You are on page 1of 2

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines


Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) 458 0021 Local 211
URL: http://dhvsu.edu.ph

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES


Language Department

Kabanata III: PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON

Aralin 1
PANIMULA
Bahagi ng ating araw-araw na pamumuhay ang makisalamuha sa kapwa at ito
ay nagaganap sa pamamagitan ng pakikipagkomunikasyon. Hindi tayo maaaring
mabuhay na mag-isa kailangan natin ang isa’t isa upang tayo ay umiral. Ang
komunikasyon ay galing sa salitang Latin na “communis” nangunguhulugang para sa
lahat, berbal man o di-berbal.
Tayong mga Pilipino ay namumuhay sa lipunan na aktibo ang komunikasyon
kaya’t tayo ay kinikilala sa buong mundo sa katangiang ito. Maraming beses nang
napatunayan na madali tayong magkaroon ng kaibigan kahit minsan pa lamang tayong
pumunta sa isang lugar at ito ay natalakay na sa mga naunang kabanata.
Sa ating pakikipagkomunikasyon, napakahalagang makuha at maunawaan natin
ang mensaheng nais ipaabot ng ating kausap nang maiwasan ang hindi
pagkakaunawaan. Maraming tao ang hindi nagkakasundo dahil sa maling
pagpoproseso ng impormasyon na ibinahagi o tinanggap kaya’t mahalaga na malawak
ang ating kaalaman sa paglalahad at ang tamang pag-unawa nang maiwasan ang
pagtatalo.
Napakalaki ng maitutulong ng kabanatang ito sa ating paglinang sa kasanayang
makakuha ng angkop ng impormasyong maaari nating ibahagi at ang tamang paraan
ng pagpoproseso nito.
A. Ang Panaliksik at Komunikasyon
Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon
na humahantong sa kaalaman. Di-lamang itinutumbas sa tesis, disertasyon, papel
pantermino o artikulo sa journal. Isang batayang gawain hindi lamang sa loob ng
akademya at laboratoryo, kundi pati sa labas nito, maging sa pang-araw-araw na
pamumuhay (Salazar, 2016)
Pagsasaliksik - minimithi ang ”pagtatamo ng karunungan” na batay sa masusing
“pagsusuri ng ebidensya” at tungo sa “higit na matatag na direksyon sa pananaw at
pamumuhay ng tao”.(Almario, 2016a. p.2)
Ayon kay Vizcarra (2003), ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado,
empiriko, at kritikal na pag- imbestiga sa haypotetikal na pahayag tungkol sa inaakalang
relasyon o ugnayan ng mga natural na penomenon.
Idinagdag nina Atienza (1996) at Lartec (2011), ang pananaliksik ay matiyaga,
maingat, sistematiko, mapanuri, at kritikal na pagsisiyasat o pag- aaral tungkol sa isang
bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu, o aspekto ng kultura at lipunan.
Parehong kaisipan din ang ipinahayag ni Sauco (1998) na ang pananaliksik ay
isang pamamaraang sistematiko, pormal at masaklaw na pagsasagawa ng pagsusuring
lohiko at wasto sa pamamagitan ng matiyaga at hindi apurahang pagkuha ng mga
datos sa mga pangunahing maaaring pagkunan. Inaayos ang mga ito at pagkatapos ay
sinusulat at iniuulat.
Ayon naman kay Sanchez (1998), ito ay puspusang pagtuklas at paghahanap ng
mga hindi pa nalalaman.
Ipinahayag naman ni Sevilla (1998), na ang pananaliksik ay paraan ng paghahanap
ng teorya. Bilang kongklusyon, ang pananaliksik ay isang sistematiko at siyentipikong
proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag- aayos, pag- oorganisa, at pagpapakahulugan
ng mga datos tungo sa paglutas ng suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon, at
pagpapatunay sa imbensyong nagawa ng tao.
Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-
alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng
pagpapatunay ng mga panukala (teorya) o mga pamamaraan (sistema), at sa pagsubok
sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. Ang isang
pananaliksik ay mag iba’t ibang katangain, ito ay ang pagiging:
 Sistematiko
 Empirical
 Mapanuri
 Obhetibo, lohikal at walang pagkiling orihinal na akda
 Akyureyt na imbestigasyon
 Matiyaga at hindi minamadali
Ito ay nagagamit sa pakikipag-komunikasyon at ito’y isang hakbang upang ang
bawat tao ay magkaintindihan at mapalawak pa ang kaalaman. Nakakatulong rin ito
upang matukoy at malaman ang pamamaraan ng pagbasa at pananaliksik sa
komunikasyon.
B. Pagpili ng Batis o Hanguan ng Imposmasyon
PRIMARYANG BATIS Ang pangunahing pinagmumulan ay may direktang kaugnayan
dito. Ito rin ay naglalaman ng nang impormasyon na galing mismo sa bagay o taong
pinag- usapan sa kasaysayan. Nagpoprodyus sa panahon kung kailan nagaganap ang
pangyayari o saglit lamang pagkatapos nito. Halimbawa: Dyaryo, mga letrato, mga
liham, mapa, likhang sining (ginagawa sa panahon ng pagkaganap ng pangyayari).

SEKONDARYANG BATIS Nagpoprodyus sa matagal na panahon pagkatapos ng


pangyayari. Karaniwang gumagamit ng pangunahing batis bilang sanggunian. Ang
ganitong uri ng mapagkukunan ay isinulat para sa isang malawak na madla at isasama
ang mga kahulugan ng disiplina tiyak na mga tuntunin, kasaysayan na may kaugnayan
sa paksa, makabuluhang mga teorya at prinsipyo at mga buod ng mga pangunahing
pag-aaral o mga kaganapan na may kaugnayan sa paksa. Halimbawa: mga libro,
dyornal at pananaliksik.

You might also like