You are on page 1of 8

Weyah Ann B.

Banza
KONFIL-18 (1CED-Engl)
MODYUL 7 - MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGWIKA (IKALAWANG BAHAGI)

PANIMULA
Ang layunin ng modyul na ito ay ipagpatuloy ang pagtalakay sa mga tiyak na sitwasyon ng
komunikasyon. Isa-isang inilista ang mga ito at kung ano ang epekto nito sa buhay nating mga
Pilipino ngayon.

Pampublikong Komunikasyon
Bilang pinakakinatatakutang uri ng komunikasyon, ang
pampublikong komunikasyon ay mas nakapokus sa
tagapagpadala ng mensahe kaysa tumatanggap na malimit
ay higit sa apat. Sa lahat ng uri ng komunikasyon, ito rin ang
pinaka layunin sapagkat mas madalas itong pormal. Mahirap
ding iwasan ang paraang ito ng pakikipag-ugnay sapagkat ginagamit ito sa buhay-akademiya,
buhay-trabaho, at buhay-sibika. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagharap sa klase upang
bumigkas ng talumpati bilang performance task, pangangampanya para sa isang panibagong
proyekto sa inyong komunidad gaya ng anti-human trafficking campaign, at marami pang iba.
Mainam itong paraan ng pagpapalaganap ng kaalaman at impormasyon dahil na rin sa bilang ng
mga kalahok nito. Mas marami ang hindi sanay makipag-ugnayan gamit ang modang ito
sapagkat nangangailangan ito ng masusing preparasyon at tiyak na antas ng kahusayan upang
hindi umani ng negatibong puna sa mga tagapakinig.
Ang pampublikong pamamahayag o pagtatalumpati ay ang paghahayag sa pamamagitan ng
direktang pagsasalita o pagbibigay talumpati ng isang indibidwal sa harap ng mga tagapakinig
upang manghikayat, magbigay kaalaman, o magbigay aliw. Ang pagtatalumpati ay karaniwang
itinuturing na pormal na pakikipag-usap sa pagitan ng isang tao at ng isang pangkat ng mga
tagapakinig. Maihahalintulad ito sa pagtatanghal, ngunit ang pagtatanghal ay malimit na kaugnay
ng mga gawaing komersyal. Madalas, ang pagtatalumpati ay isinasagawa upang manghimok ng
mga tagapakinig. Katulad ng ibang uri ng komunikasyon, mayroong limang pangunahing salik
ang pagtatalumpati na karaniwang tinutukoy bilang "sino, ano, at para kanino ang inihahayag,
gamit ang anong pamamaraan, kalakip ang anong mga epekto sa mga tagapakinig." Ang layunin
ng pampublikong pamamahayag ay sumasaklaw mula sa payak na pagsasalin ng impormasyon,
sa paghahatid ng kaalaman upang mag-udyok ng pagkilos mula sa tao, hanggang sa paghahayag
ng kwento. Ang mga magagaling na mananalumpati ay hindi lamang basta naghahayag ng
impormasyon, sila rin ay dapat na makapagbago ng damdamin ng kanilang mga tagapakinig.
Ang pagtatalumpati ay maaari ding ituring bilang discourse community (pampamayanan
panayam). Ang interpersonal na komunikasyon at pagtatalumpati ay parehong mayroong bahagi
na sumasaklaw sa mga bagay tulad ng komunikasyong panghikayat, pansariling pag-unlad,
pangangalakal, at pangmadlang komunikasyon. Ang pagtatalumpati ay isang mabisang
kasangkapan na maaring gamitin sa mga hangarin ng pag-udyok, paghikayat, paghimok,
pagsalin, o ethos.

Pangmadlang Komunikasyon
Gaya ng pampublikong komunikasyon, layon din
ng pangmadlang komunikasyon na makipa-
ugnayan at maghatid ng mensahe sa madla.
Gayunpaman, naiiba ito sa nauna kung ang
mensahe ay ipinadadala ng palathala (dyaryo o
magasin) o sa pamamagitan ng electronic media
gaya ng telebisyon at radyo. Kakaiba rin ang
modang ito sa paraang mistulang bumubuo sa personal na koneksyon ang tagapagpadala ng
mensahe, bagamat ang layunin nito ay naipakalat ang nasabing nilalaman (content) sa mas
malaking tagasubaybay. Pagbabahagi ng rebuy ng isang pelikula o album ng isang musikero, suri
sa isang bagong panukalang batas, ulat sa kaganapang pangkalikasan, pampolitika
misinformation hinggil sa Martial Law, na ipinataw noong panahon ng diktaturya ni dating
Pangulong Ferdinand Marcos. Kapansin-pansin na upang mabura ang mga negatibong epekto ng
Martial Law gaya ng patong-patong na pangungutang at pandarambong ng dating pangulo na
ayon sa Ibon Foundation ay patuloy na pagbabayaran ng mga Pilipino hanggang 2025, kabi-
kabila ang pagpapakalat ng fake news at iba pang mapanlinlang na dokumentaryo at komentaryo
sa radio, telebisyon at sa social media. Ang lahat ng ito ay upang mailuklok ni Bong-bong
Marcos sa pagkabise-presidente noong halalang 2016. Bagama’t hindi nagwagi sa puwesto,
malaking porsyento pa rin ng boto ang nakamal ng dating senador – patunay na malaki ang
tungkulin na ginampanan ng mga dokumentaryo at propagandang nabanggit.
Kilala sa Ingles bilang Mass Communication, ang terminolohiyang Pangmadlang Komunikasyon
ay tumutukoy sa proseso ng pagpasa ng isang mensahe sa isang malaking grupo ng tao sa
pamamagitan ng paggamit ng anumang uri ng midya (maaaring dyaryo, telebisyon, radyo,
pelikula, Internet, atbp.)Sinasabi na ang terminolohiyang mass communication ay nagsimulang
palawigin noong mga taong 1920, noong kasagsagan ng pangmalawakang paglaganap ng mga
estasyon ng radyo, dyaryo, at mga magazin. Noong panahong ito nagsimulang maging talamak
ang pag-ikot ng impormasyon sa masa sa pamamagitan ng midya. Hanggang sa kasalukuyan,
ang pagpapalawig ng impormasyon ang nananatiling pangunahing layunin ng pangmadlang
komunikasyon.
Ang terminong pangmadlang komunikasyon ang siya ring ginagamit upang tukuyin ang isang
kursong pang-akademiko kung saan pinag-aaralan ang iba’t ibang paraan upang ang tao o grupo
ng mga tao ay makapagpasa ng mensahe o impormasyon sa isang malawakang sakop ng tao.
Karaniwang pinag-aaralan sa kursong ito ang mga paksang journalismo, brodkasting sa radyo at
telebisyon, advertising, at public relations o pampublikong ugnayan.
Ang paggamit ng dyaryo, radyo, telebisyon, video conferencing at social media ang ilan lang sa
mga halimbawa ng pangmadlang komunikasyon. Ang pangunahing hamon sa uring ito ng
komunikasyon ay ang kawalan ng agarang mekanismo para sa tugon o feedback, - dahilan upang
mas madaling magpakalat ng mensahe nang walang oposisyon. Ngunit sa pag-usbong ng social
media gaya ng Facebook, Twitter, blogs at iba pa, nagiging bukas sa lahat ang publikong
komunikasyon sapagkat binibigyan nito ng kakayahan at oportunidad ang mga tumatanggap ng
mensahe sa pamamagitan ng pagko-comment, pag-repost ng isang content may kasamang
komentaryong maaaring sumasang-ayon o sumasalungat, at direktang pagtugon sa nagbahagi ng
(hal. @KelvinBriones). Bagamat mistulang mabisang pamamaraan ang pangmadlang
komunikasyon upang mabilis na maipamahagi ang isang mensahe (hal. Pag-oorganisa para sa
isang malakihang rally upang kondenahin ang illegal na pagpapatalsik sa punong mahistrado),
kapansin-pansin din na maaari nitong ikompormiso ang kahulugan ng mensahe, dahil bagama’t
tiyak ang layunin ng tagapagpadala, hindi naman tiyak ang konteksto ng tumatanggap ng
mensahe- dahilan upang magkaroon ng pagkakaiba-iba ng interpretasyon at tugon.
Video Conferencing
Ang interaksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang taong nasamagkaibang lokasyon sa
pamamagitan ng pagtatawagan na may kasamang video. Kadalasang ginagamit ito ng mga
kumpanya para sa mga satellites sa ibang lokasyon, mga OFW at sa mga negosyante.
Komunikasyon sa Social Media
Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila
ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na
komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na mga
aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na
nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit. Bagama’t
pinadadali ng social media ang pakikipag-ugnayan sa kapwa, pinalalabnaw naman nito ang
kalidad ng mga relasyon. Sa kaso ng mga dating app, kung gaano kabilis nabubuo ang relasyon
sa platform na ito, ganoon din ito kabilis natatapos. Nagiging disposable ang mga relasyon dahil
sa availability ng iba pang posibleng partner. Isang banta rin ng paggamit ng mga nasabing social
media site ay ang mga online predator na nananamantala sa bata at hindi gaanong aral na
miyembro nito. Kung walang gabay mula sa nakatatanda, maaari ring maging sanhi ng
pagkakalantad sa mga sensitibong paksa ang mga bata sa Internet. Talamak din ang pandaraya sa
pagbebenta ng mga gamit sa social media. Naging malaking salik din ito ng pakikipag-ugnayan
sa kapwa sa puntong nakabase ang relasyon sa mga interaksyon sa mga app na ito, gaya ng
overhsaring na malimit ginagawa upang kumalap ng simpatya sa iba imbes na iresolba ang
problema sa mas pribadong pamamaraan. Dahil na rin sa demokrastisasyon ng impormasyon sa
social media, nagging madali at talamak ang pagpapakalat ng tinatawag na fake news o
misimpormasyon, dahilan upang lalong lumaganap ang pagkakahati-hati ng mga tao pagdating
sa opinion at paniniwala.

Pampublikong Komunikasyon
Lektyur at Seminar
Dalawa sa pinakaginagamit na termino ng mga organize ng pagsasanay, nakatuon ang lektyur at
seminar sa maliliit na pagtitipon ng mga kalahok, kadalasang 20 hanggang 70 na naglalayong
masinsinang matutuhan ang isang tiyak na paksa. Malimit itong inoorganisa upang pagtibayin
ang propesyonalismo ng mga nakikibahagi, at nagtatagal mula isang buong maghapon, hanggang
pitong araw depende sa layunin ng pagsasanay. Ilan sa mga halimbawa ng lektyur at seminar ang
mga pagsasanay sa makabagong pamamaraan ng pagtuturo sa silid aralan, mga mandatory
seminars sa mga bagong luklok na opisyal na barangay, at iba pa. Mabisang platform ang lektyur
at seminar para ipakilala ang mga bagong kaalaman, paraan upang i-update ang dati nang
nalalaman ng mga aktibong kalahok. Upang lalong matiyak kung natamo ang mga layunin ng
lektyur at seminar, iminumungkahi na magkaroon ng pagtataya sa pagtatapos ng gawain. Hindi
iminumungkahi na gamitin ang balangkas na ito kung may inaasahang bagong output mula sa
dadalo.
Ang lektyur ay tumutukoy sa oral na presentasyon ng mga impormasyon o karunungan na
kailangan ng tao para sa isang partikular na paksa. Maraming halimbawa ang lecture tulad ng
sermon ng pari sa kanilang homiliya, pagbebenta ng mga negosyante sa kanilang target na
mamimili.Karaniwang nakatayo sa harap ng maraming tao sa isang silid o tiyak na lugar upang
maisagawa ang pagtatalakay ng paksa.Naniniwala si Bligh (1972) na ang lektyur ay isang paraan
ng pagtalakay sa pamamagitan ng walang tigil na pagsasalita ng dalubguro. Ang nasabing
gawain ay maaaring maging one way learning o active learning na nakadepende sa estratehiya ng
guro sa isang klase ng pangwika kung kaya nabuo ang konsepto na hindi dapat ikahon sa apat na
sulok na lamang ng silid-aralan ang klase.Mahalagang salik na kailangang isaalang-alang ng
lektyurer sa pagbuo ng lektyur ay Layunin,Nilalaman at Istruktura at Mahahalagang kakanyahan
ng isasagawang lektyur.Mungkahi sa epektibong lektyur ay ang pagkakaroon ng kahandaan,
pagkakaroon ng pokus,pakikilahok ng mga tagapanood/tagapakinig at pagkuha ng komento o
pidbak.
- Mga Mungkahi sa Epektibong Lektyur o Lecture
1. Pagkakaroon ng Kahandaan
Isa sa mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng lektyur ay ang pagkakaroon ng layunin ng
isinasagawa ang pagtatalakay. Ito ang bahagi na siyang magbibigay ng direksyon sa gawain at
siyang magdidikta sa mga bagay na dapat matutunan ng mga kasali sa lektyur o lecture at kung
bakit ito dapat na matutunan.Ang magsasagawa ng lektyur ay kailangang bumuo ng balangkas at
mga katulong na audiovisuals na any pagsasaalang-alang sa interes ng mga inaasahang
tagapakinig o tagapanood upang makuha ang kanilang atensyon sa isasagawang lektyure o
lecture.Kung sakali man na ang magsasagawa ng lektyur o lecture ay madalas na kabahan sa
tuwing humaharap sa maraming tao, makatutulong ang ibayong paghahanda upang
mapaglabanan ang kabaat takot. Maaring isulat ang inyong panimula at gawan ito ng pagsasanay
bago ang itinakdang araw ng lektyur o lecture.
2. Pagkakaroon ng Pokus
Makatutulong din ang pagkakaroon ng pokus upang maayos na maisaktuparan ang
gagawinglektyur o lecture. Maaring mapagtagumpayan ang layuning ito kung isasaalang-alang
ang mgasumusunod na mungkahi.
3. Pakikilahok ng Tagapakinig o Tagapanood
Tungkulin ng nagsasagawa ng panayam o lecture na pahalagahan ang kanyang mgataga[akinig,
manood, at lahat ng participant upang maging makabuluhan ang anumang kaniyanggagawing
pagtatalakay. Masasabi na hindi napagtatagumpayan ng tagapanayam ang kanyangtungkulin
kung ang karamihan sa mga participant ay uuwi na hindi nakuntento sa lektyur o lecture.

Workshap
Kadalasang nagtatagal nang anim hanggang walong oras sa maghapon. Ang pagiging
demokratisado, dahilan upang hindi mabigyan ng pagkakataon sa tagapakinig o tagapanood
upang malaya at agarang makapagbigay ng puna at haka sa mga inilalahad na impormasyon ng
tagapanayam o host. Isa pa sa mga puna sa telebisyon at radyo ay ang pagiging corporate-driven
ng mga ito. Dahil may mga pinapangalagaang interes ang mga estasyon, malimit na nakakiling
ang opinion ng mga tagapanayam.
Kinabibilangan ng mga elementong taglay ng isang seminar bagamat ito ay nakapokus sa“hands-
on-practice” na idinisenyo upang aktwal na magabayan ng tagapagsalita o tagapangasiwa ang
mga partisipant sa pagbuo ng isahang output na bahagi ng pagtalakay.Ayon nga kay Jolles
(2005), ang training workshop ay mayroong dalawang anyo: Generalworkshop na ibinibigay sa
magkakaibang partisipant at closedworkshop na inihanda batay sa pangangailangan ng
espisipikong pangkat ng tao.

Pangkatang Komunikasyon
Itinuturing namang pangkatang komunikasyon ang ugnayan sa pagitan tatlo o mahigitpang tao na
nagkakatipon- tipon sa isang layunin. Maaaring maganap ang ganitong uring komunikasyon sa
personal at maging sa iba pang platform (gaya ng group chat sasocial media at video
conferencing) katulad din ng iba pang uri ng komunikasyon.Madalas na nagaganap ang
pangkatang komunikasyon sa mga mag-aaral bilangbahagi ng pagtupad sa mga kahingian ng
asignatura gaya ng kolaboratibongpananaliksik na nangangailangan ng pagtalakay at
pagpapasiya. Kabilang din dito angpagpupulong sa barangay o sa munisipyo na naglalayong
lutasin ang isang suliranin(gaya ng trapiko), na sinisimulan sa pagbibigay ng mungkahi at
pagtatalaga ng mgataong gaganap sa mga tiyak na gawain.
Ang Round table ay isang uri ng akademikong talakayan. Sumasang-ayon ang mga kalahok sa
isang tukoy na paksa upang talakayin at debate. Ang bawat tao ay binibigyan ng pantay na
karapatang lumahok, tulad ng inilalarawan ng ideya ng isang pabilog na layout na tinukoy sa
termong bilog na talahanayan.
Ang small group discussion ay tumutukoy sa maliit na diskusyon sa mga taong gusto nating
makausap. Pwede tayo magpa small group discussion, ngunit piling tao lamang ang mga
pwedeng sumali dito. Ipinapahayag dito ang mga dapat sabihin sa mga taong dapat dumalo sa
diskusyon.

Pasalitang Pag-uulat sa Maliit at Malaking Pangkat


Sa pag aaral ng wika, may apat na makrong kasanayan na dapat pahalagahan. Ang unang
makrong kasanayan na ito ay ang pagsasalita. Lahat ng tao ay nagsimulang matutong magsalita
sa kinagisnang tahanan, wika nga, mga magulang ang unang nagturo sa atin nito at ito ay lalo
nating pinahusay na pumasok sa paaralan. Ang tao ay likas na sosyal. Pinagkalooban ng
maykapal ng kakayahang magsalita, ang pinakamahalagang kasangkapang pang sosyal, upang sa
pakikipagtalastasan ay magkaroon ng sapat na kabatiran sa kapaligiran sa ibang tao, sa lipunang
ginagalawan, sa kalagayan ng mundo at iba pa. Sa araw- araw na ginawa ng Diyos, ang tao, kahit
saan mapadako ay walang tigil sa pakikipag sosyal at pakikipag palitang kaalaman. Ang pagsulat
na pasalita ay sumasaklaw sa pagsasalaysay ng mga nalikom na impormasyon tungkol sa isang
paksa sa harap ng mga nakikinig. Mga pantulong sa paguulat note card,data webs,maps at
chart.Ang ulat ay isang pagpapahayag na maaaring pasalita o pasulat ng ibat ibang kaalaman. Ito
ay bunga ng maingat na pagsasaliksik sa mga aklat o pakikipag usap sa mga taong may tagging
kaalaman o pagmamasid sa mga bagay-bagay. Ang mga paraan ng pag uulat ay pasalita at
pasulat.
Ano ang layunin ng komunikasyon?
Ang komunikasyong hangarin ng isang teksto ay tumutukoy sa layunin na nais mong makamit sa
pamamagitan nito. Kapag sinusulat ito, nais ng may-akda ng isang teksto na makamit ang isang
tukoy na layunin, na maaari at kadalasan ay naiiba ayon sa bawat tukoy na sitwasyon. Ang
intensyon ng komunikasyon ay isa sa pinaka karaniwang paraan upang masuri ang mga
nakasulat na teksto.
Ito ay sapagkat ang hangarin ng may-akda ay matutukoy ang uri ng wika, ang interpretasyon ng
tatanggap, ang natanggap na impormasyon at ang istilo. Bagaman ang ilang mga teksto ay
maaaring may maraming mga intenyong nakikipag-usap, sa pangkalahatan mayroong isa na
nangingibabaw. Samakatuwid, kapag pinag-aaralan ang isang teksto mahalaga na makahanap ng
pangunahing intensya ng pangkomunikasyon.
Nagiging malayunin ang pakikipag-ugnayan kung natitiyak sa simula pa lamang ang inaasahang
outcome. Sa kaso ng mga worksyap at mga pagpupulong, mahalagang malinaw ang tunguhin
upang maging handa ang mga kalahok at upang maging handa ang mga kalahok at upang maging
mahusay ang paggamit sa oras, kagamitan, at iba pang resources.
Paano padaraanin ang impormasyon?
Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa
sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo. Ang araling pangkomunikasyon ng
disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan ang komunikasyon. Ito rin ay ang interaksyon ng
mga tao sa isa't isa.
Ang komunikasyon (galing sa salitang Latin na commūnicāre, na ang ibig sabihin ay "ibahagi")
ay aktibidad ng pagpapahiwatig ng kahulugan batay sa sistema ng mga senyales at batas
semiyotiko. Ang komunikasyon sa biyolohiya ay kadalasang nangyayari sa pamamagitan ng
biswal, awditoryo, o sa biyokimikal na paraan. Ang komunikasyong pang-tao naman ay kakaiba
dahil sa malawak na gamit ng wika. Ang hindi pang-taong komunikasyon naman ay inaaral sa
biyosemiyotiko.

You might also like