You are on page 1of 12

KROS-KULTURALNA PAG-AARAL SA DI- BERBAL NA KOMUNIKASYON

SA PILING LUGAR SA PILIPINAS

Ipinasa Nina:

Arnobit, Reanna Marie

Baylon, Samantha

Caneo,Eliza Mae

Cayetano,Jhana Trixie

Dela Cruz, Bryan Chester

Falceso, Gerald

Remollo, Karen Mae

Ipinasa Kay:

Deomedes Rodriguez

Setyembre 2019
KABANATA 1

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Isa sa pinakamahalagang sangkap upang mabuo ang pagkatao ng isang indibidwal

ay ang komunikasyon. Ang komunikasyon ay ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa

pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan ( Bernales 2002). Sa pamamagitan nito,

naroon na naipadadama ng isang tao ang kanyang damdamin sa kanyang kapwa.

Sinasabing may dalawang uri ng komunikasyon. Ito ay ang berbal at di- berbal na

kamunikasyon. Sa berbal ng komunikasyon naroon na madaling naipahahayag ang

damdamin ng isang tao samantalang sa di-berbal ng komunikasyon ay maaring

magkaroon ng maling interpretasyon sapagkat ibat-iba ang tayo ng pagkakaintindi dito.

Ayon kay Charles Darwin, may pagkakatulad ang mga kilos at gawi ng tao kahit iba-iba

ang kanilang pinagmulang kultura dahil sa ilang katangiang likas sa tao. Gayunman,

taliwas ito sa paniniwala ni Birdwhistle na walang unibersal na kahulugan ang mga kilos

na nagpapahiwatig ng damdamin at ang lahat ng kilos at galaw ng tao ay produkto ng

kanyang kulturang pinagmulan at hindi likas o biyolohikal na namamana. Mapapansin na

iba-iba ang pananaw ng mga eksperto patungkol sa usaping ito. Ngunit ang layunin

lamang nito ay mabigyang linaw ang kahulugan ng mga kilos na ipinapakita ng isang

indibidwal ng tao sa kanyang kausap. Kailangan lamang ng tamang pagkakaintindi upang

hindi magkaroon ng mali interpretasyon sa mga kilos na ipinapahayag. Madalas ipahayag

ng tao ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng kilos. Madaming nagsasabi ng mas

komportable sila na gawin ang isang bagay kaysa sabihin ito. Sa pamamagitan ng kumpas

ng kamay, pagturo gamit ang ibat-ibang bahagi ng katawan at pag gamit ng mga bagay

bagay, duon ay na ipahahayag nila ang mensahe na nais nilang sabihin. Kapag ang tao ay
malapit na sa isat- isa ito ay madaling intindihin. Ngunit kung ang iyong kausap ay mula

sa ibang lugar at ngayon lamang nakasalamuha, naroon ang kalituhan sa pagkakaintindi

ng mensaheng nais sabihin. Totoong nakalilito talaga magpahayag ng damdamin ang

isang tao. Ngunit sa tamang paraan ng salita o kilos, naroon ang pagkakaunawaan at ang

pagkakaintindi sa bawat isa.

Tiyak na Layunin

Ang layunin ng pag- aaral ng ito ay:

1. Malaman ang kaibahan ng mga di- berbal ng komunikasyon sa mga piling lugar

sa Pilipinas.

2. Matukoy ang epekto ng kultura sa pagbibigay kahulugan ng mga di- berbal na

komunikasyon sa mga piling lugar sa Pilipinas.

3. Masuri ang ibig sabihin ng mga di- berbal ng komunikasyon sa mga piling lugar

sa Pilipinas.

4. Matukoy ang pagkakatulad ng mga di- berbal ng komunikasyon sa mga piling

lugar sa Pilipinas.

5. Maibahagi ang mga bagong kaalaman patungkol sa di- berbal ng komunikasyon

sa pamamagitan ng pag- aaral ng ito.


Paglalahad ng Suliranin

Layunin ng pananaliksik ng ito na alamin kung paano nagkaiba- iba ang mga di-

berbal na komunikasyon sa mga piling lugar sa Pilipinas.

Ang mga sumusunod ay ang mga espesipikong katanungan na bibigyang lunas sa

pag- aaral ng ito.

1. Ano ang demograpikong profayl ng mga respondent base sa kanilang:

1.1 Edad

1.2 Kasarian

2. Anu- ano ang mga pagpapakahulugan ng mga di- berbal na komunikasyon sa mga

piling lugar sa Pilipinas?

3. Mayroon bang pagkakaiba-iba ang mga di- berbal na komunikasyon batay sa edad

at kasarian?

4. Paano nagkakaiba ang mga kahulugan ng di- berbal na komunikasyon batay sa

mga piling lugar na nanggit?


KABANATA 2

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga kaugnay na pag-aaral at

panitikan na kinuha mula sa nakalimbag na mga libro, mga dyornal, mga abstrak,

at iba pang mga pananaliksik na maaaring maghatid at mag-ambag sa

pagtataguyod ng mabilisang pag-unawa ng mga ideya tungkol sa paksa.

BANYAGANG PAG-AARAL

Ayon kay Genelle G. Morain sa kanyang artikulong “Kinesis and Cross-

Cultural Understanding”, ang di-berbal na aspeto ng komunikasyon sa tatlong uri:

Ang lenggwahe ng katawan na tumutukoy sa kilos, galaw, tindig, ekspresyon ng

mukha, titig, hipo at distansya o agwat; panagalawa ang Lenggwahe ng bagay na

tumutukoy sa gamit ng mga sagisag at tanda, disenyo, relikya, artipak, kasuotan,

at mga personal na dekorasyon sa pakikipagkomunika sa iba; at ang huli ay ang

lenggwahe ng kapaligiran na binubuo ng mga aspeto ng kulay, pag-iilaw,

arkitektura, espasyo, direksyon, at natural na kapaligiran na nagpapahayag sa tao

tungkol sa kanyang kalikasan. Ang bawat di berbal na kinikilos ng bawat tao ay

nabibigyan ng kahulugan depende sa lugar at sa taong gumagawa nito.

Ayon kay Eibl-Eibesfeldt sa kanyang ginawang kultural na dokumentasyon sa

pantaong kilos at galaw, ipinaliwanag niya ang kanyang pag-aaral na ginawa

gamit ang angle lenses na kung saan kinuhanan niya ng litrato ang ibat ibang tao

nang hindi nila namamalayan.Natuklasan sa pag-aaral na ito na na may

pagkakatulad ang pag ngiti, pagtawa, pag-iyak at ekspresyon ng galit gaya ng

pagkunot ng noo, pagsimangot, pagtiim ng bagang, pagkuyom ng palad,


pagpadyak at paghagis ng mga bagay. Bukod dito, napatibayan din ang ilang

ekspresyon ng mukha ng tao ay hawig sa ekspresyon ng mga hayop. Malinaw din

na may pagkakaiba ang mga kilos at galaw ng tao sa iba’t ibang panig ng daigdig

alinsunod sa kanilang lipunan at kulturang kinalakhan.

LOKAL NA PAG-AARAL

Ayon kay Semorlan (1997), ang komunikasyon ay ang proseso ng pagbibigay at

pagtanggap. Mensahe ang ibinibigay at mensahe rin ang tinatanggap. Sa pamamagitan

nito nabubuo ang pagkakaunawaan ng mga tao sa lipunan dahil naipahahayag ng bawat

isa ang kani-kanilang ideya at saloobin. Ayon din kina Espina at Borja (1999), ang

komunikasyon ay isa ring makabuluhang kasangkapan upang maangkin ng bawat nilikha

ang kakayahang maipaliwanag nang buong linaw ang kanyang iniisip at nadarama. Dito

kusang umuusbong ang isang matatag na pagkakaunawaan at relasyon ng mga tao sa

isang lipunan. Dahil dito may pagkakaisa rin sa kanilang mga mithiin sa buhay.

Binanggit nina Arnold at Hirsh et al. (2002), na aniya, “nakikipag-komunikasyon ang tao

batay sa gusto nito at dahil naihahatid mo ang gusto mo” Talagang totoo naman sapagkat

kapag nakikipag-usap sa iba o maging sa sarili ang tao, may sarili siyang layunin, may

mensahe siyang gustong ipaabot. Maaaring gusto niyang magbigay-impormasyon,

magkwento, magpahayag ng opinyon, magpahayag ng damdamin tulad ng tuwa o sama

ng loob, makipagtalo o mag-aliw lamang. Anu’t anuman, may mabuting naidudulot sa

mga nagsisipag-usap ang pag-uusap o komunikasyon.

Sa pagpapahayag ng mensahe sa komunikasyon ay kadalasang ginagamit ang

pasalitang paraan o ang tinatawag na berbal na komunikasyon. Ayon kina Lorenzo

(1994), ang komunikasyong berbal ay komunikasyong gumagamit ng wika na maaaring


pasulat at pasalita. Pasulat ang uri ng komunikasyong nababasa at pasalita yaong mga

binibigkas at naririnig. Ang berbal na komunikasyon ang siyang pinakamahalaga at

pinakamabisa. Sa pamamagitan nito, lubos at buong linaw na naipahahayag ng tao ang

kanyang naiisip at nadarama. Samakatwid, wika ang mahalagang kasangkapan sa

pagpapahayag, paghahatid at pagbibigay o pagtanggap ng mensahe.

Ngunit, upang higit na maging malinaw ang isang mensahe ay sinasamahan ito ng

senyas o galaw ng bahagi ng katawan. Ito ang tinatawag na di-berbal na komunikasyon.

Ayon kina Belvez (2004), ang mga di-berbal na komunikasyon ay bahagi ng mga

mensaheng berbal kahit na ang mga ito’y naisasagawa nang wala sa loob o hindi

kinukusa. Ito ay sa pamamagitan ng kilos ng katawan, kumpas ng kamay, galaw ng braso,

iba-ibang uri ng pagtingin at pagtitig, taas ng kilay at mga ekspresyon ng mukha at iba pa.
KABANATA 3

METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay nagbibigay ng isang banghay ng mga pamamaraan ng

pananaliksik na ginamit sa pag-aaral. Nagbibigay ito ng impormasyon ng mga kalahok,

kung sino ang mga kalahok at kung paano sila ininterbyu. Inilarawan ng mga

mananaliksik ang disenyo ng pananaliksik na pinili para sa layunin ng pag-aaral at ang

mga dahilan para sa pagpipiliang ito. Bukod dito, ang instrumento na ginamit para sa

pagkolekta ng mga datos ay inilarawan gayundin ang mga pamamaraan na sinusunod

upang isagawa ang pag-aaral ay kabilang din sa bahaging ito. Tinatalakay din ng mga

mananaliksik ang mga pamamaraan na ginagamit upang pag-aralan ang nakolektang

datos. Bilang wakas, ang mga isyu na may kinalaman sa etika na sinunod sa proseso ay

tinalakay din.

Disenyo ng Pananaliksik

Cavana et al. (2001) ay nagsaad na ang disenyo ng pananaliksik ay isang

balangkas na kahanay ng mga makatwirang desisyon sa pagpili o mga patnubay, upang

tumulong sa pagdadala ng wasto at maaasahang mga resulta ng pananaliksik. Ang

isang disenyo ng pananaliksik sa positibong paraan ay sumasaklaw sa mga konklusyon

tungkol sa pagpili ng mga pamamaraan sa pagkolekta at pagsukat ng mga datos,

maging ang mga instrumentong ginamit sa pagkolekta ng mga datos. Ang isang

mahusay na disenyo ng pananaliksik ay nararapat tiyakin na ang bawat impormasyong

nakuha ay naaangkop sa problema ng pananaliksik, at ito ay tinipon sa pamamagitan

ng makatotohanang proseso.
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng kwalitatibong pamamaraan, na kung saan

tumutugma sa isang tematikong pamamaraan ng pagbabahagi ng mga impormasyon na

nakolekta, tungkol sa iba’t ibang estratehiyang ginamit ng mga piling "di berbal na

komunikasyon" sa pagtukoy ng iba’t-ibang pagpapakahulugan sa iba’t-ibang lugar sa

Pilipinas. Ang layunin nito ay malaman kung paano nagkakaiba ang

pagpapakahulugan ng mga di-berbal na komunikasyon sa kanilang lugar, ano ang

ginagawa nila, o paano nila ginagamit ang mga ito.

Isinaalang-alang sa pag-aaral na ito, ang pangunahing pokus ng problema ay

upang malaman ang pagkakaiba-iba ng mga di-berbal na komunikasyon sa mga piling

lugar.

Ang penomenolohiya ay isang kwalitatibong pamamaraan ng pananaliksik

na ginagamit upang ilarawan kung paano dumaranas ang tao ng isang tiyak na

karanasan. Ang isang penomenolohiyang pag-aaral ay sumusubok na isantabi ang mga

pagpanig tungkol sa mga karanasan, damdamin, at reaksyon ng tao sa isang partikular

na sitwasyon. Pinapayagan nito ang mananaliksik na malaman ang pananaw, pag-

unawa, at damdamin ng mga taong tunay na nakaranas nito. Samakatuwid, ang

penomenolohiya ay maaaring tinutukoy bilang isang pangunahing pagsisiyasat at

paglalarawan ng mga penomena tulad ng kamalayan na naranasan ng mga taong

patuloy na nabubuhay sa mga karanasang ito. Ang pananaliksik ay karaniwang

ginagawa sa pamamagitan ng paggamit ng mga malalim na pakikipanayam at ng pag-

aaral ng mga pananaw ng mga sumasagot.


Ang makatotohanang penomenolohiya ay nagsasaliksik ng istruktura ng

kamalayan, habang pinapaliwanag nito ang layunin ng iba't ibang uri ng mga bagay,

kabilang ang mga pagkilos ng tao, mga motibo, at ng mga sarili (Stanford

Encyclopedia of Philosophy, 2013). Sinabi rin ni Smith (1997) na ang makatotohanang

penomenolohiya ay naaangkop kung ang ideya ng isang tao ay may sapat na kaalaman

ukol sa pag-aaral, nangangahulugan na ang tao ay nag-isip ng isang ideya at ginamit

ang mga paniniwalang ito upang gumawa ng isang bagay para sa kanyang kaalaman.

Sinabi rin ni Lester (1999) na ang paraan ng pag-uugali ay ang pagpapaliwanag ng

mga kadahilanan at partikular na mga detalye na nakakaapekto sa mga karanasan ng

indibidwal na taong nasasangkot sa isang pag-aaral.

Sa pag-aaral na ito, nais malaman ng mga mananaliksik ang iba’t ibang

pagpapakahulugan ng mga di-berbal na komunikasyon sa mga piling lugar at kung

paano ito nagagamit. Samakatuwid, ang mga mananaliksik ay gumawa ng isang

malalim na pagsisiyasat sa kanilang mga pagtugon.

Metodolohiya at Teknik na Ginamit

Ang mga mananaliksik ay naglalayon na makakuha ng tiyak na

impormasyon. Ilan sa mga kasangkapan na kanilang ginamit ay ang internet, libro at

mga respondente. Isinagawa ito upang mas palawakin pa ang kanilang kaalaman at

siguraduhing may katuturan ang mga impormasyon na kanilang nakalap.

Pagdating sa kanilang mga respondente, ang mga mananaliksik ay gumamit ng “semi

structured interview” upang mapadali ang kanilang pagkuha ng mga datos.

Magtatanong muna ang mga mananaliksik sa kanilang respondente kung bukal sa


kanilang kalooban ang interbyu na kanilang isasagawa. Tinitiyak ng mga mananaliksik

na ito ay hindi magiging sapilitan ang pakikipanayam upang maging komportable ang

mga respondente lalo na sa pagsagot ng mga katanungan na kanilang inihanda. Walang

ibang layon ang mga mananaliksik kung hindi ang makakuha ng wasto, tiyak, tapat at

konpidensyal na mga kasagutan na magmumula sa mga respondente na kanilang napili.

Sinimulan ng mga mananaliksik ang kanilang pag-aaral sa buwan ng

Setyembre at inaasahang ito ay matatapos sa buwan din ng Setyembre sa kasalukuyang

taon. Upang mapaganda at maging maayos ang daloy ng pakikipagpanayam ng mga

mananaliksik sa kanilang respondente, sila ay nakipagkasundo sa iskedyul kung saan at

kailan libre ang mga respondente sa araw at oras na iyon.

Isasagawa ang pakikipagpanayam sa iba’t ibang lugar sa bansa. Ito ay

upang tiyakin na ang mga mananaliksik ay makakakuha ng sapat at wastong

impormasyon na kanilang makokolekta mula sa mga tapat na kasagutan ng kanilang

mga respondente.

Mga Respondente ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay pumili ng anim na respondente sa ilang piling

lugar sa Pilipinas. Sa pagsunod sa ibinigay na pamantayan, ang mga kalahok ay

maaaring binubuo ng anim (6) na babae na nasa edad labing-walo (18) hanggang

limampung taon (50).


Ang mga kalahok ay pinili sa pamamagitan ng “Purposive Sampling Technique.” Sa

ganitong pamamaraan, ang mga kalahok ay pinili ayon sa edad, kasarian, at iba pang

aspeto. Ayon kay Crossman A. (2018), ang isang ‘purposive sample’ ay halimbawa ng

isang ‘non-probability sample’ na pinili batay sa mga katangian ng isang populasyon at

layunin ng pag-aaral. Ang ‘purposive sampling’ ay kilala rin bilang mapanghusga,

mapili, o subhektibong ‘sample’.

Instrumento ng Pag-aaral

Sa pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay gumamit ng ‘semi-

structured interview’ upang mangalap ng impormasyon mula sa mga kalahok sa pag-

aaral batay sa kanilang kaalaman at kagustuhan. Ang mga mananaliksik ay may

kakayahang makapagbigay ng karagdagang katanungan upang mas mabigyang linaw

ang kasagutan ng mga napiling respondente. Ang mga katanungan sa ‘semi-structured

interview’ ay masasabing ginawa alinsunod sa mga pamantayan. Ito rin ay maaaring

makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman at pag-unawa sa karanasan ng pagtuklas ng

mga pagpapakahulugan sa mga di-berbal na komunikasyon.

You might also like