You are on page 1of 3

REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kinakakailangang hatiin sa dalawang termino ang salitang social media upang malaman ang kahulugan nito. Ang ibig sabihin ng salitang media ay kahit anong instrumento ng komunikasyon tulad ng telebisyon, radyo, o dyaryo. Kapag isinasama ang salitang social, may interaksyon na rin sa pagitan ng instrumento ng komunikasyon at ng taong gumagamit nito. Hindi lang nagbibigay ng impormasyon ang isang website halimbawa, kundi nagbibigay na rin ito ng pagkakataon ang mga tao na ipamahagi ang kani-kanilang mga opinyon tungkol dito. Kapag media lamang ang ginagamit, tinatanggap ng tao ang impormasyon ngunit wala silang kapangyarihang purihin o kayat pumunan ito1. Madaling mailto ang tao pagdating sa pagkakaiba ng social media at social news. Ang social news ay nasa ilalim ng konsepto ng social media, ngunit hindi lahat ng social media ay social news. Ang mga sumusunod ay sinasakop ng social media: mga social bookmarking, social news, social networking, pagbabahagi ng mga larawan, video, at mga wiki1. Ang unang nagpasimula ng social media ay ang CompuServe, isang kumpanyang tagapagtustos ng internet noong taong 1969. Ang unang email naman ay ipinadala noong 1971 at ang unang blog ay isinulat noong 19972. Mahigit pa sa 1,868,357 ang bilang ng mga Pilipinong gumagamit ng Google Pilipinas search bawat araw. Pagdating naman sa mga social networking sites, isa sa tatlong Pilipino ay gumagamit ng Facebook, at nagkakaroon ng 33 bilyon tweets (mga maliliit na blog) sa Twitter bawat araw. Para sa mga may negosyo, napakahalaga kung kasama sila sa unang pahina ng search results sa Google, dahil 93% ng mga tao ay hindi na tumitingin sa pangalawang pahina3. Ang Pilipinas ay nauuna sa listahan ng mga bansang may pinakamaraming gumagamit ng Facebook at iba pang social media ayon sa isang pananaliksik ng 24/7 Wallstreet4. 1. Philippines 93.9% 2. Israel 91% 3. Turkey 90.9% 4. Chile 90.2% 5. Argentina 89.2% 6. Malaysia 88.4% 7. Indonesia 87.5% 8. Peru 87.2% 9. Colombia 86.9% 10. Venezuela 86.2%

Maraming epekto ang social media sa ikabubuti ng buhay ng mga Pilipino. Noong taong 2011, 3000 na pamilya ang nawalan ng tirahan sa Mindanao dahil sa bagyong Sendong. Kaunti lang ang suporta noon ngunit dahil sa kampanyang One for Iligan ng Iligan Bloggers Society sa mga social networking site, maraming donasyon at relief goods ang ipinadala5. Sa larangan ng showbiz, sumikat ang maraming Pilipino katulad nina Arnel Pineda at Charice Pempenco dahil sa mga video nila sa YouTube, isang social media site6. Nagbigay din ng karangalan sa paaralang UP Diliman si Mark Pere Madrona noong nagtagumpay siya sa ikapitong PopDev Media Awards, isang paligsahan na gumagamit ng social media, noong Nobyembre 29, 2012. Siya ay isang graduate student ng UP Diliman na nakatapos cum laude sa kursong journalism noong taong 2010, na ngayoy kumukuha ng masters degree sa Kasaysayan. Nanal siya dahil sa kanyang mga blog tungkol sa mga isyu ng komunidad tulad ng human trafficking at pang-aabuso sa mga OFW7. Ngunit may mga masasamang epekto din ang social media. Si Mark Joseph Solis, isa ring mag-aaral ng UP Diliman ay kinaso ng plagiarism sa isang paligsahan sa photography ng embahada ng Chile. Sa pamamagitan ng social media, ginamit niya ang larawan ni Gregory John Smith, isang social entrepreneur sa Brazil. Ngayon ay tinanggal na ng embahada ang karangalan ni Mark at may isinasagawang imbestigasyon. Hindi ito yung unang beses na nag-plagiarize siya ng mga larawan. Nanalo din siya sa lima pang paligsahan gamit ng larawan ng mga ibang tao8. Inaapekto rin ng social media ang ating wika. Natutunan tayong gumamit ng mga wikang text, telebisyon, dyaryo, bekimon at jejemon. Umiiksi o humahaba ang mga salita, kayat maaaring masira ang ating gramatika9. Nakasulat dito ang isang buod ng mga mabubuti at masasamang epekto ng social media sa tao10: Pros mas mabilis lumaganap impormasyon nahuhuli ang mga criminal tinutulungan ng mga social networking sites ang mga tao sa pagpapanatili ng pagiging kaibigan tumutulong sa paghanap ng trabaho tumataas ang bilang ng mga bumuboto tuwing eleksyon nabubuti ang ekonomiya hindi na kailangan ng kontrata ang mga nais maging musikero o artista Cons ang maaaring mali ang impormasyon sa social media nawawala ang palihim ng mga tao maaaring maging bulakbol ang mga estudyante maapekto ang hanapbuhay dahil sa mga nilalagay sa internet mailalagay sa panganib ang mga mamamahayag at militar lumalaganap ang cyberbullying mas lumalala ang problema ng plagiarism maaaring magkaroon ng virus

ang computer mawawalan ng negosyo ang mga artista at mang-aawit dahil sa copyright infringement

Bibliograpiya: 1. http://webtrends.about.com/od/web20/a/social-media.htm 2.http://www.inquisitr.com/830664/the-history-of-social-media-when-did-itreally-begin-you-may-be-surprised-infographic/ 3. http://www.pulyetos.com/what-we-do/social-media-in-the-philippines-by-thenumbers/ 4. http://asiancorrespondent.com/54475/philippines-named-the-socialnetworking-capital-of-the-world-indonesia-malaysia-amongst-top-10/ 5.http://www.rappler.com/bulletin-board/23820-social-media-influencephilippines 6. http://arnelpinedarocks.com/2146/arnel/fairy-tale-journey-for-filipino-singerarnel-pineda 7. http://ph.linkedin.com/pub/mark-pere-madrona/12/30b/69b 8.http://ph.news.yahoo.com/up-student-wins-contest-using--stolen--photo030823034.html 9. http://socialmediatoday.com/karenn1617/1745751/effects-social-media-howwe-speak-and-write 10. http://socialnetworking.procon.org/

You might also like