You are on page 1of 1

FIL INFOMERCIAL CONCEPT – IN CASE OF EMERGENCY/ AMBAG?

https://www.youtube.com/watch?v=FYorzlkCWYo – short vid


https://www.youtube.com/watch?v=DdsXSO0jY64 – money heist
https://www.youtube.com/watch?v=3Hbeork4iEw – anti-corruption campaign
https://www.youtube.com/watch?v=5b1XKyGF6zw – tagalog anti-corruption campaign
https://www.youtube.com/watch?v=0pfjlFJmja0 – anti-corruption animation

KORAPSYON SA AHENSYA NG GOBYERNO


- Script?
Kahirapan, gutom, at problema sa kalusugan, bakit nga ba ito talamak sa ating
bayan? Idagdag mo pa ang mataas na bilang ng krimen, kakulangan sa trabaho,
mababang kalidad ng edukasyon. Bakit nga ba parang walang pag unlad sa bansa?
Korapsyon. Korapsyon ay ang pag abuso sa kapangyarihan para sa pansariling
pakinabang. Inaapektuhan nito ang ating kabuhayan, Karapatan, at kalusugan. Sinisira
nito ang ating demokratikong Kalayaan, batas at tiwala sa gobyerno, ninanakaw nito
ang ating oportunidad tungo sa mas maganda at maunlad na kinabukasan, isa itong
sakit na laganap sa ating lipunan.
Kada taon ay ilang bilyong piso ang nawawala mula sa kaban ng bayan, ang mga
ponding nagmula sa buwis ng taumbayan, pinaglaanan ng dugo, pawis, at oras, na
mapupunta lamang sa bulsa ng mga makapangyarihan sa halip na magamit ito upang
maibsan ang kahirapan, itaas ang kalidad ng edukasyon, kalidad ng pangangalagang
pangkalusugan, pagsugpo sa krimen, at pagsulong ng mga negosyo. Ang mayaman ay
patuloy na yumayaman at ang mahirap ay nananatiling mahirap, paano natin ito
malulutas? Paano natin mapapaunlad ang ating bansa kung ang mga hinahalal na
opisyal ay corrupt?
Ang kakulangan sa transparency at accountability sa bansa ang sanhi kung bakit
ang korapsyon ay walang katapusan. Ang graft, panunuhol, paglustay ng pera,
nepotismo at iba pa ang mga anyo ng korapsyon sa bansa. Maging matalino tayo sa
paghalal ng mga uupo sa pwesto. Wag magpadala sa mga matatamis na salita tuwing
kampanya, bagkus ay tignan ang mga naisagawang programa, ang mga kabutihang
naidulot sa bansa sa panahon ng kanyang pagseserbisyo. Isipin ang kapakanan ng
bansa sa loob ng mahabang panahon sa ilalim ng kanilang administrasyon. Higit sa
lahat, maging isang matapat na mamamayan sa lahat ng pagkakataon. Serbisyo
publiko man o hindi, ang pagkakaroon ng matuwid na moral ay isang pundasyon sa
magandang pamumuhay.

You might also like