You are on page 1of 3

Kabanata 5: MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON

Aralin 1

MAIKLING PAGTATALAKAY SA KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON

Nasa puso ng pang-araw-araw na transaksyon ng tao ang komunikasyon.


Napakalaki ng ginagampanan nitong tungkulin upang mapadali ang mga nais
makamit ng mga tao sa isang tiyak na konteksto. Sa katunayan, napakadaling
pangatwiranan na kung wala ito, hindi uusbong ang anumang uri ng sibilisasyon.
Hindi yayaman nang gaya ng sa kasalukuyan ang nalalaman ng tao sa agham,
matematika, medisina, humanidades, arkitektura at iba pa kundi ito dumaan sa
mauring pagtalakay at bahagian na kaalaman at mga natuklasan. Mahirap ding
kuruin kung ano ang kahihinatnan ng mga lipunan at bansa kung walang naganap at
nagaganap na komunikasyon sa pagitan ng mga lider at kinatawan ng nauuna. Sa
mga praktikal na antas, upang mapagtibay ang relasyon, nangangailangan ng
patuloy na komunikasyon sa pagitan ng magkakaklase, magkaibigan,
mag-asawa/magkasintahan, magkasama sa trabaho o adbokasiya. Sa madaling
salita, dinodomina ng komunikasyon ang lahat ng uri ng relasyon ng tao-
mapaakademiko, propesyuonal, personal, o sibika.

Upang mas maging sistematiko at lalong mabigyan ng konteksto ang


pagtatalakay sa komunikasyon at iba’t ibang tiyak na sitwasyong pinaggagamitan
nito, mahalagang balikan ang ilang puntos sa pag-aaral nina Eadie at Goret (2013)
na lumagom sa iba’t ibang teorya at pag-aaral ng layunin ng komunikasyon. Ayon sa
dalawang eksperto, may iba’t ibang layunin ang tao sa pakikipag-ugnay, ngunit para
sa hangarin ng pagtalakay, tatlo lamang sa limang layunin ang babanggitin.
Pinagsama rin sa isang kategorya ang komunikasyon bilang tagapagpalaganap ng
impormasyon at kultura.

ANTAS NG KOMUNIKASYON

Pangkatang Komunikasyon

Itinuturing na pangkatang komunikasyon ang ugnayan sa pagitan ng tatlo o


mas maaarami pang taong may iisang layunin. Gaya ng iba pang uri ng
komunkasyon, maaaring maganap ang pangkatang komunikasyon sa personal o
maging sa iba pang platform gaya ng group chat sa social media at video
conferencing. Bilang mag-aaral, malimit na maganap ang pangkatang komunikasyon
upang tuparin ang mga kahingian sa iisang asignatura gaya ng kolaboratibong
pananaliksik na nangangailangan ng pagtalakay at pagpapasiya. Isa ring halimbawa
nito ang pagpupulong sa barangay o sa munisipyo na naglalayong solusyunan ang
isang problema gaya ng trapiko, na sinisimulan sa pagbibigay ng mungkahi at
pagpapatalaga ng mga taong gaganap sa mga tiyak na gawain.

Pampublikong Komunikasyon
Bilang pinakakinatatakutang uri ng komunikasyon, ang pampublikong
komuniasyon ay mas nakapokus sa tagapagpadala ng mensahe kaysa tumataggap-
na malimit ay higit sa apat. Sa lahat ng uri mh komunikasyon, ito rin ang
pinakamalayunin sapagkat mas madalas itong pormal. Mahirap ding iwasan ang
paraang ito ng pakikipag-ugnay sapagkat ginagamit ito sa buhay-akademiya, buhay-
trabaho, at buhay-sibika. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagharap sa klase
upang bumigkas ng talumpati bilang performance task, pangangampanya para sa
isang panibagong proyekto sa inyong komunidad gaya ng anti-human trafficking
campaign, at marami pang iba. Mainam itong paraan ng pagpapalaganap ng
kaalaman at impormasyon dahil na rin sa bilang ng mga kalahok nito. Mas marami
ang hindi sanay makipag-ugnayan gamit ang modang ito sapagkat nangangailangan
ito ng masusing preperasyon at tiyak na antas ng kahusayan upang hindi umani ng
negatibong puna sa mga tagapakinig.

Pangmadlang Komunikasyon

Ang paggamit ng dyaryo, radyo, telebisyon, video conferencing at social


media ang ilan lang sa mga halimbawa ng pangmadlang komunikasyon. Kagaya ng
pampublikong komunikasyon, layon nitong makipag-ugnayan at maghatid ng
mensahe sa madla. Ang pangunahing hamon sa uring ito ng komunikasyon ay ang
kawalan ng agarang mekanismo para sa tugon o feedback, - dahilan upang mas
madaling magpakalat ng mensahe nang walang oposisyon. Ngunit sa pag-usbong
ng social media gaya ng Facebook, Twitter, blogs at iba pa, nagiging bukas sa lahat
ang publikong komuhnikasyon sapagkat binibigyan nito ng kakayahan at
oportunidad ang mga tumatanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pagko-
comment, pag-repost ng isang content may kasamang komentaryong maaaring
sumasang-ayon o sumasalungat, at direktang pagtugon sa nagbahagi ng (hal.
@KelvinBriones). Bagamat mistulang mabisang pamamaraan ang pangmadlang
komunikasyon upang mabilis na maipamahagi ang isang mensahe (hal. Pag-
oorganisa para saisang malaklihang rally upang kondenahin ang illegal na
pagpapatalsik sa punong mahistrado), kapansin-pansin din na maaari nitong
ikompormiso ang kahulugan ng mensahe, dahil bagama’t tiyak ang layunin ng
tagapagpadala, hindi naman tiyak ang konteksto ng tumatanggap ng mensahe-
dahilan upang magkaroon ng pagkakaiba-iba ng interpretasyon at tugon.

Upang lalong bigyang-linaw ang kalikasan ng bawat antas ng komunikasyon,


maiging talakayin din ang tiyak na halimbawa nito.
Lektyur at Seminar
Dalawa sa pinakaginagamit na termino ng mga organizer ng pagsasanay,
nakatuon ang lektyur at seminar sa maliliit na pagtitipon ng mga kalahok,
kadalasang 20 hanggang 70 na naglalayong masinsinang matutuhan ang isang tiyak
na paksa. Malimit itong inoorganisa upang pagtibayin ang propesyonalismo ng mga
nakikibahagi, at nagtatagal mula isang buong maghapon, hanggang pitong araw
depende sa layunin ng pagsasanay. Ilan sa mga halimbawa ng lektyur at seminar
ang mga pagsasanay sa makabagong pamamaraan ng pagtuturo sa silid aralan,
mga mandatory seminars sa mga bagong luklok na opisyal na barangay, at iba pa.
Ayon kay C.N. Raja at T.P. Rao, isang uri ng estratehiya sa pagtuturo para sa
mas matas na antas ng pagkatuto ang seminar. Ang isang tiyak na paksa ay
inaanalisa at tinatalakay para makabuo ng isang pinal na desisyon o konsepto.

Mga Uri ng Seminar

1. Mini-Seminar–karaniwan ay kakaunti ang bilang ng mga dumadalo at simple


lamang ang paksang tatalakayin. Ito ay karaniwang ginagawa sa loob lamang
ng silid-aralan. Sa pamamagitan ng seminar ay nahuhubog ang kakayahan at
kasanayan ng mga mag-aaral sa pagtatanong at pag-organisa ng mga
impormasyon. Ito ang nagsasanay sa kanila sa pagdalo sa mas malaking
seminar.

2. Medyor Seminar – isinasagawa ito ng mga institusyon o mga kagawaran


tungkol sa isang partikular na paksa. Mga guro, mag-aaral at kawani ang
kadalasang dumadalo sa seminar na ito na maaring maganap isang beses sa
isang buwan. Kaya kailangang pumili ng angkop na paksang tatalakayin sa
inihandang tema ng seminar.

3. Nasyunal Seminar – Isinasagawa ito sa antas na pambansa. Isang


dalubhasa ang karaniwang inaanyayahan na magbahagi ng kanyang
kaalamansa seminar na ito.

4. Internasyunal Seminar – Mga internasyunal na ahensya o organisasyon ang


nagsasagawa ng seminar na ito. Karaniwan ay mas malawak ang pagtalakay
sa tema nito gaya na lamang ng globalisasyonat pagpapatupad ng mga
polisiya at iba pa.

You might also like