sa Corruption Perception Index (CPI) noong 2016 at rank 115 sa taong 2020. Ang suliraning ito ang
ugat kung bakit hindi umuunlad ang ating bansa at mataas ang porsyento ng mga Pilipinong mahihirap
dahilan kung bakit tayo ay nabibilang sa third wolrd countries. Ngayon paano natin ito
masusulusyunan? Bilang mga kabataan anong magagawa natin upang wakasan ang korapsyon ng ating
bayan?

ayon pa nga kay Gat Jose Rizal tayong mga kabataaan ang pag asa ng bayan sapagkat tayo ang susunod
na uupong lider na mamamahala at magtataguyod ng ating bansa kung kaya naman tayong mga
kabataan ay dapat na mamulat sa tama, wasto at may integridad sa tungkuling ginagampanan at
gagampanan sa bayan. Maari natin itong simulan sa pagiging isang responsibling mga botante na kung
saan matalino nating pipiliin ang karapatdapat na ihalal sa pwesto upang maglingkod sa bayan. Hindi
lingid sa ating kaalaman ang maruming halalan sa Pilipinas na inamin mismo ng Commision on Election
(Comelec) kung kaya naman noong 2006 isinulong ng Comelec ang Value- Information Campaign upang
masiguro na walang mangyayaring dayaan subalit nakakalungkot ring isipin na maraming mga botante
ang hindi nakauunawa sa kahalagahan ng kanilang boto kung kaya’t ang ilan ay pinagbibili ito.

Sa katunayan, Daig pa ng eleksiyon ang pasko sa pamimigay ng pera upang makombinse ang mga tao na
iboto ang kand idatong nasa likod nito. Dahil sa maruming pamamaraang ito ng mga kandidato, sa
bawat eleksiyon nailagay na sa mga kaisipan ng ilan sa mga bomoboto ang perang katumbas sa kanilang
boto. Dahil dito hindi na nabibigyang halaga ang pagpili at pagboto sa mga kandidatong karapatdapat sa
posisyon, na nagreresulta nang pagkaloklok ng mga korap sa kaban ng bayan at nagbubunga ng
kahirapan, kakulangan ng budget para sa pampublikong kalusugan at maging sa edukasyon ng mga
kabataan.
Kung hindi tama ang pamamalakad ng mga magulang sa loob ng tahanan kung puro inuman at bisyo
lamang ang kanilang kinaaabalahan may mabuti pang patutunguhan ang kanilang pamilya? Katulad sa
ating gobyerno kung ang mga nanunungkulan sa bayan ay pansariling interes lamang ang kanilang iniisip
at mga hakbang, uunlad ba ang ating bayan?ang kasagutan ay Isang malaking Hindi ! Sino ang
magtutuwid ng kanilang maling landas, maling pamamahala at makasariling adhikain? Walang iba kundi
ang susunod na uupo sa kanilang mga tungkulin at iyon ay tayong mga kabataan. Kaya’t dapat na nating
ihanda ang ating mga sarili ngayon, dapat tayong maging responsible sa ating mga tungkulin kagaya na
lamang ng pag-aaral ng mabuti upang makagradwet, maging responsableng mga botante at lalo nating
pailabin ang ating pagmamahal sa bayan kaysa sa sarili.

Mga kapwa kabataan samasama nating Tuldukan ang Korapsiyon nga ating bayan .

You might also like