You are on page 1of 5

Kabanata III.

Uri ng Komunikasyon: Di – Berbal na Komunikasyon


Modyul sa Introduksyon sa Pag - aaral ng Wika

DI - BERBAL NA KOMUNIKASYON

I. Kahulugan

Hindi ito gumagamit ng salita o wika bagkus ay naipakikita ang mensaheng nais iparating
sa kausap sa pamamagitan ng kilos o galaw ng katawan o bahagi ng katawan ng tao. Mangyari
pa, may ibang anyo pa rin ng komunikasyong di-berbal ang batay sa mga bagay na nakapaligid
sa taong kasangkot sa nasabing proseso.
Ayon kay E. Sapir, ang di-berbal na komunikasyon ay mauuunawaan ng lahat kahit ito
ay hindi nakasulat o naririnig. Ito ay isang detalyado at lihim na kodigo.
Batay sa pag-aaral ni Albert Mehrabian (1971). Lumabas na 93% ng mga mensaheng
ipinanahatid ng tao sa kanyang kapwa ay nagmula sa ng mga di-berbal na komunikasyon. Ang di
berbal na mensahe ay nakakapagpahayag ng mga kahulugang tulad ng nagagawa ng mga salita
ng isang wika, dito ginagamit ang di berbal para makatulong upang lalong luminaw ang
mensaheng nais iparating.
Ayon kay Birdwhistell 30% lamang ang berbal at 70% naman sa di berbal na elemento
sa isang sitwasyon ng komunikasyon. Nakakatulong ang mga di berbal sa pagbibigay diin sa
mga mensahe ng berbal. Ginagamit natin ang di berbal bilang kumplemento sa ating mga
mensaheng berbal. Ito ay nakapagdarag ng ibang kahulugan na hindi ipinapahiwatig sa berbal na
mensahe.
Maari rin namang kontrolin ng mga di berbal ang daloy ng usapan. Maari rin namang
ulitin ng mga di berbal ang mga mensaheng berbal. Sinasabing sa mga paraan ng pagpapahayag
ang kilos ng katawan o di berbal ang pinakamahirap matanto ang kahulugan.
Ayon kay Rodrigo (2001) Ang komunikasyon ay paraan ng pagbibigay, paglilipat, o
pagsasalin impormasyon, ideya, kaalaman, prinsipyo, opinion, katalinuhan at iba pang
kaalamang pangkaisipan, pandamdamin at niloloob ng tao sa anumang paraan na nais gamitin.
Ang tao ay mapamaraan sa paghahatid ng kanyang mensahe, maaaring gumamit ng wika o ng
ibang paraan.

II. Iba’t ibang Anyo ng Di-Berbal na Komunikasyon

● Kinesika (Kinesics) - pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang paggalaw
ng iba’t ibang bahagi ng ating katawan. Hindi man tayo nagsasalita, ngunit sa pamamagitan
ng ating kilos ay naipapahiwatig naman natin ang mensaheng gusto nating ipahiwatig sa iba.

A. Ekspresyon ng Mukha - Ekspresyon ng Mukha-Nagpapakita ng Emosyon.


B. Galaw ng Mata - Nagpapakita ng katapatan ng isang tao, nag iiba ang
mensaheng ipinahahayag batay sa tagal, direksyon at kalidad ng kilos ng mata.
C. Kumpas - Ang kamay at ang galaw ng katawan ay maraming bagay at
kapamaraanang magagawa.
D. Tindig o Postura - ito ay nagpapakita kung anong klaseng tao ang kumakausap
sa iyo.

● Proksemika (Proxemics) - pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo.


● Oras/Kronemika (Chornemics) - tumutukoy sa paggamit at pagpapahalaga ng oras bilang
batayan ng kaakibatan ng mensahe.

A. Teknikal o Siyentipikong oras – ang oras na ginagamit para sa laboratoryo.


B. Pormal na Oras – kung paano binibigyan ang kahulugang kultura at paano
itinuturo.
C. Impormal na Oras – ito naman ay medyo maluwag dahil hindi eksakto.
D. Sikolohikal na Oras – ang kahalagahan ng pagtatakda ng oras sa nakaraan.

● Pandama o Paghawak (Haptics) - isa sa pinaka-primitibong anyo ng komunikasyon.


Minsan, ito ay nagpapahiwatig ng positibong emosyon.
● Paralanguage - tumutukoy ito sa tono ng tinig, pabigkas ng mga salita o bilis ng
pagsasalita.
● Katahimikan/Hindi Pag-imik - ang pagtahimik o hindi pag-imik ay nagbibigay ng oras o
pagkakataon sa tagapagsalita na makapag-isip, bumuo at mag-organisa ng kanyang
sasabihin.
● Kapaligiran - nagsisilbing komunikasyong di-verbal sapagkat ito ay kailangan ng tao upang
maganap ang interaktiboat komunikatibong gawain sa buhay.
● Simbolo (Iconics) - ang mga makikita sa paligid na nagsasaad ng mensahe.
● Kulay (Colorics) - nagpapahiwatig ng damdamin o oryentasyon.
● Bagay (Objectics) - tumutukoy sa paggamit ng mga bagay sa pakikipagtalastasan. Kabilang
nito ang mga Electronics Equipments.

III. Ethnograpiya:
Ang Ethnography ay isang sangay ng antropolohiya isang paraan ng pag-aaral o
pananaliksik direkta iyon ay upang obserbahan ang layunin at nagtatala ang mga kultural na gawi
at panlipunang pag-uugali, mga desisyon at mga pagkilos ng iba’t-ibang grupo ng tao , ie, ang
kanilang pagkakakilanlan at ang kanilang mga estilo buhay Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa
sa pamamagitan ng mga pag-uusap at pakikipanayam sa mga pangkat na ito, pati na rin sa
pamamagitan ng pagrekord ng mga litrato at video

Gamapanin Ng etnograpiya
Ang etnograpiya ay nag-aayos at naglalarawan sa detalye ng kasaysayan, kaugalian,
tradisyon, mitolohiya, paniniwala, wika, talaangkanan, kasanayan, atbp. Ng iba’t ibang karera,
kultura o mamamayan ng mundo. Upang gawin ito, pangunahing ginagamit nito ang isang
pamamaraan ng husay, sa halip na ang dami.

Saan Nagmula ang Etnograpiya?


Ang etnograpiya ay nagmula sa salitang griyego na ethnos= ‘mga tao’ at
grapia=‘pagsusulat’. Isang metodolohiya na ginagamit sa agham ng pananaliksik-panlipunan.
Nakabase ito sa personal na karanasan at pakikipag-ugnayan sapamamagitan ng paglahok,
pagmamasid at pakikipamuhay ng mga mananaliksik samga taong nasabing pamayanan
(Javiniar, n.d.).Sa paraan ng pakikisalamuha sa mga taong kabilang sa komunidad, nag-
iimbestiga ang mananaliksik upang mailarawan ang mga kaugalian, pamumuhay, atiba’t ibang
gawi ng nasabing komunidad. Nakabatay ito sa pagtuklas ng isangpanlipunang konteksto at ng
mga taong naninirahan dito sa pamamagitan ng pag-unawa sa kanilang mga pagpapahalaga,
pangangailangan, wika, kultura, at iba pa. Nangangailangan ito ng matapat na pag-uulat ng
naranasan o naobserbahan ngisang mananaliksik (De Laza, n.d.)

Mga uri ng etnograpiya


Mayroong maraming mga sanga sa loob ng etnograpiya, depende sa uri ng trabaho o
pananaliksik na isinasagawa.

Halimbawa.
Sinusubaybayan ng microethnography ang mga maliliit na pagsisiyasat at pagkatapos ay
tinutugunan ang pag-uugali ng buong pangkat, ang macroethnography ay nagsisimula mula sa
mas malawak na mga katanungan upang maunawaan ang mga maliliit na indibidwal, at sinusuri
ng semantika ng etnograpiya ang mga grupo na isinasaalang-alang ang kanilang lingguwistikong
konsepto.
May tatlong antas ng pakahulugang maibibigay sa etnograpiya
1. Bilang pangunahing metidolohiya ng antropohiya.
2. Pinapakahulugan ang Etnograpiya bilang dokumentasyong isinisagawa ng isang anthropologo
o ng sinumang nagsasagawa ng sistematikong pagtatala ng mga kultura.
3. Tumutukoy rin ang Etnograpiya sa isang estilo o paraan ng pagsulat.

Bilang isang Metodolohiya, paano ba isinasagawa ang Etnograpiya?


Dahil kinasasangkutan ito ng pag aaral ng mga grupo ng tao o institusyon sa kanilang
pang-araw-araw na buhay..

May dalawang pangunahing gawain ang nakapaloob dito:


• Una, papasok ang etnograper sa isang lugar o komunidad kikilalanin ang mga taong
nananahan dito o mga taong bahagi nito (kung institusyon ang pinag-usapan).
• Pangalawa, isusulat ng etnograper ang kanyang naobserbahan at natutuhan habang
patuloy na nakikimuhay sa komunidad.

1. Partisipasyong etnograpiko- tinatawag ni Emerson et Al. (1995)”, ang pakikibahagi ng


mananaliksik sa komunidad bilang ethnographic participation. Mas kilala ito sa taguriang
participant observation na kinikilala bilang pangunahing metodo ng Etnograpiya, maging
ng antropolohiya sa kabuuan (Reich 1998).

A. Pahalagahan higit sa lahat, ang interest ng mga importante. Isangguni sa kanila


kung gusto nilang pangalanan o ikubli ang kanilang udentidad; kung nais nilang
magkaroon ng kopya ng isinagawang pag-aaral; at kung alin sa mga
inpormasyong kanilang ibinigay ang maaaring isama sa pinal na ulat. Sapagkat
bawat datos ay may implikasyon, hindi lahat ay maaaring ipaalam sa publikong
babasa ng pananaliksik.

B. Ipaalam at ipaunawa sa kanila ang pakay ng pagpunta sa komunidad sa simula’t


simula pa lang. Hindi dapat ikubli ang identidad ng mananaliksik. Mahalaga ang
pakikiugaling pagmamasid sapangkat pinahihintulutan nito ang mananaliksik na
magkakaroon ng sapat na panahong masiyasat kung ano talaga ang nangyari sa
lugar. Mula 12 hanggang 18 buwan ang iminimungkahing tagal ng paglagi sa
lugar, kung sobrang iksi ang inilagi ng mananaliksik, hindi niya mapagtitibay ang
mga datos: kung sobrang haba naman, may panganib sa masyado na siyang
malubog sa komunidad at mabitbit na rin niya ang mga pakiling ng mga tao rito.

2. Dokumentasyong Etnograpiya- tumutukoy ang dokumentasyon sa dalawang bagay:


a) paggawa ng mga tala sa larangan, b) pagsusulat ng etnograpiya mismo.

A. Paggawa ng mga tala sa larangan (field notes)- bago matawag na etnograpiya


ang isang produkto ng pananaliksik etnograpiko,mga tala sa larangan o field notes
ang taguri sa mga ito. Gumagamit ang mga etnograper ng maraming katawagan
para dito.

Talasanggunian:

N.A. (2021). Ang etnograpiya ay nagmula sa salitang griyego na ethos mga tao at grapiya.
Nagmula sa https://www.coursehero.com/file/p1ftdi09/Ang-etnograpiya-ay-nagmula-sa-
salitang-griyego-na-ethnos-mga-tao-at-grapia/?
fbclid=IwAR2xIP67Uj7GglfrEMpBtUHMDHJin8VWAEpSkocDZWauhdEvdZmTSdD24
Tk

Isidro, J. (2017). Uri ng komunikasyon. Nagmula sa


https://www.slideshare.net/JeremyIsidro/uri-ng-komunikasyon-71363858
Maestro, V. R. (2019). Uri ng komunikasyon – ano nga ba ang mga uri nito? Nagmula sa
https://philnews.ph/2019/09/13/uri-ng-komunikasyon-ano-ba-ang-mga-ibat-ibang-uri-nito/

Policarpio, S. L. (2015). Mga batayang kaalaman sa metodolohiya sa pananaliksik-panlipunan.


Nagmula sa https://www.scribd.com/presentation/424061118/Mga-Batayang-Kaalaman-Sa-
Metodolohiya-Sa-Pananaliksik-Panlipunan?
fbclid=IwAR1POnff_mkJIfic87WPO_E_JssTUBpjUaGj5RjxWu5K9p8gFZ9NmoNnd8E

Quiogue, G. V. (2013). Komunikasyong di-berbal. Nagmula sa https://prezi.com/pju-


vakhmfrr/komunikasyong-di-berbal/?
fbclid=IwAR28y7viqNksGUt_CUYrhfa1qSXIR9Z9pz6dWVwkAJgs87mU0MtLf3UDQR0

You might also like