You are on page 1of 4

KAHALAGAAN NG KOMUNIKASYON (MORTERA,2009)

1. Nabibigyang-pagkakataon na ibabahagi ng tao ang sariling karanasan


at damdamin sa kanyang kapwa

2. Nagkakaroon ang tao na ganap na kabatiran tungkol sa sariling


pagkatao batay sa ipinatatalastas ng kanyang kapwa at siya sa kanyang
kapwa.
3. Napaglalapit ang mga pusong magkakalayo kahit espasyo, dingding,
tubig.pulo man ang pagitan.
4. Napag-iisa kung hindi man ay napaglalapit ang mga taong may
hidwaan sa lipunan.
5. Nakapagbabahaginan ang tao ng mga kaalamang mahalaga at
kailangan sa kani- kaniyang buhay.
6. Napagtatagumpayan ng tao ang pagkakamit ng kanyang mga
pangarap at pagsasakatuparan ng kanyang mga panaginip.
7. Nabibigyang-linaw ang mga pangyayaring nangangailangan ng
pagtutuwid at pagmamatuwid.
8. Napapaunlad ng komunikasyon ang iba't-ibang uri ng talino (multiple
intelligence ni Gardner) ng tao sa paghahatid at pagtanggap ng mga
bagong kaalaman.
9. Nauunawaan ng tao ang tamang paggamit ng kanyang wika.
10. Natatapuan ang tunay na kagandahan at kabuluhan ng paglikha ng
Diyos sa tao.
URI NG KOMUNIKASYON
Ang BERBAL na komunikasyon ay ang uri ng komunikasyong
gumagamit ng salita sa anyong pasalita at/o pasulat man. Nagagawa ang
paraang oral sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kaanak, kaibigan, at
kakilala, pakikipagtalakayan sa klase, at paglahok sa mga usapan sa
kumperensiya at seminar. Pasulat naman itong napadadaloy sa mga
sulatin sa klase, paglikha ng blogpost, pagbuo ng manifesto at bukas na
liham, at iba pa.

Mga halimbawa ng Berbal

Pakikipag usap , pakikipag ughayan o pakikipagtalastasan sa kapwa sa


pamamagitan ng pasalita.
Pakikipanayam sa tao.
Pakikipagpalitan ng saloobin at kuro kuro sa kausap.

Isa pang uri ng komunikasyon ang DI-BERBAL na komunikasyon. Ayon


sa mga pag-aaral, lubhang napakalaki ng elementong di-berbal sa
pakikipag-usap sa mga taong napapaloob sa sariling kultura. Sa
katunayan, tinatayang 70 porsiyento ng isang karaniwang kumbersasyon
ang binubuo ng di-berbal na elemento (Maggay 2002). Ang ‘bait ibang
anyo ng di-berbal na komunikasyon ay ang sumusunod:

Mga Halimbawa ng Di-berbal

Pakikipag usap sa kapwa gamint ang mga kamay na sumisenyas sa kausap.


Pakikipag ugnayan gamit ang ibat ibang ekspresyon ng mukha na
nagpapahiwatig ng kanyang damdamin at nararamdaman sa kausap.
Kinesika (Kinesics) — tumutukoy sa kilos o galaw ng katawan.
Bahagi nito ang ekpresyon ng mukha, galaw ng mata, kumpas ng mga
kamay, at tindig ng katawan.

Proksemika (Proxemics) — tumutukoy sa oras at distansiya sa


pakikipag-usap. Ang oras ay maaaring pormal gaya ng isinasaad ng relo, o
impormal na karaniwang nakadikit sa kultura gaya ng mga terminong
“ngayon na,” “sa lalong madaling panahon,” at “mamaya na.” Ang
distansiya naman ay nagbabago rin depende sa natamong ugnayan sa
kausap. Kapansin-pansing ang mga bagong magkakilala ay may mas
malaking distansiya kumpara sa mga taong matalik na magkakaibigan.

Pandama o Paghawak (Haptics) — itunuturing na isa sa mga


pinakaunang anyo ng komunikasyon. Kadalasang nagsasaad ito ng
positibong emosyon o pakikiramay sa mga hindi magandang karanasan.
Halimbawa nito ay pagtapik sa balikat o pagyakap sa kausap.

Paralanguage — tumutukoy sa tono ng tinig at kalidad at bilis ng


pagsasalita.

Katahimikan o Kawalang-Kibo – Iubhang makahulugan na


karaniwang ginagawa upang mag-isip at paghandaan ang sasabihin, o dili
kaya ay magparating ng tampo o sama ng boob.

Kapaligiran – tumutukoy sa pinagdarausan ng pakikipag-usap at ng


kaayusan nito. Mahihinuha ang intensiyon ng kausap batay sa kung saang
lugar niya nais makipag-usap.

You might also like