You are on page 1of 1

Sa ikaliwang gitnang bahagi ng aming e-poster inilalarawan ang unang impluwensiya na

tumutukoy sa pagkakaroon at presensya ng social media sa ating lipunan. Kasama ng 4.9 bilyong
taong gumagamit ng social media sa mundo ngayon, masasabing integral na bahagi na ng ating
pangaraw-araw na komunikasyon ang social media; at ito ay dahil sa paglaganap ng iba’t ibang
mga online na plataporma kagaya ng Facebook, Twitter, at Instagram. Dahil sa mga ito, hindi na
problema ang oras para sa komunikasyon – wala nang iintaying panahon na makipagkita sa
gustong kausapin (harapan o call) o na makarating ang mensahe sa pinapadalhan (text, sulat).
Posible nang magbigay o makakuha ng impresyon ang mga tao sa isa’t isa sa hindi direktang
pamamaraan. Ito ay sa pamamagitan ng pagpost ng mga pahayag, larawan, at mga bidyo na
feature ng social media. Ang one-way at two-way na komunikasyon ay maaaring gawin gamit
ang posts, video call, voice call, direct message, at mga notifications alerts gamit ang social
media hindi lamang para makipag-usap, na siyang dahilan para sa ibang moda ng komunikasyon,
pero para na rin sa mga bagay gaya ng libangan o balita. All-in-one package na ang social media
para sa komunikasyon at testamento ito sa pagunlad ng ating social dynamics o ang pakikitungo
natin sa isa’t isa. Sumasang-ayon ito kay Zhong (2021), na sinabing hindi lang dumarami ang
paraan nating makipag-usap sa iba, kundi hinihikayat din ang ating utak na umangkop ng bagong
paraan ng komunikasyon. Halimbawa, noong 2011 nangyari ang Fukushima nuclear incident.
Kung bago amgkasocial media ay aasa lamang ang mga tao sa balita sa TV o radyo, pero ang
naging tugon ng mga tao ay pumunta sa social media para makakalap ng mas maraming
impormasyon. Dagdag pa dito, gumamit din ang mga tao nong panahong ito ng social media,
gaya ng Twitter, upang makipagtalasatasan sa iba tungkol sa mga balitang lumalabas and mga
aksyon na maaari nilang gawin. Kaya, natututo tayong umintindi at makaintindi labas ng
pakikipag-usap at pagsusulat at naaapektuhan din kung paano tayo mag-isip sa pangaraw araw
na buhay.
Naniniwala nga akong kahit hindi pa tayo nagkikita-kita ay may impresyon na tayo sa
ating mga guro at mga kaklase base lamang sa ating mga social media account. Kung dati, sa
small talk natin unang nakikilala ang ibang mga tao, ngayon ay maaari na nating malampasan
ang small talk gamit ang social media dahil sa persona ng mga tao dito. Parte na ng ating
pakikisalamuha ang pagtingin at pagpalitan ng social media. At dito siguradong naipapakita na
nagkakaroon din ng pagkakakilanlan ang mga tao dahil sa social media dahil sa ito ay madaling
maaccess (laganap na laganap ang iba’t ibang mga online na plataporma), malaya (hindi limitado
ang pamamaraan ng komunikasyon; naipapahayag ng mga tao ang kanilang mga sarili at
paniniwala), at ito ay para sa lahat (walang pinipiling tao ang social media, kahit sino ay may
kakayahang gumamit na nito).

You might also like