You are on page 1of 1

1.

Panimula

Maaaring makakuha ng samot-saring kaalaman sa alinmang banda ng Internet.Marahil ay


dumarami ang nagbabahagi ng kanilang kaalaman dulot ng demokratisasyongkinalabasan ng paglaki ng
populasyong gumagamit ng makabagong teknolohiya. Isa ritoang social media: sinasabing nangunguna ang
Pilipinas sa mga gumagamit ng Facebook sa buong mundo (Camus, 2018). Bukod dito, mapapansin ang
pagdami ng mgalumalahok na Pilipino sa diskursong pulitikal. Patunay rito ang pagtagumpay ng lipon ni
Pangulong Duterte sa paggamit ngsocial media upang mangumpanya (Mendoza, 2018).
At sa pagtaas ng mga gumagamit at nagbabahagi, bumababa naman ang kalidadng
impormasyong makukuha sa Internet . Hindi na makita ng lahat kung ano man ang totoo sa hindi, at nagagamit
ng iba ang ganitong panlilinlang para sa sariling pakinabang.Nakalulungkot ring isipin na maraming Pilipino ang
nalinlang na sa mga ganitong bagayna kung tawagin ay Fake News, kung kaya mahalagang maintindihan ang
pinagmulannito, at kung ano at gaano kalawak ang epekto nito sa larangan pulitikal ng bansa.
Malaki ang kahalagahan ng balita sa bawat mamamayan ng lipunan. Matatandaanang
kasabihang“Ang Karunungan ay Kayamanan” oKnowledge is Power . Upang anglahat ng bahagi ng isang
estado ay makakasapi nang maayos, nararapat na ang bawat kaanib nito’y nakakaalam ukol sa kasalukuyan, sa
loob man o sa labas ng kinaroonannito. Nakadidismaya naman na mayroong kaalamang umiikot sa Social Media
na hindi makatotohanan. Ang tinatawag na Fake News ay lumalaganap kahit habang sapagsusulat ng papel na
ito. Kung lumalaki ang dami ng nakakabasa at nagiging biktimangFake News, marahil ay marami rin ang
hindi nakaaalam na malaki ang impluwensiyanito sa lipunan. Mahalagang matukoy ang dulot na epekto ng
ganito, at ng mgapangyayaring kamakailan lamang ay naging laman ngSocial Media, kasama na si Mocha
Uson at ang mga taga-suporta ng mga kandidato, mapa-Duterte man o hindi. At sa pag-alam ng sanhi nito,
malalaman rin ang kalalabasan kapag nagpatuloy ang ganitong mgapangyayari sa mga susunod na taon.

You might also like