You are on page 1of 18

PANANAW NG MGA KABATAAN SA BARANGAY

DAGAT-DAGATAN SA PAGLAGANAP NG
FAKE NEWS NAG DAANG ELEKSYON
TAONG 2021-2022

Isang Sulating Pananaliksik na Iniharap kay:


Bb.Mandap michelle Mandap
Guro sa pananaliksik
ng Navotas Polytechnic College

Bilang Bahagi ng Pagtupad


Sa
Pangangaylangan ng Asignaturang:
“Filipino sa Iba’t-ibang Diciplina”

Ipinasa nina:
Alazar ,Shairen
Ang, Jade Andrew
Arellano, Christian
KABANATA 1
PANIMULA

Sa nagdaang eleksyon 2021-2022, lumaganap ang fake news. Ang fake

news ay nakaaapekto sa lahat, sapagkat ang maling impormasyon na nalaman

ng isa ay maaari niyang ipasa sa iba. Ang fake news ay ipinapakalat ng mga

trolls sa social media upang mang hamak ng mga kandidato. Madaling ipakalat

ang fake news sa social media, lalo na`t halos ang lahat sa atin ay

nakakasabay na sa makabagong teknolohiya. Kung saan madaling nalilinlang

ang mga tao dahil sa mga clickbaits na links.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay para matuto ang mga tao na

siguraduhing mapagkakatiwalaan ang mga nagpapakalat ng mga

impormasyong kanilang nakakalap. Kami ay nagsagawa ng pagsisiyasat sa

mga kabataan ng barangay dagat dagatan upang malaman namin ang

kanilang pananaw sa fake news. Mahalagang masuri ng maigi kung lehitimo ba

o hindi ang kanilang nakakalap na impormasyon. Sapagkat ang maling

impormasyon ay maaaring makaapekto sa kahit na sino.

Paano nga ba natin maiiwasan ang paglaganap ng fake news? Mayroon

bang epektibong paraan upang ito ay maiwasan? Bakit may mga taong

madaling napapaniwala ng fake news? At ano nga ba ang naging pananaw ng

mga kabataan sa barangay dagat- dagatan tungkol sa paglaganap ng fake


news sa nagdaang eleksyon? Ang tinatawag na Fake News ay lumalaganap

kahit habang sa pagsusulat ng papel na ito. Kung lumalaki ang dami ng

nakakabasa at nagiging biktima ng Fake News.

Marahil ay marami rin ang hindi nakaaalam na malaki ang impluwensiya

nito sa lipunan. Mahalagang matukoy ang dulot na epekto ng ganito, at ng

mga pangyayaring kamakailan lamang ay naging laman ng Social Media,

kasama na si Mocha Uson at ang mga taga-suporta ng mga kandidato, mapa-

Duterte man o hindi. At sa pag-alam ng sanhi nito, malalaman rin ang

kalalabasan kapag nagpatuloy ang ganitong mga pangyayari sa mga susunod

na taon.

KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Ang tinatawag na fake news ay ang mga impormasyon na walang matibay na

basehan o gawa gawa lamang ng ibang tao. Kadalasan na nakikita ang mga ito sa

internet o social media. Lumalaganap ang mga fakenews sa Iba’t ibang plataporma

na meron ang internet. Maraming mga pekeng impormasyon ukol sa nagdaang

eleksyon ang kumalat. Maaaring gumagawa ng fakenews ang isang tao upang

sadyang manloko ng iba. Netong nagdaang eleksyon, gumagawa o kumakalat ang

mga fakenews upang siraan ang mga kandidato na hindi nila sinusuportahan.
Ano nga ba ang mga masasamang epekto ng pagkalat ng fake news?

Maraming mga tao sa social media na maaaring maniwala agad sa mga

impormasyon na nakikita nila sa Iba’t ibang plataporma ng internet. May mga

taong mabilis maniwala at hindi inaalam kung mapagkakatiwalaan ba ang mga

pinanggalingan ng mga impormasyon na nababasa nila. Maari nilang maipakalat sa

ibang tao at mas dumami pa ang mga naniniwala sa maling impormasyon. Tulad

na lamang ng mga fake news tungkol sa eleksyon, maaaring ang mga fake news

ay makaapekto sa pagsuporta nila sa mga kandidato.

Hindi tama ang pagkakalat ng mga fake news lalo na sa social media, dahil

mabilis at madaming makakakita sa impormasyon na iyong ipopost o ipapahayag.

Gamitin natin ang social media sa pagpapalaganap o pagkakalat ng mga

impormasyon na tama at totoo para sa ikabubuti ng lahat.Ang mga impormasyon

na ating nakikita sa social media ay hindi lahat ay totoo, matuto tayong alamin

kung mapagkakatiwalaan ba ang mga site na pinanggalingan ng isang

impormasyon. Kadalasan lamang na binibigyang pansin pagdating sa fake news ay

patungkol lamang sa kumakalat sa social media. Kaya sa pag aaral na ito, ang mga

manananaliksik ay tinuunan ng pansin ang fakews sa nagdaang eleksyon.


Maaaring makaapekto sa atin kung maniniwala tayo sa Isang impormasyon na

walang matibay na basehan.

BATAYAN KONSEPTWAL

Propayl ng mga
Respondente
Edad
Kasarian
Kelangan butante na

Pagsusuri batay sa:


Ang pagsusuri ay nakabatay
sa kasagutan sa mga survey,
questyuner na makakalap sa
mga responde

Fig. 1. Iskema ng Pag-aaral

Makikita sa Figure 1 ang batayang konseptual ng pag-aaral na ito’y

ginagamitan ng modelong Input-Process-Output. Inilalahad sa bahaging Input ang


paglalarawan ng mga tagatugon, tulad ng edad, kasarian, kelangan butante na. Sa

bahagi naman ng proseso ay tumutukoy sa mga gagawing hakbang ng mga

mananaliksik ukol sa pagkuha ng datos mula sa mga tagatugon, tulad ng

talatanungan at panayam. Sa bahaging Output naman isinasaklaw ang mga

implikasyon ng mga nalagap na datos, na marahil ay pupuna sa kung ano man ang

pananaw ng mga kabataan patungkol sa Fake News nong naganap ang eleksyon.

PAGLALAHAAD NG SULIRANIN

Ang Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay alamin ang Pananaw ng

mga kabataan Patungkol sa fake news sa nag-daang eleksyon 2021-2022 sa

Barangay Dagat-dagatan.

Sa Partikular, Ang and pag-aaral ay naglayong sagutin ang mga sumusunod

na katanungan:

1. Anong ang Propayl ng mga respondente ayon sa:

1.1. Edad

1.2. Kasarian

1.3. kelangan butante na

2. Ano ang mga paraan na pwedeng gawin upang maiwasan ang pagkalat

ng fake news sa mga dumaraang eleksyon ayon sa:

2.1 Connectivity

2.2 Social Media


2.3 Pag-sagap ng balita

2.4 Pag-gamit ng gadget

2.5 Paniniwala

3. Ano ang mga posibleng mangyari kapag mas kumalat ang mga fakenews

sa tuwing idinaraos ang eleksyon sa Barangay Dagat-dagatan?

4. Tinitiyak ba nila na lehitimo ang mga impormasyon na saklaw ang

eleksyon na kanilang nakukuha?

HAYPOTESIS

Ang mga pag-aaral na Nabanggit sa Pag-aaral na ito ang tinatalakay ang


pananaw patungkol sa Fake news sa nag daang elekyon 2021-2022, Karagdagan dito
tinatalakay ang mga nangyare sa Mga nag daang eleksyon na nag si labasan ang mga
Fake news na kung saan ay marami ang mga napaniwala sa dayaan na naganap
pandaraya katulad ng pagbili ng mga boto mula sa mga taong nangangailangan tulad
ng mga skwater,

Subalit marame ren ang tumatakbong may mga mabuting budhi na hindi na
kaylangan may benta ng boto o sa madaling nangdadaya marami ang mga naniniwala
lalo na ang mga senior sitizen na hindi marunong o gumamit ng mga gudget at mga
kabataan na baguhan palang sa pag boto ay madali pa silang maniwala sa Balita na
hindi naman makatutuhanan,

Malaking tulong ang social media lalo na sa panahong ngayun dahil ang
Social media ang pinaka ginagamit upang makalagap ng Impormasyon sa iba’t-Ibang
Bansa lalo na sa panahon ngayun na ang mga balita ay nakakalap sa Mga web site
tulad ng Facebook, Twitter, Google, tiktok at iba pang mga website na maaring gamitin
upang makakalap ng mga balita tungkol sa butohan lalo nga sa mga fake news na
kumakalat habang palapit ng palapit ang butohan para sa eleksyon.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Sa bahaging ito ay ipapakita ang mga tao na magiging benepisyo ng

pananaliksik na ito bukod pa rito ang mga mag-aaral.Ang mga sumusunod ay ang

iba pang makikinabang sa pag-aaral na ito:

Mga mamamayan, botante man o hindi- Ang kahalagahan nito ay ang

pagtutuwid ng pag-iisip ng mga bahagi ng lipunang kasama sa pagdedesisyon ng

pulitikal na estado ng Pilipino, tulad ng pagboboto at pagsusuporta sa mga

kandidatong tumatakbo para sa mga posisyon sa pamahalaan.

Mga kabataan – Sila ang makakakuha ng benepisyo sa pagaaral na ito. Sapagkat

mauunawaan nila ng lubusan ang mga bagay na nakapaloob sa fakenews.

Mga Mambabasa – Magkakaroon sila ng kaalam patungkol sa fakenews na

maaaring nilang magamit na batayan sa pagboto

Mga Magulang – Malalaman nila ang mga problema at ang mga suliranin na

kinahaharap tuwing eleksyon


SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang mga mahahalagang limitasyon ay kailangang isaalang-alang sa pag-aaral

na ito. Ang pag-aaral na ito ay nakatutok lamang sa 10 na respodente na kabataan

sa barangay dagat-dagatan Navotas city. Sa pamamagitan nito kinikilala ng pag-

aaral na Ito ang limitasyon sa pag-sasagawa sa isang maliit na pupulasyon na

gamit ang isang pamamaraan.

KAHULUGAN NG MGA TERMINOLOHIYA

Upang lubos na maunawaan ang mga terminolohiyang, ito ay binigyan

kahulugan ayon sa pagkakagamit sa pag-aaral:

Destabilisayon – Ito ay ang proseso ng paghina ng katatagan ng isang rehiyon o

sistema, lalo na sa pamahalaan.


Epekto – Ito ay ang magiging resulta o kalalabasan ng paggawa ng isang bagay

o desisyon.

Fake news – Ito ay ang mga bagay o impormasyon na walang matibay na

basehan o gawa gawa lamang ng isang tao.

Paglaganap – Ito ay isang pangyayari kung saan naipapakalat ang isang

impormasyon upang malaman ng nakararami.

Propaganda – Ito ay ang mga impormasyon na maaaring maging basehan ng

pagkampi o pagkawala ng tao sa isang konsepto, na naglalayong manghikayat.

Pulitika – Ito ay ang nauugnay sa pag-iimpluwensya sa mga aksyon at mga

patakaran ng isang pamahalaan na nagtatakda at nag iingat ng kapangyarihan ng

isang pamahalaan.

Social Media – Ito ay isa sa plataporma na bahagi ng internet na kadalasang

ginagamit ng isang tao upang maibahagi ang mga impormasyon at para makipag

usap sa iba.
KABANATA 2

Ang kabanatang ito ay naglalayong ipahayag ang iba’t ibang literatura sa,
parehong banyaga at lokal, tungkol sa paglaganap ng fake news nitong nagdaang
eleksyon. ANO ANG FAKE NEWS?
DEPINISYON (LOKAL NA LITERATURA)

Ang fake news ay uri ng balita na sinadyang lagyan ng panlilinlang o mga


maling imporasyon na naglalayong siraan ang reputasyon ng isang kilalang personalida.
Kalimitang nakikita ang mga fake news sa kasagsagan ng eleksyon na kalimitang
ikinakalat sa tradisyunal na midyang pambalita o social media platforms. Ang mga
manunulat ng pekeng balita ay kadalasang gumagamit ng kahindik-hindik at mga
overexaggerated na mga salita upang makuha ang atensyon ng mga mambabasa.
Kadalasan din kasi, sa ganoong paraan nakukuha ang panlasa ng mga madla.

MGA URI NG FAKE NEWS (BANYAGANG LITERATURA)

Ayon kay Claire Wardle ng First Draft News, ang fake news ay may pitong uri.
Ito ay ang pangungutya o parodya (satire or parody), maling koneksyon (false
connection), mapanlinlang na nilalaman ng balita (misleading content), maling
nilalaman (false content), huwad na nilalaman (impostor content), dinayang nilalaman
(manipulated content), at kathang-isip na nilalaman (fabricated content) Batay sa
paglalarawan ni Wardle, ang satire o parodya ay tumutukoy sa mga balitang walang
layunin na maminsala ngunit may potensyal na manlinlang o manloko, habang ang
malin koneksyon ay tumutukoy sa mga balita na ang titulo o ang mga nakikitang
pamagat ay hindi tumutugma sa mga nilalaman. Ang nakakalinlang na nilalaman, sa
kabilang dako, ay tumutukoy sa mapalinlang na paggamit ng impormasyon upang
ibalangkas ang isang isyu o indibidwal. Ang maling nilalaman naman ay tumutukoy sa
mga balita na may tunay na nilalaman ngunit ito ay ibinabahagi sa hindi tamang
konteksto ng impormasyon, habang ang huwad na nilalaman ay tumutukoy sa uri ng
pekeng balita kung saan ang mga huwad na pinagmulan o source ay nagpapanggap
bilang mga tunay na pinagmulan ng kuwento. Ang dinayang nilalaman ay tumutukoy
naman sa pagmanipula ng mga tunay na impormasyon o larawan upang manlinlang at
ang kathang-isip na nilalaman ay 100 porsiyentong bagong impormasyon na walang
katotohanan at isinulat para manlinlang o manloko at maminsala.

ANG SIMULA NG FAKE NEWS (BANYAGANG LITERATURA)

Ang pagbaluktot sa katotohanan para sa pampulitikang pakinabang ay tiyak na


hindi na kapani-panibago. Sa katunayan, ito ay isang propaganda, at ang talaan ng
mga gamit o paggamit nito ay bahagi na ng kasaysayan ng mundo Dahil sa "mass
communication," ang propaganda ay lalong lumago at ang mapang-akit na
kapangyanihang nito ay lalong lumakas sa panahon ng mga kaguluhan ng ika-20 siglo
sa pamamagitan ng mga serye ng ideolohiyang pakikibaka. At dahil sa pag-usbong ng
makabagong teknolohiya, ang propagandang ito ay ginamit nang walang humpay sa
lahat ng panig ng kabuuang espektro ng media. Ayon sa The telegraph, ang ganitong
uri ng propaganda ay pinopondohan at kinokontrol ng mga gobyerno. Ngunit, ang
hayagang pagkiling na dala nito ay lumulubog habang ang mga ideolohiyang pakikibaka
ay naging di-gaanong malinaw. Dagdag pa riyan, dahil ang mga populasyon ay naging
sanay sa paggamit ng pangmasang komunikasyon, mas madali nilang makita ito.

GAANO KALAGANAP ANG FAKE NEWS SA PILIPINAS?

Dahil sa paglaganap ng fake news sa Pilipinas at sa mainit na argumento


tungkol sa isang blog, ang mga senador ay nagpatawag ng pagpupulong at
imbestigasyon ukol dito. Ang debateng ito ay may kaugnayan sa Senate Resolution 516,
kung saan hinihimok nito ang pamahalaan na itigil ang EJK o extra-judicial killings, lalo
na sa mga menor de edad. Ngunit, isang blog ang inilathala na tumuturing sa pitong
senador na hindi nakapirma sa nasabing resolusyon bilang mga "Malacañang Dogs."
Kabilang sa mga senador na pinangalanan sa blog ay sina Senador Koko Pimentel,
Manny Pacquiao, Tito Sotto, Richard Gordon, Gringo Honasan, Miguel Zubiri at Cynthia
Villar. Sa pangunguna ng tagapangulo ng Senate Committee on Public Information and
Mass Media na si Senadora Grace Poe, siniyasat ng komite ang paglaganap ng mga
maling impormasyon noong Okt. 3, laso na sa social media at paano matigil ito. Ayon sa
CNN Philippines, iginiit ni Poe ang pangangailangan na suriin ang mga batas na napasa
na, gaya ng batas sa libelo o paninirang-puri. Sa pagdinig ng senado, sina Senador
Antonio Trillanes IV at Francis Kiko Pangilinan ay nagpasa ng tatlong resolusyon para
imbestigahan ang mga pekeng balita. Habang si Senador Joel Villanueva ay nagpasa ng
panukalang batas na magpaparusa sa malisiyosong pamamahagi ng mga mali o pekeng
balita

KABANATA 3

METODOLOHIYA

Sa kabanatang ito ay maipapakita ang disenyo ng pag-aaral, respondente

nakilahok sa pag-aaral, ginamit na instrumento ng pananaliksik, pamamaraan sa

pangangalap ng mga datos, pamamaraan ng sampling, pagpapatunay ng

instrument, pamamahagi at pagkuha ng talatanungan at uri ng estadistika na

angkop sa paksa.

DISENYO NG PAG-AARAL

Ang disenyo ng pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng


pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mananaliksik
ang “Descriptive Survey Research Design” na gumagamit ng talatanungan (survey
questionnaire) para makalikom ng datos. Naniniwala ang mananaliksik na angkop ang
disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos
mula sa maraming respondente

RESPONDENTE
Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay binubuo ng mga residente ng

Dagat dagatan, Navotas City na may edad na 18 taong gulang pataas at mayroong na

nakakaboto na.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionnaire

bilang pangunahing instrumento sa pangangalap ng datos ito ay naglalaman ng

mga maaaring maging sagot ng mga respondente ng kabataan tungkol sa

paglaganap ng fake news nitong nagdaang eleksyon 2021-2022.

Ang mga mananaliksik ng pangkat apat ay gumamit ng talatanungan o

survey questionaire bilang instrumento sa pagkalap ng mga datos na magaamit sa

pag- aaral.

Ang gagamitin pang tugon sa talatanungan ay ang sumusunod:

Antas Timbang Deskriptiv na Marka


4 3.25 - 4.00 Lubos na Sumasang-ayon
3 2.50 – 3.24 Sumasang-ayon
2 1.75 – 2.49 Hindi Sumasang-ayon
1 1.00 – 1.74 Lubos na Hindi Sumasang-ayon

PAMAMARAAN SA PANGANGALAP NG MGA DATOS


Ang mga mananaliksik ay hihingi ng permiso sa Mga kabataan na maari ng

bumoto sa Dagat-dagatan, Navotas City upang mag pasagot ng online survey

questionnaire sa kanilang Messenger para sa mga Kabataan na Maaring sumaagot sa

aming katanungan ukol sa aming paksa naaming ginagawa ngayon.

SAMPLING TEKNIK

Ang pamamaraan sa pag pili ng mga repodente ay convenience sampling teknik

Kung saan ang pagpili ng mga respodente ay Bilang sampu(10) Porsiyento ng mga

kabataan sa Dagat-dagatan. Upang ang mga Respondete na maaring sumagot sa

aming questionnaire Ay Dapat 18 pataas ang kanilang edad at Dapat sila ay Maaari ng

Bumoto.

Balidasyon ng Instrumentong Ginamit

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng kwestyoner mula sa pag-aaral kung

ano ang pananaw ng mga kabataan na nakatira sa barangay Dagat-dagatan sa

paglaganap ng fake news sa nagdaang eleksyon. Nagsagawa din ng paunang

pagsasanay sa mga piling respondente na may kabuuang (10) katao upang

malaman kung labis nilang naunawaan ang nagawang talatanungan bago isagawa
ang pagsasarbey. Ngunit ang nasabing (10) katao ang hindi na maibibilang sa

isasagawang pag-aaral.

Pamamahagi at Pagkuha ng Talatanungan

Ang pamamahagi ng mga sarbey kwestyoner ay Sa Pribado mensahe sa

kagamitan ng Facebook Messenger na binigay ng mga mananaliksik sa mga

respondenteng kabataan ng lugar ng barangay dagat- dagatan nitong nagdaang

eleksyon 2021-2022 nitong buwan ng umpisa ng __________ hanggang

katapusan ng __________. Kalakip nito ang Google form ng paghingi ng permiso

sa mga responde sa pagsagot sa sarbey kwestyoner ng mga mananaliksik.

Ang mga respondente ay hindi limitado sa isang tiyak na oras para sa pagsagot sa

survey, ngunit hinihikayat silang sagutin ito sa kanilang libreng oras sa lalong madaling

panahon. Pagkatapos ng baway kalahok sumasagot sa serbey form, ang mga sagot ay

bubuuin para sa pagsusuri ng datos. Ang serbey form na tatangapin ay hanggang sa

petsa ng pagsasara sa _______.


Estadistikal Tritment

Ang mga sumusunod na pormula ay ginamit upang masuri ang mga nakalap

na mga datos.

Percentage ay ginamit sa deskriptib estadistikal upang matukoy ang kabuuang

relasyon ng bawat pangkat.

Pormula:

kung saan:

% - porsyento

f - prekwensi ng respondente

N - kabuuang bilang ng mga respondente


Weighted mean ay ginamit upang malamang ang kabuuang tugon sa bawat bagay.

Pormula:

wx =

kung saan:

wx - weighted mean

F - prekwensi

N - kabuuang bilang ng mga respondente

You might also like